"BY the way, I'm Aliyah" nakangiting sambit niya habang nakalahad ang isang kamay sa tapat ko, ang isa naman ay nakahawak sa balikat ko.
Sandali ulit akong natigilan, pinagmasdan ang bawat parte ng kanyang mukha. Maliit at bilugan ang hugis non. Medyo singkit ang kulay itim niyang mga mata. Matangos ang ilong at rosy pink ang kulay ng mga labi. Kung ako ang tatanungin, para siyang isang anghel na nagkatawang tao dahil sa halos perpektong pigura at mapakaamong mukha Idagdag mo pa ang suot niyang kulang puting dress na sobrang bagay na bagay talaga sa kanya.
Napaisip ako kung narinig ko na ba ang pangalan niya o nakita ko na ba siya kung saan dahil parang pamilyar siya ngunit gayunpaman nakangiti kong tinanggap ang kamay niya. "Mollie...mollie Ignacio"
"Your name suits your beautiful face" komento niya. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahilan upang mapayuko ako dahil sa hiya. "But are you sure you're really okay? We can go to B Hospital if needed" nag-aalalang sambit niya, tumayo na ako at ganun din siya. Inayos ko ang gusot gusot kong damit, tapos ay dinampot ang mga papel na nagkalat sa sahig. Tumulong si Aliyah sa pagkuha ng mga gamit ko at ibinalik sa bag.
"Salamat, pero okay lang talaga ako. Kapag pinansin ko pa 'to mas lalo lang lalaki ang gulo" seryosong sambit ko dito matapos naming makuha lahat ng gamit.
"We need to report. I won't tolerate those kind of actions" seryoso niyang tugon.
"Hindi na kailangan, Aliyah--"
"No, come with me. Pupunta tayo sa SSG Office" dagdag niya pa sunod ay ikinawit ang kanyang kamay sa aking mga braso.
"P-pero--"
"No buts, Mollie. And besides, I need to talk Mr. President also" nakangiti nang wika niya.
TEKA LANG
BAKIT NIYA KILALA SI MR. PRESIDENT?
Anong kailangan niya kay Ken? Nag-aaral din ba siya dito?
Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa SSG Office. Nang buksan ni Aliyah 'yon ay nandoon lahat ng Officers, maging si Shanty pati ang dalawa niyang alagad ay naroon din na halata ang mga takot sa mukha.
Natigilan sila ng bumukas ang pinto at pumasok kami doon. Halos lahat sila ay pare-pareho ng ekspresyon ang mukha. Gulat na gulat at parang hindi inaasahan ang nakita. Napansin kong kalalabas lang din ni Mr. President galing sa office niya. Maging siya ay natigilan din pero hindi siya nagulat. Si Kier, Dave at Iza naman ay kausap sina Shanty pero napatingin din sa gawi ko, habang ang iba ay nasa kani-kaniya nilang lamesa pero nasa amin ang atensyon nila.
Uwian na pero andito pa rin silang lahat. Sa tingin ko ay marami pa silang kailangang tapusing report na kailangan ding ipasa agad.
"Hey guys! Para naman kayong nakakita ng multo" natatawang sabi ni Aliyah na para bang binabasag lang ang awkward na scenario.
"Couz? Is that you? OMG! I MISS YOU SO MUCH" tili naman ni Vian at lumapit kay Aliyah, nimuwestra pa ang kamay na yayakapin niya ito. Nagyakap silang dalawa na para bang pinaglayo ng mahabang panahon.
"I miss you too, couz" tugon ni Aliyah sa pagitan ng pagyayakapan nila.
TEKA LANG
MAGPINSAN SILA?
"Kailan ka pa dumating?" tanong ni Vian dito.
"Just arrived an hour ago, dumiretso agad ako dito to fix my documents"
"Oh, Aliyah you're here" masayang bati ni Kuya Aly.
"Wait a minute, bakit kayo magkasamang dalawa?" si Dave habang nakaturo pa sa aming dalawa ni Aliyah. "Saka isa pa, bakit andito 'tong tatlong 'to? Kinakausap namin sila pero ayaw nilang magsalita" dagdag pa nito.
YOU ARE READING
Merged by the Past
Teen FictionMERGED SERIES#1 "I don't believe in destiny, because it's just made to wait for nothing and get hurt while hoping" Date Started: June 11, 2020 Date Finished: