OOPS ...I DID IT AGAIN.......
Azzer's POV.....
"Angelo dalian mo nga dyan, baka gutom na ang kapatid ko."
Pagmamadali ko kay Angelo. May dala kase kaming grocery at pagkain na tinake out ko sa labas. Alam ko kaseng wala don ang katulong ni Imarie dahil nasa bakasyon ito at puro frozen food ang nasa resthouse. Si Imarie kase ay sa canteen ng School nakain kaya di na nag-abalang mag stock.
"Wow Azzer ha, masyado ka naman yatang nagpapaka kuya kay Ellaina?baka magselos na si Boss Jarred sayo" sabi nito.
Binatukan ko si Angelo.
"Hoy kapatid ko yon, ngayon lang ako nagkaron ng kapatid kaya wag kang gago, ikaw ang umayos dyan, alam kong may crush ka sa kapatid ko, sumbong kita kay Jarred eh! " banta kopa sa kanya.
"Joke lang Azzer, ikaw naman masyadong hot, " sabi nito binilisan ang lakad.
"Angelo binabalaan kita ha, tigilan mo ang paghanga kay Ellaina. Putol yan birdie mo kay Jarred at Traviz! "
"Epal ka, "
"Abat-----"
Napahinto kami sa tapat ng resthouse. May naririnig kaming kumakanta. Nagkatinginan pa kami ni Angelo saka mabilis na pumasok don.
At ganon nalang ang panlalaki ng mga mata namin ni Angelo ng makita ang pagsasayaw ng wild ni Ellaina habang naghahalo ng kung anong niluluto nito habang nakatulala sa kanya si Jarred sa likod.
"Oh baby baby
How was i supposed to know? "Tangina... San natutong sumayaw ang malditang-impakta kong kapatid? Naalala ko tuloy nung unang beses ko syang makita sa club ni Adam. Nagsasayaw din sya pero di ganito ka-wild. Hayop ..nang tingnan ko si Angelo ay para itong tutulo na ang laway kaya sinapak ko sya.
Si Jarred naman ay pulang -pula na ang mukha.. Ellaina bakit ka ganyan? Mababastos kana nila sa isip ng wala sa oras nyan dahil sa kaharutan mo..
" Oops... I did it again to your
Heart,
Got lost in this game oh baby
Oops. You think that im sent
From above..
Im not that innocent.. "Pikit na pikit pa ang luka.. Di ba nya alam ang epekto ng ginagawa nya sa lalaki.? At kay Jarred pa talaga sya nagsasayaw ng ganon. Bahala syang ma-rape dyan.
Bigla ay pumasok din si Traviz sa resthouse. May dala din itong take out food. Nakita nito ang ginagawa ni Ellaina kaya mabilis itong timikhim at lumapit sa dalawa.
"Baby... What are you doing? " tanong ni Traviz dito. Kapal maka baby sa harap ni Jarred.
Natigil sa pagsasayaw ang maharot kong kapatid at nakangiting humalik sa pisngi ni Traviz. Nalintikan na.. Ang talim ng tingin ni Jarred sa lalaki.
Nilagay namin ni Angelo ang pinamili sa taas ng counter..
"Nagluluto ako, kala ko di ka pa darating eh, 10 hotdog lang naluto ko saka dalawang egg. " labi ni Ellaina. Inihain sa mesa ang hotdog at itlog.
"Me dala naman kaming ulam Ellaina. " sabi ko.
Naghain na kami ni Angelo. May digmaan kase sa tinginan nila Traviz at Jarred eh. Pansin namin yun maliban kay Ellaina na excitted naupo sa mesa. Manok lang naman ang binili ko saka liempo. Si traviz ay ganon din ang dala.
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )
ActionMay mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako si Ellaina. Wala akong natatandaan... sino ako?.. sino sila? ...at sino sya? ....iisang tao lang k...