08 | Twist

84 67 42
                                    

"May naisip na ba kayo?"

My blockmates and I are planning for our short skit. Kailangan naming gumaya ng isang tv show, but we need to make a twist.

Siguro 'di talaga mawawala ang ganitong activity, kahit hanggang sa College. Saka unang linggo pa lang naman ng klase, kaya ganito muna ang mga pinapagawa.

"Kung isang comedy show na lang kaya?" suhestiyon ng isa.

"'Wag 'yon, masiyado nang common."

"Ikaw Sana? What do you think?" tanong sa 'kin ni Kesha.

"What if let's think of a famous tv show pero 'di na pinapalabas ngayon?"

"Pwede, parang memories bring back memories bring back you," pakatang sagot naman ni Shun.

"Any suggestions, guys?" I asked them.

I have an idea in my mind, pero kung may mas maganda pa silang maiisip ay 'yon na lang.

"'Yong kay Raffy Tulfo? Though until now pinapalabas 'yon."

"How about one of the segments on Showtime?"

"Or Eat Bulaga?"

Kaniya-kaniya pa silang sagot nang biglang sumigaw si Ceri, "Alam ko na! Face to Face!"

Agad naman kaming sumang-ayon dahil alam naming lahat ang palabas na 'yon.

Bringing back the old days!

"Okay na ba 'yon, Sana?" tanong na naman ni sa 'kin ni Kesha.

"Bakit ba Sana?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Wala lang, short term sa name mong Alessana. 'Tsaka ayaw mo no'n? May kapangalan kang Twice member!"

Ngiting pilit na lang ang nasagot ko, kahit wala naman akong alam sa pinagsasabi niya.

"Actually, 'yan din ang naisip ko. So since agree naman ang lahat, let's talk about the roles," saad ko at tumango naman silang lahat. "The characters are Tiyang Amy, 'yong nagrereklamo at 'yong inirereklamo, B1 and B2, then the rest are audience."

Nagtaas ng kamay ang isa ko pang kagrupo at nagsalita, "May naisip ako sa pwedeng maging scene... Since this is just for fun, naisip ko na may dalawang babaeng nagrereklamo na pinagsabay sila ng isang lalaking 'boyfriend' daw nila. For the twist, syempre kayo na ang mag-iisip do'n."

"Hahaha ayos ka rin eh, 'no?" natatawang saad ni Ceri. "Pwede naman 'yon, pero sinu-sinong gaganap?"

"'Yong dalawang babae, sina Ceri at Kesha. Then si Shun 'yong irereklamo. Okay lang ba sa inyo?" tanong ko sa tatlo at pumayag naman sila.

"Madali lang naman!"

"Kaya 'yan kahit on the spot."

"Basta Shun, no hard feelings sa mga masasabi namin ha?" ani Ceri at natatawang tumango na lang ang lalaki.

"'Tapos ikaw na lang si Tiyang Amy, pero para sosyal Madame Ame na lang itatawag namin," sabi ni ng isa kong kagrupo.

"Hahaha sige, sige," natatawa kong sagot.

"Paano naman natin lalagyan ng twist 'yon?" tanong ni Shun.

"Ako nang bahala, leave it to Madame Ame," I said then flipped my hair, kaniya-kaniya naman silang mga reaksiyon.

"Time's up!" ani ng prof kaya bumalik kami sa 'ming mga pwesto.

Napuno ng tawanan ang silid habang nanonood kami sa bawat grupo.

Karamihan talaga ay nauuwi sa comedy ang twists, 'yong iba naman 'di lang talaga mapigilang matawa kahit seryoso 'yong kwento.

Kami ang huling magpe-perform, kaya no'ng tawagin ang aming grupo at agad kaming pumunta sa harapan at nag-pwesto ng mga upuan.

'Di muna ako pumwesto sa gitna dahil may mag-iintroduce muna sa akin.

"Harapin ang mga problema, Face to Face! At narito ang pinakahihintay nating si Madame Ame!"

Umugong ang sigawan ng audiences habang papunta ako sa gitna, maging ang iba ay naki-palakpak at sigaw na rin.

"Sa umagang ito ay hindi lang isa, kundi dalawa ang nagrereklamo! Inirereklamo nila ang isang lalaking 'di umano ay jowa daw nila, at pinagsasabay pa sila!"

I think I just sounded like Jessica Soho than Tiyang Amy. Pero bahala na, basta magawa ko lang nang maayos 'tong role ko.

"Akin pong tinatawag si Ceri para sa pula!"

Pumunta siya sa harapan at nagsigawan na namang ang audience.

"Pula, pula, pula! Pula, pula, pula!"

"At si Kesha naman para sa puti!"

"Puti, puti, puti! Puti, puti---Ohhhh!"

'Di na natapos ang sigawan nang biglang sugurin ni Kesha si Ceri. Gusto ko sanang matawa dahil sa gulat, pero tinawag ko na lang sina B1 at B2 para awatin ang dalawa.

"Ako ang unang girlfriend!"

"Hindi! Ako ang nauna."

Para matigil ang kanilang "away" ay tinawag ko ang nirereklamo nila.

Agad naman pumunta si Shun at siya naman ang sinugod ng dalawa.

"Akala ko ba ako lang?!"

"Ang kapal ng mukha mong magsabi na wala kang iba!"

Nakatanggap naman ng mga hampas at sabunot si Shun, pero sana naman 'wag nilang lakasan dahil acting lang naman 'to.

Muli kong tinawag sina B1 at B2 para awatin sila, at muling ibalik sa kani-kanilang pwesto.

May naisip na akong twist, pero no'ng may naalala ako kay Shun ay may naisip pa akong mas maganda.

"Sandali!" sigaw ko ngunit parang walang nakarinig.

Mas nilakasan ko ang aking sigaw at do'n na sila natauhan.

Tinuro ko si Shun at nagsalita, "Itong lalaking 'to? 'Yan 'yong pinag-aawayan niyo?"

"Yes, Madame! 'Kala mo kung sino!" sagot ni Kesha na sinang-ayunan ni Ceri.

"Jowa ko rin 'to, eh! So tatlo kaming pinagsasabay mo!" malakas kong sabi at ako naman ang sumugod sa kaniya.

"Hindi ka na talaga nahiya!" sigaw ko ulit at ako naman ang inaawat nila.

Bahagyang natawa ang lahat sa ginawa ko at ang pangalan ko naman ang isinigaw nila.

Agad namang gumitna ang isa kong kagrupo at nagsalita, "And that's all for the Group 3, hope you like it!"

The room is filled with shouting and cheering again, as the teacher said it was the unexpected twist among all the groups.

Imagination StationWhere stories live. Discover now