03 | Our Fate

169 115 43
                                    

"Congrats, girl! Ang galing mo talaga!"

"Trulala! Wala kang sinalihang pageant na 'di ka nanalo!"

"How to be you ba besh? Hakot mo lahat ng awards, eh!"

Halos mapunit ang kaniyang labi sa sobrang ngiti dahil sa walang sawang papuring natatanggap.

He's Caster Ferrer, 17 years old, Philippines! Naniniwala sa kasabihang, 'Hindi lahat ng pogi ay maganda ang gusto, 'yong iba ay pogi rin ang hanap!'

Yes, he is a gay. Caster sa umaga, Cassie sa gabi!

Maraming nanghinayang sa tunay niyang pagkatao. Lagi nilang sinasabi na sayang ang kagwapuhang taglay na meron siya. Again, yes, he has the attractive look and personality. At 'di 'yon fake news, pawang katotohanan lamang iyon. Pak ganern!

Pero marami rin naman ang tumanggap, may magagawa pa ba sila? Hahaha!

At kung nagtatanong kayo sa naging reaksyon ng mga magulang nila... 'Di niya rin alam, actually. Wala na sila, they both passed away many years ago.

Nakikitira na lang siya sa kaniyang tiyahin na siyang kumupkop at nagpaaral sa kaniya simula pa no'ng bata pa siya. Wala rin siyang mga kapatid, he's an only child.

Isa rin siya sa mga nagulat na si Caster ay isang lalaking binabae, pero 'di siya nagalit sa desisyon ko. At isa pa, alam niyang 'di siya pabigat sa kaniyang tiya dahil ito na mismo ang nagsabi no'n.

Pinalaki niya itong masipag at mabait na bata. Natutulungan niya ito sa mga pangtustos namin sa araw-araw sa pamamagitan ng pagsali niya sa mga Beauty Pageants. At sinusuwerte nga naman, lagi siyang nananalo.

Being gay is not that easy. Oo, nabuhay siyang malaya sa ginusto niyang desisyon, but for him it is so hard! Dahil kung gaano karami ang mga tumanggap sa kanya, ganoon din karami ang mga humusga sa tunay niyang pagkatao.

Kaya when it comes to public, he's not wearing girly outfits. Polo and slacks din ang suot niya sa school para kahit papaano ay 'di ito lantaran.

Ayaw niya ring gumagamit ng gay languange or expressions. Sometimes, if it's neccesary. Kaya more on english words ang ginagamit niya 'pag nagsasalita, para naman sosyal 'di ba?

Kaya karamihan ng tingin sa kaniya ay isa siyang bisexual, 'yong naa-attract sa babae't lalaki. But it's not. Duh! Ayaw niya kaya sa mga babae, masiyadong maaarte at baka matalbugan pa ang beauty niya 'no!

"I knew it! You always win the crown. Congrats, babe!"

"Thank you so much, Aki! And for your support, love you."

"I love you, too..."

He's Akihiro Peñoza, at obvious naman 'di ba? He's Caster's boyfriend, whether you like it or not!

"Drake! Isang picture naman sa 'min diyan oh!" tawag ni Aki sa photographer ng event.

Agad naman lumapit si Drake sa kanila at kinuhanan sila ng litrato.

"Salamat Drake," pagsasalamat ni Aki sa lalaki.

"Walang anuman, boss!" sabi naman ni Drake at umalis na.

Sa totoo lang wala sa linya niya ang pumasok sa isang relasyon... Dahil balak niya na munang tapusin ang pag-aaral then find a stable job.

At isa pa, walang asawa't anak ang kaniyang Tita, kumbaga tumanda siyang dalaga. Kaya sino ang kaniyang aasahan 'pag nagkasakit siya. Sino na lang ang magtutulungan? 'Di ba sila nalang din dalawa. 'Tsaka para sa kaniya, it can wait! Ayaw niyang lumuha ng bonggang bongga dahil lang sa isang lalaki.

Imagination StationWhere stories live. Discover now