M9

66 11 1
                                    

"I'm sorry" ramdam ko ang sinseridad sa boses niya kahit pa nakatalikod ako.

Naalala ko 'yung sinabi ni Kier na kahit kasalanan ni Ken ang nangyari ay hindi ito nagsosorry kahit kanino.

Dahan dahan akong humarap sa kanya. "Ano 'yon?" takang tanong ko kahit pa narinig ko ang sinabi niya ay gusto ko pa ring ulitin niya. Baka mamaya ay mali lang ang pagkakarinig ko. Napaawang naman ang labi niya.

"Do I need to repeat myself?" hanggang ngayon masyado pa rin siyang mayabang.

"Edi wag. Wala kang ka-sincere sincere" sinamaan ko siya ng tingin bago akmanh tatalikod ng magsalita siya ulit.

"Okay fine" nakangusong sabi niya dahilan para mapangiti ako ng lihim. Si Mr. President pa ba 'tong kaharap ko?

"I'm s-sorry f-for-- i'm sorry for-- aisshh do I need to do this?" inis na napamewang siya habang inis na bumaling sa'kin.

"Kung wala ka nang sasabihin umalis ka na lang" seryoso kunwaring sabi ko pero sa loob loob ko ay natatawa na ako sa reaksyon ng mukha niya.

Napayuko naman siya habang nakapamewang pa din. Umigting ang bagang niya. Nakahalukipkip naman akong nakatingin sa kanya. Tumikhim siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Come with me" seryosong sabi niya. Napataas naman agad ang kilay ko.

"Bakit naman ako sasama sa'yo? Baka mamaya kidnap-in mo pa 'ko" mataray na sabi ko sa kanya.

"Do I like like a kidnapper?" kunot noong sabi niya

"Malay ko, baka mamaya nagpapanggap ka lang bilang estudyante tapos nangunguha ka na pala---"

"You're still an abnormal lady" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinila papunta sa kotse niya.

"Hoy, hoy ano ba?! Ako pa ang abnormal eh ikaw nga 'to dyang monggoloyd na president! Bitawan mo nga ako" pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa palapulsuan ko pero dahil mahigpit ang pagkakahawak niya ay hindi ko magawang alisin 'yon.

Nang tumapat sa kotse niya ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pinapasok ako don. Umikot naman siya. Pagpasok niya sa loob ay agad ko siyang tinitigan ng masama. Tinignan niya ako na para bang inosente.

"According to Republic Act no. 1084 Article 267.    Kidnapping and serious illegal detention. Any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty, shall suffer the penalty of reclusion temporal in its maximum period to death" matapang na sabi ko sa kanya. Kahit papaano ay may alam na ako sa mga at unti unti ko na rin natututunan iyon.

Nakita kong ngumisi siya dahil sa sinabi ko. "'Yan ba 'yung tinuturo ni Kier sa'yo?" umiling siya at tumingin sa harap. "And also according to that law, the kidnapper shall suffer the penalty of reclusion perpetua to death, if the kidnapping or detention shall have lasted more than five days" sabi niya sabay baling ulit ng tingin sa'kin. Napakurap naman ako dahil don. Oo nga no? Pero bakit siya may alam tungkol sa law? Isa pa nagtagalog siya? First time in the whole universe. Ngayon ko lang siya narinig na magtagalog.

"Abnormal" naiiling na sabi niya.

"Monggoloyd" bwelta ko dito.

"Abnormal"

"Monggoloyd"

"Abno"

"Monggo" matalim kaming nagkatitigan.

"Wow" namamanghang sabi ko ng makarating kami sa isang park. "Sobrang ganda dito" may mga christmas lights na nakapalibot sa mga puno na siyang nagpapaganda non. Nakabukas na 'yung mga ilaw non dahil gabi na. Meron pang fountain na gitna na nagiging iba't iba ang kulay ng tubig. Meron ding playground sa gilid at may mga benches pa.

Merged by the Past Where stories live. Discover now