ONE YEAR LATER..
Ellaina's POV....
Naiinis ako sa walang tigil na panggigising sa akin ni Jarred sa pamamagitan ng pagtapik sa hita kong naka expossed sa kumot na nakabalot sa hubad kong katawan. Inaantok pa ako at tinatamad pa akong bumangon . Magdamag kaming nagsex kaya dapat lang na naiintindihan nya na kailangan ko pa ng tulog. Kasalanan naman nya kung bakit ako puyat eh. Maniac kase sya.
"Ellaina wake up, may exam ka diba? Hindi ka pwedeng ma late." Sabi ng asawa.
"J-jarred antok na antok pa ako, uulit nalang ako next year, im so sleepy" paos na reklamo ko sa lalaki.
"What? Are you kidding Me wife? May balak ka pa bang grumadweyt? Kung wala na ay magha hired na ako ng bagong nurse sa clinic ng MU. " panakot nito na ikinagising ko. No way.. Akin ang posisyon na yon.
Matagal ko ng tinanggap na magiging nurse na ako at sa MU ko balak pumasok para lagi kong kasama ang asawa.
"Oh ayan na babangon na po, pinuyat- puyat mo ako kagabi tapos ngayon gigisingin mo ako ng maaga dyan" labi ko pa kay Jarred.
Napailing lang ito habang nagbibihis ng damit . Nakaligo na pala ito bago ako gisingin. Nang tumayo ako sa kama ay muntik na akong matumba nang tila nakaramdman ako ng pagkahilo.
"Are you okey ?" Tanong ni Jarred ng mapansin ang saglit kong pagkatigil.
"Y-yes.." Sabi ko saka lihim na pinakiramdaman ang sarili. Ilang saglit pa ay maayos na ulit ang pakiramdam ko kaya masigla na akong pumasok sa banyo para maligo.
Tulad ng dati ay inihatid muna ako ni Jarred sa campus building bago dumeretso sa ridding club. Nakakatawa dahil may paghatid- hatid pa itong nalalaman eh napakalapit lang naman ng Campus building sa villa na tinitirahan namin. Sakop lang naman din yon ng MU.
Agad kong nakita sila Trixie at Magi sa bench na malapit sa hallway. Pinalaya si Magi ng iutos ko yon kay Jarred. Biktima lang din kase ito. Isa pa ay si Adam nga napatawad ko.ito pa kaya ?
Nang makalapit ako sa kanila ay naamoy ko ang pabango ni trixie at sa hindi malamang dahilan ay sumakit ang ulo ko sa amoy non. Nasapo ko ang noo.
"O-okey ka lang? Ilang araw ka ng ganyan ah?" Pansin ni Trixie sa akin"
"Mawawala din to" sabi ko saka naupo sa tabi nila.
"Sure ka?"
Tumango ako. Hilong -hilo ako at tila ako lalagnatin.
"E-ellaina nakakainggit si Imarie, nagwowork na sya sa Señorita's hotel. Sana di nalang nursing ang kinuha ko." Sabi ni Trixie.
Ako manal ay naiinggit sa kaibigan. maging kina Jaime, calvin at kate na kapwa tapos na sa pagaaral.Kung di ako nagpunta sa LA. Ay baka sabay pa kaming naka graduate ni Imarie pero naiwan ako sa nursing course na to tskk.. Sabagay mas magaling akong kumuha ng BP kesa mag bake. Marami na sa mga kaibigan ang nakatapos na at madalang nang magawi sa MU. Pero twing weekend ay naroroon sila sa roof top at nagmi meeting o di kaya ay sa ridding club. Tulad ni Sebastian. Pinamamahalaan na nito ang business ng pamilya. Once na maka graduate si Trixie ay ikakasal na ang mga ito. Sila Bobbie at Gil ay ganon din. Si Raiko ay malapit na ring grumaduate. Sa black knight naman ay si Chad ang natira na sa MU mas piniling magtrabaho bilang namumuno sa security team ng buong paaralan. Si Angelo ay nasa ibang bansa at babalik ito para ipagpatuloy ang pagka doctor. Hindi nga lang namin alam kung kelan. Alam ko naman na ako ang dahilan kaya sya lumayo muna....
Ang kapatid ko namang si Azzerdon ay madalas sa MU kapag di busy.. Nagtayo ito ng hotel sa kabayanan na pinangalanang Señorita's Hotel. Lagi ito don at kung wala naman ay sa ridding club.
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )
ActionMay mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako si Ellaina. Wala akong natatandaan... sino ako?.. sino sila? ...at sino sya? ....iisang tao lang k...