LOGGED BOOK.......
Azzer's POv...
I open my eyes and saw Raiko na nakayakap sakin at yakap ko din sya?? What???? Ewww... Itinulak ko ang mukha nito. Anong oras naba? Alas kwatro ng madaling araw? 5 am ako nagising pero dahil linggo naman ay kahit magtanghali ako. Bakit wala manlang akong kumot ang lamig -lamig sa kwarto ni Ellaina. Bumangon ako at naghanap ng kumot. Namataan ko si Jarred na nakatalikod sa amin.
Aha kaya naman pala. Nasa kanya lahat ng kumot. Dumukwang ako para sana hilahin ang kumot, pero kumunot ang noo ko ng di makita si Ellaina sa ibabaw ng kama. Asan na yun?
Nanlaki ang mata ko. Tiningnan si Jarred. Shit... Mabilis kong hinila ang kumot palihis. At ayun nga ang magaling kong kapatid. Nasa bisig ng bayaw ko. Lalandi nila ah.. Sarap ng tulog ni Jarred ah. Tulog mantika na naman to.
Dahan- dahan kong itinulak patihaya si Jarred. Saka ko hinila si Ellaina. Tumayo ako at ililipat ko sana sya sa kama pero kumibo ang maldita at yumakap pa ng mahigpit kay Jarred. Tsskk..
Kainis ka na talaga Ellaina..
Inalis ko ang kamay nya sa katawan ni Jarred. At hinawakan ang bewang at batok nito para buhatin. Pero bago ko palang iaangat ang kapatid ay hinawakan na ni Jarred ang kamay ko at pinilipit yon.
"A-aray... Jarred!" Napasigaw ako sa sakit. Nagising sila Raiko at Ellaina sa lakas ng sigaw ko.
"Magnanakaw? Hala" nabiglang sabi ni Raiko at sinakyan ako sa likod. Lintik na bansot to. Ibinalibag ko sya .
"Gago ka, ako to!" Sabi ko.
"Ha?azzerdon,?" Natitigilang sabi nya.
"Jarred babalian mo ba ako ng braso?" Inis kong tanong saka hinaplos ang braso.
"Bagay lang sayo yan, pakialamero!! Ismid ni Jarred.
Pinandilatan ko ito. Ang maharot kong kapatid ay di manlang natinag . Yumakap pa ng mahigpit sa binata. Kainis talaga. Bahala syang mabuntis ng maaga. Ni hindi pa manlang sya nakakaalis ng unang taon sa college. Tskkk.. Kawawa naman ang kapatid ko. Pag kinasal sila ay housewife lang sya kase di nga makatapos . Naku sisirain lang nya ang buhay ni Jarred. Anong alam nya sa gawaing bahay? Ni magluto ng hotdog ay di pa nya alam.tsskk
Nahiga nalang ako ulit at itinuloy ang pagtulog. Si Raiko ay ganon din. Nabwisit ako sa hilik nito kaya lumipat na ako sa kama ni Ellaina.
Ellaina's POV...
Masigla akong gumising kinabukasan,tulog pa ang tatlong hunk sa kwarto ko. its sunday at pag walang pasok ay ganon talaga ako, maagang nagising. Naabutan ko pa si Imarie bago umalis. May practice daw sila sa sayaw. Malapit na kase ang anniversary ng MU at may number sila.
Namataan ko si Alec na makisig na nakaharap sa laptop nya. Nilapitan ko ito at binati.
"Goodmorning bantay, ang aga ng work mo ah?" Nakangiti kong sabi. Bantay na ang bansag ko dito dahil lagi itong nasa tabi ni Imarie. Himala ngayon na nagpaiwan ito sa resthouse.
Tumango lang sya bilang pagbati. Saka bumalik ang atensyon sa gadget. Hmmm seryoso din ito masyado..
"Pabibo ka rin eh no?" Di ko napigilang sabi.
"Ho? Ano pong ibig nyong sabihin?" Takang tanong nya.
"Eh kase ang suplado mo, kaya feeling ko pabibo ka lang, kinakausap ka di ka manlang natingin" nguso ko.
"Pasensya na po, umiiwas lang ako sa gulo, masyadong seloso si Master Jarred, baka ma-misenterpret nya kung kakausapin ko kayo," sabi nya.
"Ai pabibo ka nga " hagikgik ko.
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )
ActionMay mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako si Ellaina. Wala akong natatandaan... sino ako?.. sino sila? ...at sino sya? ....iisang tao lang k...