Kinabukasan, araw ng lunes, maaga akong nagising dahil unang araw ko ngayon sa klase. Alas otso na nang matapos ako makapagbihis at tinititigan ko na ang sarili ko ngayon sa body mirror, dito sa kwarto ko. Medyo naiilang ako dahil above knee 'yung palda kahit pa naka high socks ako dahil hindi ako sanay.
Simula na ng second sem kaya nung sabado ay nag-aral lang ako. Nanghiram ako ng libro kay Eryz, sabi niya ay idadaan niya na lang sa bahay. Nagulat ako dahil nung dumating siya ay may dala pa siyang school supplies. Sabi niya ay dumaan daw siya sa Mall para bumili din ng kakailanganin niya kaya naisipan niyang bilhan na din ako. Bibili naman talaga dapat ako dahil meron pa kong natatabing ipon pero dahil nga naibili na niya ko ay tinaggap ko na lang. Tatanggi pa ba?
Nung linggo naman ay dumating si Nay Margie.
"Nay Margie, bakit po?"
"Oh" sabi niya sabay abot sa'kin ng sobre at box. Tinignan ko ang laman ng sobre at may perang laman iyon. Tinignan ko naman ang box at laking gulat ko nang makitang cellphone iyon. "That's your allowance. You can use that phone to contact me. Naka-save na dyan 'yung number ko" sabi nito.
"Salamat po, Nay Margie" nakangiting bati ko.
"Sige, aalis na 'ko. 'Wag kang tatanga-tanga sa BU. Baka ipahiya mo pa 'ko don. Umayos ka" masungit na sabi niya saka sinabi sa driver na aalis na sila.
Naisipan kong maglinis ng bahay nung linggo. Nakita ko kaseng sobra spbra 'yung pera na ibinigay ni nay Margie kaya bumili ako ng mga pintura at ibang furniture. White ang pintura na naisip ko sa salas, kusina, banyo at pati na rin sa kwarto namin ni nay Margie. Pastel gray and pink naman ang mga gamit at furniture ang naisip kong bilhin. Bumili na rin ako ng dalawang kama para tig isa kami ni nay Margie.
Ang ganda ng naging kinalabasan ng bahay. Kahit pa sabihin mong maliit lang ay sobrang linis tignan dahil nagkaroon ng kulay.
Habang sinisipat ang sarili ay narinig kong may bumusina sa labas.
"Wow, bagay na bagay sayo 'yang uniform mo" nakangiting bati niya nang pumasok siya sa kwarto ko. Pinaikot niya pa 'ko.
"Hindi ako sanay, E" nahihiyang sabi ko habang ibinababa ang palda ko para hindi gaanong ma-expose ang hita ko.
"Ano ka ba? Bagay nga sayo eh. Saka masasanay ka din" natatawang sabi niya.
Paglabas namin ng bahay ay nakita ko ang puting kotse niya na nakaparada sa labas.
"Ang ganda ng theme and motif ng bahay niyo. Pati 'yung mga furniture ay sobrang ganda ng ayos. No wonder kung bakit architect ang gusto mo. Ang ganda ng taste mo pagdating sa mga ganitong bagay" sabi niya habang nagda-drive. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Maya maya pa ay narating na namin agad ang BU. Marami nang estudyante ang pumapasok. Napansin kong kulay blue ang kulay ng necktie at ribbon ng iba na sa tingin ko ay mga high school.
Nang maipark ni Eryz ang kotse ay sabay kaming bumaba at sabay ding naglakad sa hallway.
"Pagkapasok sa main gate, bubungad agad itong campus ng tertiary. Dito sa kanan sa likod ng building na 'yan 'yung campus ng secondary sa kaliwa naman 'yung primary. Sa likod nitong tertiary 'yung gymnasium saka 'yung field" paliwanag niya hanabg tinuturo pa ang mga building na sinasabi niya.
Tinuro niya ang building na katapat ng main gate which is, B Faculty.
"That's Building of the Faculty, commonly known as B Faculty . B is indicated as Borromeo" napatango naman ako. Kaya pala B faculty ang tawag ni Nay Margie. "Kung mapapansin mo lahat ng building dito may kasamang B ang pangalan pero Borromeo ang ibig sabihin. Para malaman ng lahat na ang Borromeo ang may-ari ng school na 'to." Napatango na lang ulit ako dahil medyo kinakabahan ako. Kulang na lang ay pati ang mga estudyante ay sila ang magpangalan.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Teen FictionMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: