Chapter - 38 ( I Die Loving You )

1.4K 138 43
                                    

I DIE LOVING YOU...


Serena's POV....

"Hoy bakit ngayon ka lang Serena? Kanina pa walang serbidora dito, "

Salubong sakin ng tiya Gigi, araw yon ng sabado at wala akong pasok sa iskwela, kapag wala akong pasok ay tumutulong ako sa maliit na karinderya ng mga tiyahin ko.

"Sensya na tiyang, napuyat ako sa assignment kagabi, dumayo pa kase ako sa ibaba dahil don my ilaw" sabi ko.

"Naku ang sabihin mo naglakwatsa kana naman, isusumbong kita sa ama mo eh" aniya.

"Totoo po tiyang, ayaw nyo lang maniwala, " ngisi ko.

Sa bayan kaseng yon ng San Isidro ay hindi pa abot ng kuryente ang ibang lugar tulad ng kinatitirikan ng bahay namin, kaya dumadayo ako sa kaklase ko para makagawa ng assignment. Hirap kase pag gasera ang gamit.

"Oh dalian mo na at may mayaman tayong kostumer" excitted na bulong nito. Kumunot ang noo ko.

"Sino naman po?" Tanong ko.

"Hindi ko kilala, nung isang araw pa yan pabalik balik dito, at laging alak ang hinihingi, may kotse at mukang mayaman, super pogi ng lalaking yon"

Tumaas ang kilay ko, sa buong buhay ko ay ang pinsang si Menandro o Magi ang nakilala kong gwapo kaya lang malupit ang tadhana dahil bakla ang kaisa-isang anak ni Tiyang. Okey na rin dahil madiskarte naman ito. Nakapagtrabaho pa nga sa ibang bansa at ngayon ay nabalitaan naming nagaaral na sa isang pangmayamang paaralan. Swerte talaga nito.

"Tiyang canteen lang naman tong kainan nyo ah, wala naman tayong tindang alak" sabi kong nakasimangot.

"Nagbigay kase si Pogi ng malaking halaga, gusto lang daw nyang uminom, muka namang matino kaya hinayaan kona. Laking tulong non sa atin, tahimik naman sya at di magulo"
Sabi nito.

Naitirik ko ang mata sa inis. Kaya naman pala pumayag si tiyang eh, nasuhulan.. May pagkamukang pera talaga ang mama ni Magi.

"Ano pang tinatayo mo dyan, dalhin mona yang beer don kay Pogi at baka mabitin yon" sabi nya.

Nagsuot muna ako ng apron bago binuhat ang tray na may lamang beer at yelo. Paglabas ko sa kusina ay nakita ko ang kahera ng canteen na si Gretchen. Kinikilig ito habang nakatingin sa isang pwesto ng bilog na mesa don sa Gigi's Eatery.

"Hoy ang aga mong lumandi ha" sita ko sa babaeng mukang bakla.

"Nandyan na naman kase si pogi, dalhin mona agad yan dali" tili pa nito.

Napailing ako saka lumakad palapit sa table na nasa isang sulok . Nakayuko ang lalaking naka sumbrerong itim. Sa pigura nito ay matangkad ang lalaki. Baka nasa 6 footer ito at makinis ang balat, kutis mayaman ika nga. Sa tulad naming laki sa liblib na lugar ay bihira lang kaming makakilala ng mayaman na dayuhan.

Inilapag ko ang tray sa table ng nakayukong lalaki. May tinitingnan ito sa cellphone nya. Sa nakita ko ay may larawan syang minamasdan. Tila walang pakialam sa paligid na nakatitig don.

"Ehemmm.. Sir ito na po ang beer-----"

Natigilan ako ng bigla syang mag- angat ng tingin. Napanganga ako ng mamasdan ang mukha nyang walang  kasing lungkot. Ito na yata ang pinaka- gwapong lalaking nakilala ko sa tanang buhay ko.


Ellaina's POV...

Nagising ako na may Mabigat na brasong nakayakap sa bewang ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang nakapikit na si Jarred. Nagisip pa ako saglit kung bakit ko sya katabi. Ay oo nga pala, asawa kona nga pala ito. Pero naalala ko din na inis nga pala ako sa kanila ni Azzer dahil ayaw nilang magluto ako. Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng lamesa. Alas singko na pala ng umaga. Back to school na nga pala ako. Umalis ako sa yakap ng asawa at saka naligo. Nakabihis nalang akot lahat ay tulog parin ito. Bumaba na lang ako para mag agahan. Pero wala don si Magi kaya naisip kong sa canteen nalang kumain. Tutal maaga pa naman,

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon