05 | Stolen Shot

140 105 30
                                    

"Doon naman tayo! Parang ang ganda ro'n, eh," sabi ko at bahagyang hinila si Tom, nagpatianod naman siya sa ginawa ko.

Nang makarating ay tumingin ako sa ibaba upang pagmasdan ang magandang tanawin. Tinaas ko rin ang aking mga kamay at dinama ang sariwang hangin.

"Do you want me to take you a picture?" tanong ni Tom na nasa likod ko pala.

I nodded and took differents poses at the camera that he's holding.

Ipinakita niya sa 'kin ang mga litrato ko. Napangiti ako ng malaki dahil bukod sa magaling siyang kumuha ng litrato, kita rito ang ganda ng kalangitan dahil sa taas ng kinaroroonan namin.

"The view is so beautiful," I said as my eyes never left the camera's screen.

"Yeah, beautiful," he repeated but he's looking at me.

Hinampas ko siya kahit sa loob ko'y kinikilig ako sa sinabi niya.

"Tayong dalawa naman ang mag-picture!"

Tumango siya sa sinabi ko at nagtawag ng isang lalaki para picture-an kaming dalawa.

Nang matapos ay pinasalamatan namin siya at excited kong kinuha ang camera mula sa kaniya.

Ngunit ang ngiti ko ay unti-unting napawi nang makita ang litrato.

"Why? Is there a problem?" nag-alalang tanong ni Tom at hinawakan ang braso ko.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya, "Nothing."

"Pangit ba ang pagkakakuha niya?" tanong niya ulit kaya natawa kaming dalawa.

"No, it's not because of that. Umuwi na tayo."

"Okay," aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Clare! Ang cute niyong tignan dito ni Tom!"

Pinakita ng pinsan kong si Gwenn ang pictures namin ng boyfriend ko.

Ngumiti ako ng bahagya at tinanong siya, "Wala ka bang napapansin?"

"Napapansin saan?"

"Sa ngiti ni Tom... Wala ka bang napapansing kakaiba?"

Kumunot ang noo niya pero unti-unti itong nawawala na tila alam na niya ang sagot, "Sinasabi mo bang pilit ang ngiti niya riyan sa mga pictures?"

Nahihiya naman akong tumango.

"Nakalabas ang mga ngipin at halos mawala na ang mga mata niya, 'tapos sasabihin mong pilit lang?! Hay naku, Clare! Tigilan mo 'ko ha, umabot na kayo ng halos dalawang taon pero pinagsasabihan mo siya ng ganiyan!" dire-diretso niyang sabi.

She has a point though, pero 'di niya kasi ako naiintindihan, eh! Simula no'ng naging kami, 'di ko na nakita 'yong totoong ngiti na meron siya noon.

But after thay day, it's like my wish is just granted.

Nakita ko siyang ngumiti at minsa'y tumatawa pa. Kinuha ko ang aking camera, baka 'di na maulit ito.

Ngayon ko lang ulit siya nakita ng ganito...

Maging ako ay malaki rin ang ngiti habang kinukuhanan siya ng litrato, nang 'di ko sinasadyang magawi sa ibang direksiyon.

At nakita ko na naman ang kasiyahan sa kaniyang mga mata... Ngumingiti at tumatawa ng tunay sa ibang babae.

Imagination StationWhere stories live. Discover now