Tatakbo na sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko at hinatak ako. Naramdaman kong hindi ako nababasa kaya alam kong may nagpapayong sa'kin. Paglingon ko ay laking gulat ko ng makita si Ken na diretsong nakatingij sa'kin habang hawak ang payong sa isang kamay. Nagkatitigan kaming dalawa at umihip na naman ang hangin. Parang sandaling tumigil ang paligid.
Nabalikwas ako dahil kailangan ko na talagang umalis at pumunta sa resto. Tinignan ko ulit siya. Nakita kong may kinakalikot siya sa cellphone niya at may tinawagan siya don.
"Bring my car here. Main gate. Yes. 3 minutes." Sabi niya don sa kausap niya. Bakit ba ganto 'yung mga SSG dito? May paa naman sila. Tapos sila na nga 'yung nag-uutos, sila pa 'yung nagmamadali. Kawawa naman 'yung inuutusan nila.
Ilang sandali pa ay may dumating nga na kulay gray na kotse. Napatikhim na lang ako nang lumabas don si Dave na may dala ding payong. Siya na naman. Binabawi ko na 'yung sinabi kong kawawa 'yung inuutusan nila. Ayos lang 'yon bagay naman siyang maging driver.
"Mr. President" sabi ni Dave sabay abot ng susi kay Ken. Napatingin siya sa'kin at ngumisi. "Mollieeee" malakas na sabi niya.
"Hop in" singit naman ni Ken. Hindi ko alam kung si Dave o ako 'yung kinakausap niya dahil wala naman sa'min ang tingin niya.
"Ha?" Tanging nasabi ko na lang. Tinignan ko siya. Nakita kong bumuntong hininga siya at binuksan ang pinto ng passenger seat. Tinignan ko ulit siya at nasa akin na ang tingin niya. Inihilig niya pa ang ulo niya para sabihing pumasok na ko.
Nakakatakot 'yung seryoso niyang mukha kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok na lang. Isa pa ay kailangan kong makapunta sa resto agad agad.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong napayakap sa sarili ko sa ginaw dahil sa aircon. Umikot siya para pumunta sa driver seat. Syempre kotse niya 'to eh. Pagkapasok niya ay pinagpag niya muna ang payong bago inilagay sa gilid.
Nang ini-start na niya ang kotse ay kumatok si Dave sa bintana ng driver seat. Inis na binaba ni Ken 'yung bintana.
"Bro, pasabay coding 'yung kotse ko eh." Nakangusong sabi nito.
Napatikhim muna si Ken bago tumango. Kaya parang aso naman 'yung isa dahil sa lapad ng ngiti.
"Thank you, Bro." Sabi ni Dave habang niyayakap si Ken sa likod. Isip bata. Inaalis naman ni Ken 'yung kamay niya pero ayaw tanggalin ni Dave 'yon.
"Stop it, Dave" seryosong sabi ni Ken kaya binitawan na siya ni Dave at umusog para mapunta sa likod ko saka napaupo ng tuwid. Natawa na lang ako sa kanya.
Medyo lumapit pa siya sa'kin at bumulong. "Lagi na lang akong inuutusan dahil sa'yo" reklamo
niya sa'kin. Napatingin naman agad ako sa kanya."Hindi ko naman kasalanan na ikaw 'yung inuutusan nila" masungit na sagot ko sa kanya.
"Atleast ikaw 'yung dahilan. Hindi ka man lang ba magpapasalamat sakin?"
Napataas naman ang kilay ko. "Napagalitan ka lang eh" tukso ko sa kanya.
"Isusumbong kita kay Iza, binu-bully mo ko." Parang batang nakangusong sabi niya.
"Baka nga tulungan pa niya ko" tumatawang sabi ko. Pero mapatikhim ulit si Ken kaya tumigil na ko at tumingin na lang sa bintana.
"Where is your house?" Maya mayang tanong ni Ken.
"Ah sa J Restaurant na lang" nahihiyang sabi ko. Ilang segundo niya akong tinitigan pero siya ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi naman siya kumibo kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa bintana. Pero kinalabit ako ni Dave kaya lumingon ako sa kanya.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Ficção AdolescenteMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: