WELCOMING THE QUEEN....
Ellaina's POV....
Kahit saang anggulo tingnan ang Jarred Dave Evañez na to ay gwapo talaga ang bwisit.. Naroon na kami sa office nito sa campus building at tinitingnan nyang maigi ang mga papeles naming dala ni Traviz. Apat lang kami don kasama si Azzerdon . Naiinip na ako dahil ang tagal nitong nakayuko sa table habang binubuklat-buklat ang papel na dala namin.
Nang mag-angat sya ng tingin ay nagtama ang mga mata namin dahil nakatitig ako sa gwapo nyang mukha. Walang ekpresyon ang tingin nya pero may something na nakapagpakabog ng dibdib ko. Tumikhim ako at iniiwas ang tingin sa kanya.
"Nursing? Yun na ang course mo? " tanong ni Jarred na sa akin nakatingin. Ano ba dapat?
"Ehem... Gusto kong maging nurse.. " sagot ko nalang. Sasabihin ko ba dapat ang tototong dahilan?.
"HRM student ka nung umalis dito!" Sabi nya na ikinakunot ng noo ko.
"Nursing na talaga ang gusto ko! " aba teka bakit ako nagpapaliwanag sa kanya? Pakialam ba nya kung nursing ang aralin ko? Pakialamerong to.
"Bakit? " tanong na naman. Inis akong tumingin kay Traviz na parang sinasabing sya na ang mag explain. Pero ang gago kong boyfriend ay busy sa kakatext sa kung sino na tila walang naririnig sa paligid.
Pasimple ko syang sinipa sa tuhod.
"Arayyyyy!! " napatayo si Traviz sa ginawa ko. Shit napalakas yata ang sipa ko. Haba pa naman ng inches ng takong na suot ko.
"Ms. Mondejar? " madilim ang mukhang tawag pa ni Jarred. Kulit nito. I sighed...
"I love nursing. Feeling ko bagay sakin ang naka white. Muka akong anghel. Thats my biggest reason, second..wala na akong ibang choice.pangatlo kona kase yan." dire-diretso kong tanong.
Pinandilatan ko si Azzerdon ng marinig ang hagalpak nyang tawa.
"Anghel na may tatlong sungay. Yun ang magiging hitsura mo pag naging nurse kana! " sabi nito. Sinamaan ko sya ng tingin.
Si Traviz naman ay may sinagot na tawag kaya nag excuse at lumabas. Pakinig kong si Adam ang kausap nya. Yun isa pang bwisit na lalaki sa buhay ko.
"Ellaina, yun ba talaga ang gusto mo o baka gusto mong ituloy ang HRM. Yun din ang course ng bestfriend mong si Imarie! " ani Jarred. Sino naman yon?
"Yan nalang po Mr. Evañez.. At wag nalang kayong makialam. Mataas naman grades ko dyan" sabi kopa.
Muling tumawa si Azzerdon. Isang -isa nalang talaga at hahagisan kona to ng bomba.
"Na Mr. Evañez ka tuloy bayaw.. Patingin nga ng pinagmamalaki nyan malditang yan! "
Tumayo pa ito at tiningnan ang hawak ni jArred. Pagkakita ay nagtatawa na naman ito.
"Wow taas ah, buti nakapasok kapa don, dami mong back subject, marami kang record, may sinaksak kang kaklase, pinasabog mo ang faculty room, at nakipag sampalan ka pa" inisa isa pa talaga ni Azzerdon ang record ko sa school na pinanggalingan. Si Jarred ay nakatingin lang sa mukha ko.
"May isa pa, pumasok ka ng lasing?? Seriously Ellaina? And you want to be a nurse para magmukang anghel? "
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )
ActionMay mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako si Ellaina. Wala akong natatandaan... sino ako?.. sino sila? ...at sino sya? ....iisang tao lang k...