NEWLY WED..........
Ellaina's POv....
LOS ANGELES CALIFORNIA..
Inayos ko ang suot na sunglasses at yumakap sa braso ni Jarred habang palabas kami ng airport. Nagtaka ako dahil bumalik kami ng California? Of all Places bakit dito pa? Kung saan mga alaala ni Traviz ang naroon. Nandito ang mga kalaban ko kaya nga kami madaliang umuwi non sa pilipinas eh. Pero hindi ko magawang tanungin si Jarred. Good mood ito at tila dina naalis ang ngiti sa labi. Pagkatapos ng kasal namin sa isla Georgina ay dumeretso na kami sa airpot kinabukasan.
Isang luxurious car ang tumigil sa harap namin at nabigla pa ako ng doon isakay ng isang lalaki ang maleta namin. Saan kami pupunta? Sa ganda ng sasakyang yon ay tiyak kong mahal yon Pero feel ko ang loob dahil sobrang lawak non at may tv pa .
"J-jarred sang hotel tayo pupunta?" Tanong ko sa lalaki.
Binalingan nya ako saka tipid na ngumiti. Pinisil niya ang pisngi ko.
"Sleep ka na muna. Mamaya makikita mo" he said .napalabi ako.
"Bakit kase dito pa sa L.A.? Alam mong marami akong kalaban dito?"
Ngumiti ulit sya saka hinaplos ang buhok ko.
"Wag kang matakot sa mga yon, you're with me,..sila ang dapat matakot sa akin" sabi nya na ikinangiti ko.
"Talaga? Sabi mo yan ha? Baka naman tumakbo ka pag nandyan na ang kalaban"
Tumawa ito sa sinabi ko. Pagkuway bumaba ang kamay nya sa bewang ko. Saka bumulong .
"Pagkadating natin ay magkukulong lang tayo sa kwarto at susulitin natin ang ating honeymoon."
Napangisi ako sa narinig. Ngayon palang ay nae-excite na ako sa sinabi nya. Hinalikan nya ako sa labi ng mariin. Buti nalang di kita ang driver don .
Nanlalaki ang mga mata ko ng makababa kami ng sasakyan at tumambad sa mga mata ko ang isang mansyon na maganda at mataas. Napapaligiran yon ng maraming tauhan at maid. Napatingin ako sa asawang nakahawak sa bewang ko.
"K-kaninong bahay to?" I asked habang iginagala ang paningin sa paligid.
"Sa atin!"
"H-ha?"
Taka akong napabaling sa kanya.
Kelan ba sya nagkaroon ng bahay sa california?Hindi nawala ang pagkamangha ko hanggang makapasok na kami sa loob ng magarang mansyon.
"Welcome Mr. & Mrs. EVAÑEZ" bati sa amin ng isang babae na tila mayordoma ng bahay. Katabi ang isang lalaki na may edad na.kapwa hindi pilipino ang mga ito. Naku mangungulelat ako nito sa englishan tulad noon.
Nang makapasok kami sa master's bedroom ay namangha na naman ako sa laki at ganda non. Excitted kong humiga sa malambot at malawak na kama. Shit sobrang sarap higaan. Nakangiti lang si Jarred habang patingin -tingin sa akin. Iniaayos nya sa malaking closet ang ilang damit na dala namin.
Bumangon ako at tiningnan ang banyo. Wow malawak din at may jacuzzi pa. Ayii sarap magbabad don with wine. Mamaya ka sa akin! Sabi kopa .Lumabas ako at tiningnan naman ang terrace. Maganda rin lalo na ang view.
"Jarred ang ganda naman dito, yaman mo pala ha" sabi ko sa lalaki. Tapos na itong maglipat ng mga damit sa closet. Bumaling sya sakin at niyakap ako.
"Si Julio ang mayaman, hindi ako" sabi nya.
"Yung daddy mong chaka?"
Humalakhak ito saka tumango. Binuhat nya ako at inihiga sa kama na napakasarap higaan. Parang nakakaantok ang lambot at kinis non.
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )
ActionMay mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako si Ellaina. Wala akong natatandaan... sino ako?.. sino sila? ...at sino sya? ....iisang tao lang k...