DARKEST SECRET....
Traviz's POV....
Nang dalawin ko ang ama sa hospital ay medyo mabuti na ang kalagayan nito. Hindi ko alam kung paano ko itatanong sa kanya ang lahat ng gumugulo sa isip ko.yung tungkol sa log book.. Yun mga larawan nila ng babaeng kamuka ni Ellaina. Imposibleng si Samantha yun .. Patay na to diba?
"D-dad?" Untag ko sa kanya. Medyo nakakasalita na ito.
"S-son..."
"May gusto sana akong itanong dad" nananantiyang sabi ko. Alam kong di pa yun ang tamang pagkakataon para don kaya lang ay di ako matahimik.
"May nagpadala kase sakin nito dad?" Sabi ko saka ipinakita ang mga larawang dala sa ama.
Nakita kong nanlaki ang mga mata nya, ilang saglit syang di nakakibo.. At lalong lumakas ang kaba ko.
"S-son..."
Napatayo ako ng bigla nyang tutupin ang dibdib. Shit....
"Doc..."
Tinawag ko agad ang doctor at dinaluhan naman agad ito ng mga yon. Nabigla si Mommy ng dumating sa ospital.
"T-traviz ano bang ginawa mo? Gusto mo bang mamatay ang dad mo?" Asik ng ina.
"Mom may gusto lang kase akong malaman" sabi ko.
"Ano ba yon at bakit kailangang sa daddy mo pa itanong?."
Tinitigan ko ang ina. Ipapakita ko ba ang mga larawan? Kahit luma na yon ay alam kong masasaktan ang ina. Kaya lang ay may kinalaman yon sa ina ni Ellaina eh.. Pakiramdam ko si Samantha yon, at kinakabahan ako.
"M-mom.. Nagkaroon ba ng relasyon sila Daddy at S-samantha?" Maingat kong tanong.
Nakita ko ang pagkagimbal sa mukha ni mommy. And it made me crazy.. No! It can't be.. All my life i thought i had a happy and ideal family. Nakita ko kung gaano kami kamahal ni daddy ..
Napailing ako.. Namasa ang mata ni mommy.
"H-hindi sila nagkaroon ng relasyon anak, san mo ba nakuha ang ideya na yan?" Sabi nya saka hinaplos ang mukha ko.pero alam kong may itinatago sakin ang ina.
"Mom i want to know the truth please..sino si Samatha sa buhay ni dad? Bakit sya napunta sa solace? Saan yon? Mom naguguluhan ako" hirap kong sabi.
Napasulyap si mommy sa kama na kinahihigaan ng ama. Hinila nya ako palabas at dinala sa upuan sa tabi ng hallway.
"Traviz anak, wag mo nalang alamin ang totoo, " sabi nya na ikina-angat ng mukha ko.
" anong ibig mong sabihin mom? Dont tell me na may alam ka sa ginagawa ni daddy.? "
Napayuko ang ina saka hinawakan ang kamay ko.
"Ang importante buo tayo Traviz.. Nakaraan na yon, si Samantha ay bahagi nalang ng nakaraan nya. Tayo na ang kasama ng daddy mo, mahal na mahal ka nya anak.."
Napabitaw ako sa ina. Napailing ... Anong ibig nitong sabihin..?
Hanggang makauwi ako ng bahay ay gulong - gulo ako. Paano ko aalamin ang totoo?
"Master may tao pong naghahanap sa inyo." Lapit sa akin ng isang maid.
Bumaba ako para alamin kung sino ang bisita. Pero ganon nalang ang pagkabigla ko ng makita si Aurelio..
Ellaina's POv...
Bimitaw ako kay Trixie ng matanawan si Noah na kasama si Ayesha. Nagkatitigan kami ng binata. Tila may nais ipaalala ang titig nyang yon. Makahulugan ko syang tinitigan din.
BINABASA MO ANG
Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )
AçãoMay mga alaalang nais nating kalimutan, meron ding nais nating matandaan. kung bibigyan ka ng chance na kalimutan ang isang tao ..gagawin mo ba? Ako si Ellaina. Wala akong natatandaan... sino ako?.. sino sila? ...at sino sya? ....iisang tao lang k...