01 | Should I?

304 137 145
                                    

"Araw-araw na lang ba natin 'tong pag-aawayan?" tanong ng lalaking nasa harapan ko.

'Di ako sumagot, nanatiling nakatitig sa kawalan.

"Ayoko ng ganito, nasasakal na ako!"

Sa sinabi niyang 'yon ay tumingin na ako sa kaniya na may halong iritasyon at nagsalita.

"What? Nasasakal? Bakit? Pinapayagan naman kita sa mga gusto mo, ah! 'Pag may pupuntahan ka, ang tanong ko ay 'saan' lang, walang 'bakit' o 'sinu-sino ang mga kasama mo'! Basta alam kong 'di mo 'ko niloloko at wala kang nilalanding babae ay papayagan kita! Maging sa paglalaro mo ng online games, basta kumakain ka sa tamang oras ay ayos lang din sa 'kin. Now tell me, anong ikasasakal mo ro'n?!"

"Nasasakal. Ako. Sa. Pagiging. Maluwag. Mo. Sa. Akin," paghihimay niya sa kaniyang sinabi.

Bahagya akong napatigil, what did he say?

"That's what you want, right? That's what other boyfriends' want. Ayaw mo ba no'n?" mahinahon kong tanong.

"'Yon nga, eh! Sa mga inaasta mong 'yan ay pinapamukha mo sa 'king wala kang pakialam sa 'kin, sa relasyon natin! Imbes na tumigil sa mga bagay na dapat kong iwasan ay mas lalo mong dinu-duldol sa 'kin na gawin ko! You shouldn't be like that! Mas gusto ko pang pag-awayan natin 'yong pagiging under ko, kaysa sa ganito!"

Unti-unting nag-rehistro sa 'king isipan ang mga sinabi niya. I can't understand his logic! Kakaiba!

"That's it? Then, let's end this non-sense relationship we're having. Tutal ay nawawalan ka na ng oras sa 'kin. We. Are. Done. Grae. Shaun. Vallester." Matapos kong sabihin 'yon ay sunud-sunod na tumulo ang aking mga luha.

Gano'n na ba ako ka-walang kwenta para payagan siya sa lahat ng mga gusto niya at 'di paghihigpit sa kaniya? O gano'n na ba ako ka-tanga para palayain ang lalaking minahal ko nang matagal?

Pero wala na, nasabi ko na at 'di ko na 'yon mababawi pa.

"I knew it! You're boring. 'Di na dapat tayo tumagal kung sa ganito rin pala hahantong ang relasyon natin, " pinal niyang sabi at umalis. Pabagsak na sinarado ang pinto.

I'm wrong. I was expecting him to disagree in my decision, but again, I am wrong. After all those years na pinagsamahan namin, 'di niya ako pinigilan sa biglaan kong desisyon.

Pero nangyari na, I need to accept it! And move on, on my own.

Lumipas ang mga araw na wala akong maayos na tulog, pinipilit na pumasok kahit masakit ang ulo. Then wearing a smile though there are some trials I've been through.

Magkaklase kami ni Grae, but we're treating each other like we're just ordinary students... Or should I say, like strangers?

Nagkakausap kami pero minsan lang, 'Pag nagiging groupmates kami, normal niya akong nakakausap at natitignan sa mata, na para bang wala kaming nakaraan.

Samantalang ako, kailangan ko pa ng sapat ng lakas para harapin siya at minsa'y nangangapa pa ako ng mga salitang sasabihin ko sa kaniya.

Siguro nga, naka-move on na siya... Ako na lang ang hindi. Balita ko rin ay may bago na siyang girlfriend.

Uwian namin no'n pero dumiretso muna ako sa comfort room, at pumasok sa isa sa mga cubicle.

"Girl, did you know? Simula no'ng nag-break sila Grae at 'yong unang girlfriend niya, naging playboy na siya..."

"Talaga? Paniguradong maraming babae ang matutuwa diyan? But I feel sorry for that girl, kung kailan naman ilang taon na sila."

Dinig kong usapan ng dalawang babae sa labas ng cubicle. Gano'n pala kasikat si Grae ha? At ano raw? Playboy? Paniguradong maraming siya papaasahin at papaiyakin na mga babae! Wait, wala na nga palang "kami"... Kaya dapat wala na akong pakialam sa buhay niya!

Imagination StationWhere stories live. Discover now