Chapter - 17 ( Dance..Dance..)

1.5K 149 64
                                    

DANCE..DANCE..


Ellaina's POV....

I dance the music..... Ganito ko na pala pinanabikan ang night life sa L.A. i sway...and dancing like a pro. Mabini kong iginewang ang balakang habang nakataas ang kamay sa ere at nakapikit. Yeah ang saya.. Wala akong pakialam kung malasing ako dahil kasama ko naman ang kapatid ko na ngayon ay nagpapakalunod sa alak habang pinapanood akong magsayaw... Hanep ang ganda ng bar na yon at malapit lang sa MU. Meron naman pala non bakit di ko manlang nalaman ang tungkol don?

Sumayaw ako ng sumayaw hanggang pagpawisan. Nakatitig lang ako kay Azzer. Seryoso kase ang mukha nya. Tsskk talagang apektado ito sa Danica na yon, sya lang eh, ayaw pa nyang ipatumba sakin. Sabagay kawawa anak nila pag pinatay ko si Danica, saka kapatid yon ni Jarred ,hmmm ..

"Ellaina bakit ang harot ng sayaw mo ha?" Lasing pero matibay parin si Azzer .

Nilapitan ko sya at hinila para sumayaw sa gitna.

"C'mon Azzer, sumayaw ka rin " sabi ko at hinila sya sa gitna kung saan maraming nagsasayaw na magkakapareha.

"Hoy hindi ako marunong magsayaw!" Tanggi nito at tangkang babalik sa table namin pero pinigilan ko sya.

"Sumayaw ka para mawala ang lungkot mo, promised !" Sabi kopa.

Kumunot ang noo nito at tila naiinis sa kakulitan ko pero sinayawan ko na ang kapatid. Gumiling ako sa kanya habang nangaakit ang tingin dito . Natawa tuloy ito.

"Wag mong sasayawan si Jarred ng ganyan,ha?" Pagkuway sabi nya.

"Oo na gago ka talaga, c'mon Azzer " giling ko ulit.napatingala sya sa kakulitan ko pero nang tumingin sakin ay nakangiti na ito.

"Ganito ba?" Tanong nya saka iginiling ang matigas na baywang na ikinahagikgik ko ng malakas.

Hanggang sabay na nga kaming sumayaw. Nakita kong kahit papano ay nabawasan ang bigat sa dibdib nito.

Ngunit sa gitna ng pagsasayaw namin ay nakita ko si Adam, naroon sya sa sulok ng mesa at nakatingin sa amin.as in sa akin. Mukang kanina pa nya ako pinagmamasdan. Shit... Baka isumbong ako nito kay Traviz. Inirapan ko sya at di nalang pinansin. Problema ko pa nga pala yon, nakikipaglandian ako kay Jarred while being in a relationship with Traviz. Tskk..hindi dapat malaman ni Traviz ang ginawa namin ni Jarred.

Kapwa kami pAwisan ni Azzerdon ng bumalik sa table namin at uminom ulit.

"Saya no?" Nakangiti kong tanong sa kapatid. Tumango lang ito at nilaklak ang alak nya.

"Ellaina wag na wag kang pupunta sa lugar nato ng di ako kasama o si Jarred ha? Mababastos ka lang dito sa uri ng sayaw mo!" Pasupladong sabi nya.

"Oo ah" pabalang na sagot ko. Nakalimutan yata ng kapatid ko na dati akong assassin at pumapatay ng tao. Subukan lang nila ng makatikim sila ng aking palaso.

"Oh cheers na, kakabwisit ka " sabi nito, nakipag cheers ako sa kapatid. Sasabihin ko sana dito na nakita ko si Adam pero nagpasya akong wag nalang. Di naman na yon importante.

Ilang saglit pa ay lango na kaming lumabas ng bar. Hindi na kayang mag- drive ng kapatid ko kaya napilitan akong magmaneho.

"Oi seryoso ka? Kaya mong mag drive?" Mabuway na tanong ni Azzer. Sobrang hilo na ito sa nainom . Ako kase ay konti lang ang alak na ininom pero sapat na para ikahilo ko yon .

"Oo naman wag kang magalala Azzerdon, hanggat ako ang kasama mo ay nasa mabuting kamay ka" sabi ko pa saka sya tinulungang magkabit ng seatbelt. Amoy alak na ito kainis ang bango pa rin ah..

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon