ANGELO MERCADO...
ELLAINA'S POV...
Hapon na ng lumabas ako ng silid ko, nakatulugan kona pala ang pagiisip tungkol sa Katrina na yon. Dumating sila Imarie kasama si Trixie sa resthouse. Aba close na ang dalawa..
"Bff kakatapos lang namin mag practice ng sayaw ,malapit na kase ang anniversary ng school, may presentation ang club namin" kwento ni Imarie. Gusto ko sana itong makausap ng sarilinan about Joven Evañez. Mamaya nalang siguro pag alis ni Trixie.
"Sasayaw kayo?"
"Yup, ikaw kase di ka sumali sa dance club eh" paninisi pa ni Trixie. Napaisip tuloy ako. Sumali nalang din kaya ako? Kaya lang kakagaling palang ng paa ko.
"Bff bakit nag cut ka ng klase mo?" Tanong ni Imarie.
"Katamad kase " sabi kong naiinis na naman.
"Asusss.. Nagselos ka lang kase sa Katrina na yon" buska ni Trixie.
"Pwede ba yang bunganga mo trixie, sarap tampalin!" Irap ko. Napahagikgik ito at si Imarie ng sabay.
Nang bigla ay may mag door bell. Si imarie ang nagbukas non at pumasok ang isang matandang lalaki kasama si Alec.
"Miss Imarie Aguilar? Matagal ko na kayong gustong kausapin.buti naman at naabutan ko kayo" sabi ng lalaki.
Curious kaming dalawa ni Trixie. Sino kaya yon.
"Atty. Santiago ano po ba yon? May problema ba?" Tanong ng kaibigan. Abogado ???
"Pwede bang kayo lang ang kausapin ko in private?" Tanong pa saka tumingin sa amin.
"Naku okey lang atty. Mga kaibigan ko naman sila eh" ngiti ni Imarie. Parang naiilang ang lalaki pero wala na itong nagawa kundi maupo sa katapat namin. Nanahimik muna kaming dalawa ni Trixie at lihim na nakinig sa usapan.si Alec ay nakatayo lang sa tabi. Parang sundalo kung makabantay ah.
"Bweno Ms. Imarie Aguilar, bilang tagapagmana ni Mr. Joven Evañez..may kailangan lang kase silang pirma mo, nagkakagulo ang board of director sa iniwang unfinished project ng nobyo nyo."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tagapagmana?? Napasulyap ako sa babae. Saka kami nagkatinginan ng makahulugan ni Trixie.
"E-eh..a-ano po ba ang dapat kong gawin don? W-wla naman kase akong alam sa trabaho ni Joven, pwede po bang ang kapatid nalang nyang si Jarred ang kausapin nyo?" Nahihiyang sabi ni Imarie.
"Pero ikaw ang nasa last will ni Mr. Evañez eh, hindi pwedeng makialam ang mga kaanak nya kahit ang magulang nya." Sabi nito.
"G-ganon po ba?" Nasabi ni Imarie.
May inilabas na mga papeles ang lalaki at ibinigay yon sa kaibigan.
"Ito ms. Aguilar, pirmahan mo nalang ito" tila may pagmamadaling sabi. Itinuro ang pipirmahan sa babae pagkatapos abutan ng ballpen.
"O-okey po!" Sabi nya at tangkang pipirma na pero pinigilan ko sya.
"Bff..?" Takang tanong ni Imarie.
Si Attorny ay napatingin sakin at naningkit ang mga mata.
"You can't sign that just like that, ano kaba Imarie, kung malaking pera ang iniwan ni Joven sayo at malalaking negosyo, dapat ay magingat ka sa mga pipirmahan mo, baka biglang mawala ang lahat ng mga yan.tsskkk" sabi kong iiling -iling.
Namula ang mukha ng abogado, i saw Alec amused smile at me.pero di ito kumibo.
"Ms. Imarie sino ba sya?" Nagaalangang tanong ng atty.
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )
ActionMay mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako si Ellaina. Wala akong natatandaan... sino ako?.. sino sila? ...at sino sya? ....iisang tao lang k...