M5

92 26 6
                                    


Kinabukasan, nakakilos ako ng maluwag at walang halong pagmamadali dahil maaga akong nagising para pumunta sa BU dahil may tutorial kami ni Kier. Pero nag-almusal naman ako kaya lang wala akong ganang kumilos. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil iniisip ko 'yung tungkol sa chat ni Ken sa'kin.

Ano kaya 'yung bagay na ibibigay niya? Wala namang selebrasyon. Hindi ko din naman birthday. Nag-antay kaya siya kahapon? Anong namang pakialam ko. Saka nahihiya akong humarap sa kanya. Nagi-guilty pa rin ako dahil sa ginawa kong pagsuntok sa mukha niya. Sana naman ay okay na 'yung pisnge niya.

Hindi pa rin malinaw sa'kin kung bakit Mr. President ang tawag kay Ken gayong si Kier ang nakilala at nadatnan ko sa office ng SSG President nung orientation. Napansin ko din na parehas sila ng apilyido dahil sa social media accounts nila. Kagaya ng sabi ni Eryz ang dalawang Borromeo ang anak ng may-ari ng school at ang may pinakamataas ng posisyon na nag-aaral din sa BU. Kaya pala napansin kong medyo hawig sila. Pero sino sa kanila ang totoong president? Ibig sabihin ay pinaglalaruan lang talaga ako ni Kier? Bakit niya sinabi 'yung line na tanging president lang may kakayahan at maaaring sabihin iyon. Masyado silang nakakalito at magulo.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa B Library ng wala sa wisyo. Masyado akong lutang sa kakaisip ng mga bagay bagay gayong wala namang koneksyon 'yon sa'kin.

Nang makapasok ako sa loob ay pumunta ako sa table kung saan kami nakapwesto kahapon. Wala pa si Kier dahil maaga pa. Napa-buntong hininga ako at sinimulan ko ng magbasa habang iniintay siyang dumating. Hindi ko masyadong naintindihan ang binabasa ko dahil nga wala akong gana ngayong araw sa hindi ko malamang dahilan.

"Aisshh ayaw gumana ng utak ko" inis na sabi ko. Dahil kinukuha ni Ken ang atensyon ko gayong wala naman siya dito. Hindi mawala sa isip ko 'yung chat niya na gusto niya akong makita at may ibibigay siya sa'kin. Natatakot ako dahil baka totoo nga na siya ang president at baka parusahan ako dahil sa ginawa ko.

Nang hindi ko talaga maintindihan ay inis na sinara ko ang libro. Napapikit ako ng mairiin at napamasahe sa sentido dahil sumasakit lang ang ulo ko. Napadilat na lang ako ng may kumalabit sa kanang braso ko pero pagtingin ko ay wala ngunit ng tumingin ako sa kaliwa at nakita ko si Kier na nakangiti. Medyo nagulat pa 'ko dahil ang lapit ng mukha niya sa'kin. 'Di kalaunan ay napangiti na lang ako. Umayos na siya ng tayo at umupo na rin sa silya na katabi ko. Hindi ko maipagkaila na simula ng una ko siyang makita sa President's Office ay sobrang nagagwapuhan na ako sa kanya.

Ang aliwalas ng itsura niya kumpara sa'kin. "You're look so frustrated. What's the matter?" Natatawang sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama habang nakanguso. Tinawanan niya lang ako sabay gulo ng buhok ko.

"Anlaki ng eyebags mo." Natatawang sabi niya. "Siguro magdamag kang nag-aral kagabi" tumatango pang sabi niya. "O magdamag kang may kausap o iniisip" dagdag niya habang tinutusok-tusok pa 'yung tagiliran ko. Hinaharang ko naman 'yung dalawang braso ko para pigilan siya dahil napapalakas ang tawa ko gayung nasa library kami. Baka mamaya kasi ay masita kami.

"Kier, tama na. Ano ba, hahaha." Saad ko habang impit ang tawa. Napatigil siya pagkiliti sa'kin.

"Now you're calling me Kier, huh? Where's the Mr. President?" Napasingkit ang matang sabi niya.

"You're too noisy" napabalikwas kami ni Kier dahil may biglang nagsalita sa likod namin. Si Ken iyon. Hindi ko alam kung kakarating niya lang o kanina pa siya nandyan. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa'kin ng diretso. Napatayo namin kami ni Keir dahil sa gulat. "You din't come when I ask you, just to see you flirting with Mr. Vice President." Seryosong sabi niya sandaling sulyap kay Kier sabay balik ilit sa'kin ng tingin habang prenteng nakalagay pa rin ang dalawang kamay sa bulsa niya.

Merged by the Past Where stories live. Discover now