04 | In My Feelings

156 107 71
                                    

"Utang na loob, Drake Avelino! Tumigil ka na sa paglakad-lakad, ako ang nahihilo sa 'yo!"

Naupo ang lalaki sandali, pero 'di nagtagal ay bumalik ito sa kanyang ginagawa.

"My goodness! Ano bang nangyayari sa'yo?" sigaw na naman ng kanyang kaibigang si Hariette.

"Ipapakilala kasi ako ngayon ni Katy sa pamilya niya. I'm nervous. I'm f*cking nervous, Hariette Mendelev!" sigaw naman niya pabalik.

"'Yon lang pala, eh! Why would you just sit down, relax, and wait until the clock strikes at 8:00? Parang mahihimatay ka na sa putla!"

"Anong 'yon lang? You can easily say that because you're not in my situation!"

"Galit ka niyan, bes?" patuyang tanong ni Hariette kay Draxe. "Baka nakakalimutan mong pamilya ko rin ang pamilyang kinabibilangan ni Katy? Kaya you don't need to worry."

Pinsan kasi ni Hariette sa kanyang father's side ang nililigawan ni Drake. Akala niya'y sariling pamilya lang ang kasama -- ang magulang at mga kapatid nito -- iyon pala ay pati buong  Melendev ay inimbita.

"She's your cousin? Why you didn't tell me that?"

"You didn't ask," she simply said and flipped her hair.

"Mas lalo tuloy akong kinabahan, baka mamaya ipahiya mo ako ro'n."

"Of course not! Gusto kita para kay Katy at isa pa, walang rason para ipahiya kita," ani Hariette kaya napangiti na lang si Drake. "Unless, you want me to tell them your secrets." Dugtong pa nito at ngumisi.

"Shit! Kalimutan mo nang magkaibigan tayo kung gano'n!"

Doon na napahalakhak si Hariette at nagpeace-sign, ang pikunin talaga ng kaibigan niyang ito.

Drake and Hariette were best friends for eight years. Simula noong High School sila hanggang sa pagtungtong nila sa College. Kahit sila'y 'di rin aakalain na tatagal ng ganoon ang kanilang pagkakaibigan!

Nakakatawa nga ang una nilang pagkikita. Paano ba naman, parehas silang mali sa inaakala nilang kasarian.

Ganito kasi 'yon... magkaklase silang dalawa noong sila'y Grade 8.

Narinig ni Hariette sa kanilang mga kaklase na nagbabasa pala si Drake ng mga storya sa Wattpad! Naging interesado rito ang babae, dahil katulad ni Drake, isa siyang "Wattpadder".

Gusto niya itong i-stalk, kaya nagtanong muna sa kaniyang kaibigang si Clare tungkol sa mga accounts niya sa social media.

No'ng nakita niya ang Facebook account nito ay wala siyang nakitang kakaiba, maliban lang sa mga Wattpad story lines na caption nito sa kaniyang profile picture at konti lang ang mga posts.

Hanggang sa nakita niyang may dummy account pala si Drake! At doon niya nakitang puro iyon tungkol sa Wattpad. Nagpopost din siya ng mga pictures niya roon, pero kadalasan blurred, may takip ang mukha, o kaya nama'y kalahating mukha lang. Kadalasan din sa mga posts niya ay mga mga gay terms such a "charot", "nakakalurkey", at iba pa. Ayaw namang manghusga ni Hariette, but his timeline says it all.

Sa loob-loob ni Hariette ay gusto niyang maging kaibigan ang lalaki, lalo na't paniguradong magkakasundo sila.

Samantalang lagi naman nakikita ni Drake si Hariette sa Basketball Court ng village nila-oo, parehas sila ng village na tinutuluyan. Katulad ng babae, naging interesado rin si Drake na makilala siya.

Pero may kung anong humahatak sa kaniya na umayaw, idagdag mo pa ang pagiging maangas at ang walang kaemo-emosyong mukha ni Hariette 'pag nasa eskwelahan.

Imagination StationWhere stories live. Discover now