06 | Midnight Routine

117 78 115
                                    

It's three minutes before midnight, but I'm still awake.

Kung anu-anong posisyon na ang ginawa ko pero hindi pa rin ako makatulog. Wala rin namang kung anong bumabagabag sa isipin ko, kaya hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Napabangon ako nang maalalang may rooftop nga pala ang building na 'to. 'Di pa ako nakakapunta ro'n, at wala pa naman akong pasok kaya ayos lang magpuyat.

I took my cellphone, keys, and jacket and went out of my unit.

Nang makarating sa rooftop ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin, kaya't agad akong napasuot ng jacket.

Then I saw a bench near the railings so I decided to go there. Hatinggabi na pero buhay na buhay pa rin ang siyudad.

Naupo ako at pinagmasdan sa ibaba ang mga sasakyang dumadaan at mga naglalakihang gusali.

Maya maya'y may naramdaman akong naupo sa tabi ko, "Can't sleep?" he asked.

Tumango na lang ako dahil paniguradong kaming dalawa lang naman ang tao rito.

"Aren't you scared?" tanong pa nito.

Siguro kung sa ibang pagkakataon ay tumakbo na ako at sumigaw, pero tila wala akong nararamdaman na kahit anong takot.

"Scared of what?" I questioned him back.

"Me."

"Billie Eilish ka, girl?" sarkastikong ani ko sa kaniya, dahil naalala ko ang kanta nitong Bury a Friend.

'Di siya sumagot kaya doon ko na siya tinignan... Magulo ang kaniyang buhok, maitim ang ilalim ng mga mata, at nakasuot ito ng mask.

"Mukha kang walang tulog ng ilang araw, pero 'di naman siguro 'yon dahilan para matakot ako sa 'yo," saad ko at tumawa lang siya ng bahagya.

Isa pa, kung may balak siyang masama sa akin ay kanina pa niya dapat iyon ginawa.

"Sa pagkakaalam ko wala nang bakanteng unit na pwede pang lipatan dito, o 'di lang talaga kita nakikita?" pagbubukas ko ng panibagong usapan.

He removed his mask then answered me, "I'm living with my best friend, which is next to your unit."

"Ah, si Ryne?" tukoy ko sa sinasabi niyang best friend.

He just nodded. Nakilala ko na rin 'yon dahil madalas kaming magsabay noon papuntang school.

"Wait, bakit 'di nakikita?" tanong ko pa.

"Naglayas ako."

My eyes widened and I looked to him again, "You what?"

"Naglayas ako," pag-uulit niya na para bang wala lang sa kaniya 'yon.

"Classes will start weeks from now. Anong plano mo sa buhay?" 'Di ko na napigilang magtanong.

"A common scenario of a College student, which is his course should be decided by the parents. They wanted me to take Medicine, but I enrolled in Business Ad."

"Medyo magkalayo 'yong dalawang 'yon, ah!" giit ko.

"To piss them off," he said and shrugged. "Nang nalaman nila 'yon, sinabi nila sa 'king 'di raw nila susuportahan 'yon. That I need to be responsible for the payments. So to really piss them, I left."

"Si Billie Eilish ka nga talaga," sabi ko habang umiiling.

"Why?"

"You're a bad...guy," pagkanta ko na medyo iniba pa ang lyrics.

Tumawa lang siya at muling nagkibit-balikat.

"Siguro may sarili kang bank account 'no? Kaya kampante ka sa desisyon mo?" tanong ko muli.

Imagination StationWhere stories live. Discover now