Chapter - 28 ( He's Gone )

1.4K 172 90
                                    

HE'S GONE........





Ellaina's POV...

" Traviz!!.."


Ang mga hakbang ko ay bumilis ng makitang tuluyan nang sumakay ng sasakyan si Traviz at umardar yon palabas ng MU. Binuksan ang gate para makalabas ito kaya tumakbo ako para habulin sya.

"Travizzzzz!!!!"

No. Bakit naging ganito? We were so happy sa beach. Inaasahan kong masaya lang kami. Bakit nangyari to bigla. San sya pupunta? Bakit sya lalayo? Hindi pwede.. Hindi ko kaya...

"Traviz No!!!" Sigaw ko at humabol sa kotseng unti -unting lumabas ng school.

Naramdaman kong may pumigil sa akin. Nang lumingon ako ay nakita ko si Azzer. Lalo akong naiyak.. Yumakap ako sa kapatid .

"A-azzer..si T-traviz.. Iiwan nya ako..A-azzer habulin mo sya please..he can't leave like that" iyak ko sa kanya but he didn't move.

Malungkot lang nya akong minasdan. Bumitaw ako sa kapatid at tangkang lumayo pero niyakap nya ako at dinala sa dibdib nya.

"Hahabulin ko sya, where's my car?" Piglas ko dito.

"Ellaina let him go!"

"Where's my Car??" I shouted at him.

"Ellaina stop it" inalog nya ako sa magkabilang balikat. "Hayaan mo syang lumayo para maka- move on sya, can't you see that ha? Nag give way na sya para sa iyo...para sa inyo ni Jarred.. Malaya kanang makasama ang totoo mong mahal"

Natigilan ako sa sinabi nya, walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Umiling ako ng umiling.

"Hindi mo naiintindihan, he's all i have. Sya lang ang kasama ko noon at ayokong mawala sya"

"At anong gusto mo masdan ka nya habang kasama ang iba? Ganon Ellaina? Wag kang malupit kay Traviz. Aalis sya to forget you. At hindi lang si Traviz ang meron ka Ellaina. You have me, may pamilya ka.. Andito si Jarred pati mga kaibigan mo, marami kaming nagmamahal sayo Ellaina.. Kung titingin ka lang sa paligid mo"

Umiyak ako ng umiyak sa harap ng kapatid.. Tama ang mga sinabi nya . Pero si Traviz?? Nahihirapan akong isipin na hindi kona sya makikita kapag miss ko na sya. Paano kapag nanaginip ako ng masama? Paano kapag napa-trouble ako? Sino ang aayos non? Si Traviz lang ang nagaayos ng buhay ko. Sya lang ang kayang intindihin ang tantrums ko, hindi sya kukunot ang noo at maninigaw tulad ni Jarred. Hindi nya ako titipirin sa pera tulad ni Azzer. He always on my side.. But now? He's gone.. The man i vowed to be with forever pero wala na ito.

Nanikip ng todo ang dibdib ko at nahirapan akong huminga sa sobrang pagiyak. Napahandusay ako sa semento.

"T-traviz... " paulit - ulit kong sabi . Si Azzer ay nakatayo lang . Hindi ako nakakilos habang nakatingin lang sa gate na ngayon ay sarado na. Umaasa akong babalik ang sasakyan ni Traviz, na babalikan nya ako pero hindi yon nangyari.

Hanggang ilahad sakin ni Azzer ang likod nya. At pinilit akong bumaba sa likod nya pero ayoko. Hindi ako kumilos . Don lang ako at hihintayin ang pagbalik ni Traviz.

"Ellaina tara na, malamig na dito" untag sa akin ng kapatid.

"Iwan mo ako Azzer, hihintayin ko sya" mariing sabi ko. Tuyo na ang mga luha ko pero pakiramdam ko may bago na namang papatak don.

Bumuntong hininga ang kapatid saka ko naramdamang lumayo sya. I starded to cry again.

Traviz please come back!

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon