Oh my my my, oh my my my
You got me high so fast
Ne jeonbureul hamkkehago sipeo
While singing Boy With Luv by BTS, I'm preparing my ring light and camera for my vlog.
Muli kong sinuklay ang aking buhok at tumingin sa salamin para tignan ang aking sarili. Hinanda ko rin ang mga gagamitin para makapagsimula na.
"Hi everyone! This is Iela and welcome back to my channel!" I began with enthusiasm.
"So for today's vlog, we'll be doing unboxing! Unboxing of what? Lightstick or album? No. It's unboxing of iPhone 11 Pro Max!"
Ipinakita ko sa camera ang box na 'di pa nabubuksan. I'm so excited!
"'Pag naman nabuksan na natin siya, titignan natin kung ano nga ba ang pinagkaiba niya rito sa iPhone X na gamit ko," sabi ko sabay taas sa phone.
"Itong iPhone X na ginagamit ko, 'di na 'to bago no'ng binigay sa 'kin. Kay kuya talaga 'to then no'ng nagkaro'n ulit siya ng new phone after one year, binigay niya 'to sa 'kin," pagkukwento ko pa.
"At ang pinakahihintay na parte ng vlog na ito..." Muli kong kinuha ang box ng iPhone 11 Pro Max at bahagya itong iwinagayway. "Let's start to unbox it!"
I removed the plastic that covers the box and spoke, "Baka pwede nating ibenta 'to hahaha!"
"Ayan na!" tili ko pa at dahan-dahang binuksan ang box, agad namang bumungad sa 'kin ang napakagandang phone.
"So ito 'yong itsura niya, guys! Its color is Space Gray, 'di ba ang ganda? And I'm not sure with the exact price, but it's ranging from 74K and up since this is just 64GB. 'Di rin siya gano'n kabigat," saad ko habang maingat na tinataas-baba ang hawak.
Sunod ko namang kinuha ang phone case na para dito at nilagay ito. Gray din ang kulay para 'di nalalayo sa kulay nito.
"Now let's proceed to the external features," sabi ko at muling hinarap ang phone sa camera. "This is the built-in stereo and microphone."
Tinagilid ko naman ito ang muling nagsalita, "Ito naman 'yong buttons. The volume, ring or silent switch, abd the side button." Tinuro ko pa ang sasaksakan ng charger at earphones.
"While sa SIM Card naman... Dual sim siya, and 'yong pwedeng mong ilagay is nano-SIM and eSIM lang. 'Di raw kasi compatible sa iPhone 11 ang micro-SIM cards."
"Ito pa 'yong nilalaman ng box... Siyempre merong EarPods, adaptor, connector, at mga papel hahaha! So 'yon lang talaga siya, guys," saad ko at isinantabi muna ang mga iyon.
"So 'di ko itatapon 'tong box na 'to kasi baka pwedeng ibenta. Malay niyo, sa mahal ba naman nito baka libo rin presyo nitong box at plastic!"
"And now let's compare it to iPhone X... Obviously, mas malaki itong iPhone 11!!"
Natawa na lang ako dahil naging "mema" yata ako sa part na 'yon.
"Lahat naman siguro alam 'yan, I mean lalo na 'pag iPhone user ka... Na habang tumatagal ay palaki nang palaki at panipis nang panipis 'yong nire-release nilang phones."
Muli kong hinarap sa camera ang dalawang phone na hawak ko at nagsalita, "Sa harap, wala naman siyang masiyadong pagkakaiba... Tignan natin 'yong likod."
"Before I started this vlog, I researched some of their features to know their differences... 'Yong likod ni iPhone X is glass and stainless steel design, while kay iPhone 11 Pro Max is the same din pero textured matte glass siya," I said as I slide my finger at the phone.
"And as you can see, they have the different number of cameras. Two cameras for iPhone X which is Dual 12MP Wide and Telephoto cameras, while three cameras for iPhone 11 Pro Max which is Triple 12MP Ultra Wide, Wide, and Telephoto cameras with night mode. Hindi natin alam, baka sa susunod na iPhones puro camera na 'yong likod hahaha!"
Natawa na lang din ako sa sinabi ko sa bandang dulo, dahil may nakita akong gano'ng meme sa Facebook.
"And siyempre mas mahaba 'yong battery life nitong iPhone 11 and mas mataas 'yong water resistance... Try naman natin 'yong apps!"
I turned on the iPhone 11 Pro Max to see what's inside and spoke, "Ayan, lalabas 'to if you want to transfer your files galing sa lumang iPhone na gamit niyo. Pero siyempre mamaya ko na 'yan gagawin, let's try first the camera."
Binuksan ko nga ang camera ng parehong phone at nag-selfie, nang matapos ay ipinakita ko ito sa camera.
"So anong masasabi ko? Siyempre parehong maganda hahaha! Self-support na lang 'yan, guys!" giit ko at muling nag-picture.
"Pero 'yong pagkakaiba nila... Parang may filter 'tong iPhone 11, kasi look parang mas pumuti pa ako. While dito sa iPhone X, kung ano talaga 'yong itsura't kulay mo ay 'yon talaga."
Nagtingin-tingin pa ako ng kung iba't ibang mga apps nang may biglang tumawag sa 'kin.
"Iela, nakita mo ba 'yong iPhone 11 Pro Max ko?" tanong ni Kuya Harold sa 'kin.
'Di ko muna siya pinansin at muling nagsalita sa harap ng camera, "So 'yon, guys... Nalaman na natin 'yong pagkakaiba ng dalawa. Abang na lang kayo sa next unboxing hahaha charot!"
Lumapit siya sa 'kin kaya nakita rin siya sa camera habang nakabusangot pa, "Here, Kuya... Binuksan ko na para sa 'yo hahaha!"
Sa sinabi kong 'yon ay mas lalong sumama ang mukha niya, kaya agad akong lumayo kung gawin man siya.
"Phiela Fortes!"
Instead of being scared because he shouted, mas lalo pa akong natawa.
"That's all for today's vlog, thanks for watching! Don't forget to like this video and if you're new to my channel, make sure to subscribe and hit the notification bell for more updates. And yes po, kay Kuya Harold 'tong iPhone 11 Pro Max hahaha!"
Tinignan ko ang kapatid ko na 'di pa pala umaalis sa tabi ko, "Mag-hi ka naman sa vlog ko, kuya!"
"Ewan ko sa 'yo," sagot niya't kinuha ang kaniyang phone at umalis.
I burst again in laughter and turned off my camera.