"Lumayo tayo sa kaniya, baka may COVID-19 'yan."
"Oo nga, chingchong pa naman."
"Kaya tayo nagkakaganito nang dahil sa kanila, eh."
Walang araw na hindi 'yan naririnig ni Shun tuwing nasa mga pampublikong lugar siya.
Siguro 'di na talaga natin maiiwasan ang mga gano'ng tao, ang manghusga kahit hindi naman alam ang totoo.
Hinahayaan na lang niya ito, kaysa naman paulit-ulit siyang magpaliwanag pero hindi naman siya papakinggan.
Yes, Shun Li is a half-Chinese and half-Filipino. He was even born and raised here in the Philippines, but it's not reasonable for the people to judge him.
"Hijo, darating na raw mamaya ang mga magulang mo," bungad sa kaniya ng kasambahay pagka-uwi niya.
He can't hide his excitement and asked if they are in good situation.
"Oo naman, hijo. Nagpa-test pa sila para lang masiguradong 'di sila mahahawa."
Tumango lang si Shun at nakangiti ng malaki habang papunta sa kwarto.
Three hours passed when he heard someone calling his name.
"Mom! Dad!" tawag niya sa mga kararating lang.
"We miss you too, son!" sambit ng kaniyang ama.
"Pero mamaya na tayo magyakapan, lalo na't galing pa kami sa labas," saad naman ng kaniyang ina.
Shun nodded because it's also for their safety.
He is really close to his parents, kahit na College na siya ay hindi siya nahihiyang yumakap sa mga ito at magpakita ng sweetness.
Nang matutulog na sila ay lumipat siya sa kwarto ng kaniyang magulang at tumabi sa kanila, pumwesto pa siya sa gitna.
His parents didn't scold him, but hugged him instead.
Natutuwa silang 'di pa rin nagbabago si Shun sa kanila, at sa tagal din nilang hindi nagkasama...
"What's up? Balita ko nandiyan na sila tito at tita, ah?" bungad ng pinsan niyang si Miane nang tumawag ito.
"Yes, they're inviting your family for a dinner later," he said.
"I know, nasabi na ni tita kaninang umaga. Of course we're going!"
"Alright, see you. Bye Miane!" paalam niya sa pinsan.
"It's Ate Miane! Okay see you too, Shunie."
And the dinner went great...
Napuno ng tawanan at iba't ibang usapan ang gabing iyon.
Nang matutulog na sila'y, tumabi ulit si Shun sa kaniyang mga magulang.
It's like a routine every night that will never change.
Ngunit makalipas ang ilang araw sa gano'ng ayos, ay dumating ang kinatatakutan nila...
Nagising si Shun na para bang may mahigpit na nakahawak sa kaniya.
Doon na siya naalarma nang makita ang kaniyang ama na nahihirapang huminga, ubo rin ito ng ubo.
Nagising na rin ang kaniyang ina at inilapat ang palad sa noo ng asawa, nakaramdam ito ng init.
"Shun, tawagan mo nga ang tito mo... Nang maihatid si Hedi sa ospital," utos ng kaniyang ina na dali-dali naman niyang sinunod.
Tinawagan nga niya ang kaniya tito. He's panicking that's why his uncle can't understand what he's saying..
Pinakalma pa siya nito bago nagsalita muli. Hindi na siya pinatapos dahil agad naman itong naintidihan at umalis na.