I'm so excited, and I just can't hide it!
After three years since they came here, BTS will be having their concert again in the Philippines!
At sa ilang taon kong pagiging fan nila, makikita ko na sila for the first time!
Marami-rami na ring tao nang makarating ako sa Mall of Asia Arena, dahil alam kong hindi lang ako ang excited sa araw na 'to.
Karamihan siguro dito ay mga ka-edad ko lang kasama ang kanilang mga kaibigan o pinsan, 'di katulad ko na walang kasama.
Kasama ko dapat ang pinsan ko, kaso saktong may mahalagang pupuntahan kaya ako na lang.
"Guys, so nandito na ako sa MOA Arena... Thirty minutes before the concert pero grabe na ang dami ng mga tao rito!"
That caught my attention, she's holding a camera and talks as she walks. I think she's a vlogger.
"At dahil mag-isa lang ako... My sister challenged me to find a co-Army na magiging concert buddy ko for this day, and magiging friend ko na rin."
Sa tingin ko'y medyo malapit na siya sa 'kin, dahil naririnig ko ng malakas ang boses niya.
"Hmm, let me---Ayun! I saw a pretty lady over there," the vlogger said as she walks toward my direction.
"Hi, I'm Iela! Your name is?" she asked me, 'di nga ako nagkakamaling ako ang pinili niya.
"Miane."
"Hi Miane, nice to meet you! Say hi to the camera," she said, I just waved at the and smiled at the camera.
"Paano ba 'yan, ate? Nakahanap kaagad ako!" sambit niya pa at tumingin muli sa 'kin, ngumiti lang ako sa kaniya.
"Is this your first time attending their concert?" she asked.
"Yes, that's why I'm so excited!" I exclaimed and squealed.
"Hala, same!"
Nagkuwentuhan pa kami ng kung anu-ano, hanggang sa tinawag ang lahat para pumila na.
Iela bid goodbye to her viewers for a while, then turned off her camera.
"Anong seat ka nga pala? Baka mamaya hindi pala tayo magkatabi," natatawang saad niya.
Bahagya rin akong natawa at sumagot, "VIP Standing E."
"Buti naman, we have the same tickets!" she said and sighed in relief.
Natawa na naman ako, buti na lang talaga at parehas kami... Kung hindi, maghahanap na naman siya ng magiging "concert buddy" niya.
"Bakit mag-isa ka lang?" tanong ko para sa panibagong usapan.
"Kasama ko dapat mga kaibigan ko kaso you know, money problems. Ako kasi last year ko pang ipon 'to, kaya afford bumili ng VIP ticket. How about you, para wala akong nakitang kasama mo?"
"Yeah, my cousins are busy. Ayoko rin namang sayangin ang pagkakataon na 'to kaya gora pa rin," sagot ko.
Nang makapasok sa loob ay kami ang nauna sa pwesto ng VIP Standing E, kaya siyempre dali-dali kaming pumwesto sa pinakaharapan.
"Shocks, sa harap na harap talaga tayo!"
"Abot-kamay na natin sila, sis!"
Sabay kaming nagtawanan sa mga sinabi namin.
"By the way, who's your bias?" I asked again.
"V. You?"
"Jungkook," sagot ko na tila kinikilig.
Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na pinakahihintay ng lahat.
Kaniya-kaniya kaming sigawan at may mga iba pang halos mahimatay na sa sobrang kilig.
"Waaaaaah, ang pogi!!!"
"Saranghae oppa!!!"
"Picture-an mo na dali!!!"
I took out my two Army Bomb Lightstick ring, and put it on my fingers. Sa pinsan ko ang isa pero pinahiram niya ito sa 'kin.
Nakita ko naman si Iela na inilabas ang kaniyang lightstick. Rich kid siguro ang babaeng 'to.
The group started singing that's why we sang our fanchant.
"Kim Namjoon!"
"Kim Seokjin!"
"Min Yoongi!"
"Jung Hoseok!"
"Park Jimin!"
"Kim Taehyung!"
"Jeon Jungkook!"
"BTS!"
I took my camera so I can take a video of them, memories din ito 'no!
Gano'n din si Iela sa tabi ko, minsan-minsa'y nakaharap sa 'ming dalawa ang camera at umaakto na tila nagpaparty-party.
Halos 'di na kumanta ang BTS, dahil kaming mga fans na mismo ang kumakanta para sa kanila.
Ang ilan sa kanila ay pumupunta sa VIP areas at kumakaway sa harapan ng fans.
Jin also directed toward our direction! I know and I saw it with my own eyes, he winked at me!!!
Talagang uulit-ulitin ko 'yon palagi rito sa camera ko.
"Sana all, beh!" giit ni Iela kaya natawa na lang ako.
"Sana all ka riyan? Nahawakan mo nga kamay ni Jhope, eh!" sabi ko naman.
Then suddenly Jungkook took off his polo, kaya shirt na lang ang natira sa kaniya.
Inikot-ikot niya ito ere na para bang ibabato papunta sa 'min, kaniya-kaniya namang tilian ang mga tao.
"Ano ba 'yan! Over here, Jungkook oppa!" sigaw ni Iela dahil 'di sa 'min banda nakaharap si Jungkook, kundi sa VIP Standing C.
Pero sa hindi inaasahang pangyayari, humarap siya sa direksiyon namin at binato ang polo.
Sakto namang inangat ko ang aking braso dahil sa pangangawit, nang biglang sumabit doon ang polo niya.
Agad ko naman iyong hinawakan nang mahigpit bago pa makuha ng iba, mabuti na lang at hindi na sila nakiagaw pa.
"Hala, sana all!"
"Sana all talaga!"
"Nakakailan na 'yang si ate girl, ha?"
Dinig kong sabi ng mga nasa likod namin, sana lang 'wag akong abangan ng mga 'to sa labas mamaya. Charot! Ang oa nang pakinggan, Miane.
"Today's your lucky day, huh?" Iela whispered, I just looked at her and shrugged.
Muli kong tinignan ang polo ni Jungkook at inamoy ito... Pero parang may mali.
"Ano 'to? Ba't amoy kulob na parang hindi nalabhan ng ilang araw?" giit ko nang may nararamdaman kong yumuyugyog sa 'kin.
Nilingon ko si Iela pero 'di siya ang yumugyugyog sa 'kin.
Palakas pa ito nang palakas nang makarinig ako ng sigaw.
"Miane Enna Llos! Gumising ka na riyan at maglalaba ka pa!"