M2

122 39 25
                                    

Kasalukuyan akong nandito sa J Restaurant. Malapit ng mag alas diyes ng gabi kaya ibig sabihin ay malapit na kaming magsara.

Nagliligpit na sila sa kusina at pinupusasan na nila ang mga table habang sinasalansan ang ibang upuan. Magtatanggal na sana ako ng apron ng may pumasok sa glass door. Sa bandang dulo ito pumwesto at nakatalikod dito sa pwesto ng counter.

"Ako na" nakangiting sabi ko kay Eryz na nasa counter, tinanguan niya lang ako. Anak siya ni Ma'am Joyce at matalik kong kaibigan. Mula pagkabata ay magkaibigan na kami. Binalik ko na lang ang apron at tinali ulit 'yon sa baywang ko saka kinuha ang menu.

"Good evening, Sir. Can I have your order please?" Masayang bati ko nang makalapit ako dito. Nilapag ko sa table niya 'yung menu. Nakasuot siya ng sumbrero, nakatingin sa cellphone niya at nagta-type ng kung ano kaya hindi ko makita 'yung kabuuan ng mukha niya.

"Beer" Sabi nito habang nasa cellphone pa rin ang paningin at hindi man lang pinansin ang menu na nilapag ko. Napataas ang isa kong kilay.

"Excuse me, Sir. Mali po ata kayo ng napuntahan. Restaurant po ito hindi bar. Wala pong beer dito o kahit na anong klase ng alak" magalang pa rin na sabi ko sa kanya, dahilan para mabaling sa'kin ang atensyon niya. Nagulat pa ko dahil hindi ko inaasahan na makikita ko dito ang isang 'to.

Natigilan din siya at tinitigan ako na gaya ng tingin niya sa'kin kahapon. Seryosong tinignan ako mula ulo hanggang paa at tumaas ang kilay niya. Siguro pinaglihi 'to ng nanay niya sa kunsumisyon at sama ng loob. "Just give me a water, then" sabay binaling na ulit ang tingin niya sa cellphone.

"Iyon lang po ba, SIR?" Sarkastikong nakangiti pa ring sabi ko kahit na wala naman sa'kin ang atensyon niya. Pinagkadiinan ko talaga ang huling salita. Tumango lang ito na ikinawala ng ngiti sa labi ko sabay talikod na sa kanya.

Naiimagine niyo ba na malapit na kaming magsara tapos bigla siyang papasok dito at tubig lang ang oorder-in niya? Wala ba silang tubig sa bahay nila para magrestaurant pa siya?

"Oh, anong nangyari dyan sa mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa" natatawang sabi ni Eryz nang makalapit ako sa counter dahil nakasimangot ako.

"'Yung lalaking 'yon. Siya 'yung bumangga sa'kin kanina sa BU" nanggagalaiting sabi ko habang nakaturo dun sa lalaking na nakalagay ang cellphone sa tenga na sa tingin ko ay may kausap na sa ngayon. Sinilip ni Eryz 'yung lalaki pero dahil nga nakasumbrero siya at nakatalikod samin, hindi niya makita 'yung mukha nito.


"What a coincidence?" hindi makapaniwalang sabi ni Eryz. "Malay mo siya na pala 'yung destiny mo. Go grab it. Magkaro'n ka na rin ng boyfriend sa wakas" excited at medyo may panunukso pang sabi nito.

"Anong bang pinagsasabi mo dyan, Eryz? Napakasungit kaya niya. Ni hindi man lang nga siya nagsorry kanina nung mabangga niya 'ko. Naglakad na lang siya na para bang walang nangyari. Tapos ngayon kung kelan magsasara na tayo saka siya papasok tapos tubig lang yung oorderin niya?" Napahawak ako sa dibdib ko sa hingal dahil sa dami ng sinabi ko. Si Eryz naman pinagtatawanan lang ako.

"Chill lang M, baka atakihin ka niyan sa puso.l" natatawa pa ring sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko na. Tumalikod siya para kumuha ng baso at nilagyan ng tubig 'yon sa water dispenser sabay abot sa'kin. Dalawang baso 'yon. "Oh, ikaw ata ang mas may kailangan ng tubig eh."

"Bahala ka nga dyan, E" naiiling na sabi ko. Iniwan ko doon ang isang baso at tumalikod na ulit pero tinawanan niya lang ako. Nakahanap na naman siya ng ipang-aasar sa'kin.

Merged by the Past Where stories live. Discover now