Kinabukasan, maaga ulit akong nagising pero maaliwalas na ang pakiramdam ko. Nagbike ako papuntang BU para iwas traffic at menos gastos din, isa pa para na rin makapag-exercise.
Malapit na ako sa BU ng may makita akong ale na madaming bitbit na plastik ng gulay kaya napahinto ako at pinagmasdan siya. Kitang kita sa mukha niya na hirap na hirap siya sa dami ng bitbitin niya. Nasira ang plastik ng sibuyas kaya nagkalat iyon sa gilid ng kalsada kaya dali dali akong naglakad papalapit sa kanya. Nakayuko siya ng lumapit ako sa kanya dahil pinupulot niya 'yung piraso ng sibuyas na nalaglag sa daan. Bumababa ako sa bike at tinulungan siyang magpulot. Pagkalagay ko sa plastik ng mga sibuyas na napulot ko ay tumingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa'kin kaya nginitian ko siya.
"Sa palengke po ba ang punta niyo? Isasakay ko na po sa bike ko 'yung ibang plastik para hindi kayo mahirapan" nakangiting sabi ko sabay turo pa sa bike ko.
Malapit na lang naman ang palengke mula rito. Isang kanto na lang ay mararating na 'yon. Pero sa dami ng bitbit niyang plastik at sa bigat ng mga iyon, sa tingin ko ay matatagalan pa siya.
Sa huli ay ngumiti rin ito sabay tumango. Kaya kinuha ko na 'yung ibang plastik na kasya sa basket ng bike ko, pero sa dami ng plastik ay hindi pa rin kasya ang iba. Madami pa ring bibitbitin 'yung ale kaya napaisip ako ng gagawin.
Nakagat ko ang ibabang labi ko sabay tumingin sa kanya at sa mga palstik at tumingin ulit sa bike ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa'kin. Parang may lumitaw na bumbilya ng ilaw sa utak ko at nagsindi.
Kinuha ko ang iba pang mga plastik at isibit iyon sa manibela ng bike. Naisip kong sabayan na lang siya maglakad tutal malapit lang din naman at hindi naman ako malelate sa tutorial dahil nga maaga pa.
"Okay lang po ba kung sasabayan ko kayong maglakad?" nakangiting tanong ko dito. Tumango ulit siya sa'kin habang nakangiti.
Nagtaka ako 'yung bakit puro tango lang isinasagot niya sa'kin. Nakita kong natawa siya dahil sa reaksyon ko. Sumenyas niya ang kamay niya pero hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin non.
"H-hindi ko po m-maintindihan eh" utal at nahihiya kong sabi. Natawa naman siya ulit at tinugnan ang bag ko. Nakuha ko naman agad kung anong ibig niyang sabihin. Kaya kumuha ako ng ballpen at notebook sa bag ko at iniabot sa kanya 'yon. May isinulat siya doon na kung ano. Pagkatapos magsulat ay iniharap niya sa'kin ang notebook at binasa ko naman iyon.
(Ang bait mo namang bata at maganda pa) napakamot ako sa batok ng mabasa 'yon.
"Hindi naman po masyado" biro ko at tinapik pa sa hangin ang kamay ko. Natawa din siya dahil sa sinabi at ginawa ko.
Nagsulat ulit siya sa notebook.
(Baka mahuli ka sa iyong klase)"Mamaya pa pong alas nwebe 'yung start ng class namin. Maaga lang po akong pumapasok para makapagreview" masayang sabi ko.
(Para saan? Hindi ba't katatapos lamang ng unang semestre?)
"Ah opo. Para po sa acceleration exam. Nahuli po kase akong magkolehiyo"
(Tiyak ko naman na ikaw ay makakapasa sa iyong pagsusulit)
"Nako, sana nga po" nakangiting sabi ko sa kanya.
Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad. Clayah daw ang pangalan niya. Nalaman ko na meron siyang pinag-aaral na isang anak anakan niyang babae. Nalaman ko rin na hindi naman talaga siya ipinanganak na hindi nakakapagsalita.
(Maraming salamat sa iyong paghatid sa'kin) nang makarating kami sa palengke ay agad naming inilagay ang mga plastik ng gulay sa lamesa. Maliit lang ang pwesto niya dito sa palengke at nasa bandang dulo pa siya, kaya sa tingin ko ay hindi siya nakakabenta dito.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Teen FictionMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: