"Hoy, tumayo ka na diyan."
Agad akong napabangon at napaupo ng marinig ang boses ni nay Margie. Nakatayo siya sa may bandang paanan ng kamang gawa sa pinagtagpi tagping kawayan at may saping banig na siyang hinihigaan ko. Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto ng kwarto ko. Alas syete na ng umaga. Kailangan ko nang kumilos para pumasok sa trabaho."Nay, kararating niyo lang po? Inantay ko po kayong umuwi kagabi" tanong ko sa kanya. Napuyat ako kagabi sa kakaantay sa kanya kahit pa alam ko naman na hindi siya uuwi dahil palagi naman itong wala sa bahay at madalang lang itong umuwi sa loob ng isang linggo.
"Wala kang pakialam kung umuwi man ako o hindi." Mataray na sagot ni Nanay Margie sa'kin. Napayuko at napabuntong hininga naman ako.
"Nag-almusal na po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo, nay. Saglit lang" masigla kong sabi, hindi pinansin ang pagsusungit niya. Tumayo na 'ko at isinuot ang tsinelas ko na kulay gray. Nakaisang hakbang palang ako ay nagsalita na ito.
"Ano naman ang ipapakain mo sa'kin? Tuyo? Sardinas? Itlog? Hindi na bale. Ikaw na lang ang kumain tutal iyon na rin naman ang kinakain mo sa araw araw. Hindi na 'ko magtataka kung magkaro'n ka ng kaliskis isang araw" natatawang sabi ni Nay Margie habang umiirap pa.
Napayuko na lang ako sa hiya. Sanay na rin naman akong namakatanggap ng ganoong klase ng mga salita mula sa kaniya, pero hindi ko pa rin maitago ang masaktan lalo pa't sa kanya mismo galing ang mga salotang iyon. Hindi siya dito kumakain at kahit isang beses ay hindi niya ako nasaluhan sa hapag. Gaya ng sabi ko kanina ay palagi siyang wala. Umuuwi lang siya rito kung kailan niya gusto.
"Kumilos ka na, may mahalaga tayong pupuntahan" seryoso ngunit ma-awtoridad na sambit ni Nanay Margie.
"Meron po akong trabaho ngayon, nay." Nakayuko pa ring wika ko. Araw ng huwebes ngayon kaya meron akong trabaho.
"At mas uunahin mo pa 'yan? Sabi ko mahalaga diba? May pupuntahan tayong mahalaga. Wala akong pake kung may trabaho ka! Ang aga aga pinapainit mo na naman ang ulo ko! Kaya ayaw kong umuuwi dito eh! Kumilos ka na, bilisan mo!" Sigaw nito sabay labas sa kwarto ko.
"Opo, Nay."sabi ko sabay buntong hininga. Palaging siyang ganyan, kaya mas gugustuhin ko na lang na wala siya sa bahay. Dahil kung andito siya ay hindi pwedeng hindi niya 'ko sigawan kahit pa wala naman akong ginagawang kasalanan.
Lumapit ulit ako sa kama para iligpit ang banig na nakasapin sa kamang kawayan at ang kumot at unan na ginamit ko. Pinatay ko na rin ang electric fan para iwas konsumo sa kuryente. Dumiretso na sa 'ko banyo. Nagsimula na akong maligo. Wala pa halos dalawampung minuto ay natapos na 'ko kaagad maligo dahil baka magwala na naman sa galit si Nay Margie.
Simpleng plain gray vneck shirt, black jeans at ang paborito kong kulay gray na sapatos na niregalo sa'kin ni Ma'am Joyce nung birthday ko noong nakaraang taon ang suot ko ngayon. Sakto dahil binili ko itong damit at pantalon nung linggo sa tiangge dahil binigyan na kami ng sahod sa trabahong pinapasukan ko. Si Ma'am Joyce ang may-ari no'n. Nakilala ko si Ma'am Joyce dahil sa matalik kong kaibigan na si Eryz na siyang anak niya.
Paglabas ko mula sa kwarto ay nakita ko si Nay Margie na nagyoyosi sa may pinto.
Simple at maliit lang ang bahay namin. Gawa ito sa semento ngunit walang sapat na mga kagamitan sa loob. Hindi nakapintura ang mga pader. Pagpasok mo sa pinto ay bubungad ang maliit na sala. May sofa at lamesa sa gitna. Meron ding TV na luma na pero gumagana pa. Sa likod naman ng sala ay ang kusina nasa gilid ng kusina ang maliit na banyo. Sa kaliwa ng sala ay may dalawang pinto na tig-isa naming kwarto ni Nanay Margie.
Palaging desenteng tignan ang suot ni Nay Margie. Hindi mo aakalain na galing ito sa mababang pamilya. Binibigyan niya naman ako ng perang panggastos at pangkain ko pero mas gusto ko pa ring magtrabaho at hindi iisa ang sarili ko sa magulang ko.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Teen FictionMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: