"That's all for today, class dismiss," our instructor said as she went out of our room.
Agad akong tumayo para ayusin ang mga gamit ko.
"'Di na muna ako sasabay sa inyo pauwi, may pupuntahan pa ako eh," paalam ko sa 'king mga kaibigan habang pababa kami ng hagdan.
"Sige, ingat ka Eine!"
"Ingat, bye!"
They bid their goodbyes and I just nodded and waved as we part ways.
Kinuha ko ang aking phone at tinawagan ang nakatatanda kong kapatid, "Hello, Kuya Aki?"
"Oh?" sagot nito.
"Hindi na muna ako uuwi agad, ah? Punta lang ako munang mall," paalam ko sa kaniya.
"Who's with you?"
"Ako lang."
"'Di mo kasama 'yong boyfriend mo?" tanong pa niya.
"Si Grae? Wala na kami no'n, Kuya," simple kong sagot.
"Parang wala lang sa 'yo, ah?" sarkastiko niyang giit at natawa na lang ako. "Sige, basta 'wag kang magpapagabi," dugtong pa niya.
"Thank you, Kuya Aki!"
"Wait, Eine," aniya nang papatayin ko na sana ang tawag.
"Bakit?"
"Dalawang milktea ha?"
Napairap na lang ako't natawa na rin, "Sabi na, eh! May kapalit 'yang pagpayag mo agad sa 'kin!"
"Hahaha gano'n talaga! Sige na, dalawang milktea at 'wag magpapagabi," muli niyang paalala.
"Yes Kuya! Bye na," sagot ko at tuluyan nang pinatay ang tawag.
Agad akong sumakay sa jeep na huminto sa harapan ko. Makaraan lamg ng sampung minuto ay nakarating na ako sa pupuntahan ko.
"Para po!" sabi ko at bumaba na ng jeep.
Nang makarating sa mall ay agad akong dumiretso sa mga boutique. Tumingin-tingin lang ako dahil hindi naman ito ang sadya ko.
Tinandaan ko na lang ang itsura ng damit na nagustuhan ko, para bilhin sa susunod na mga araw. Sana lang ay wala pang makabili no'n dahil iisa na lang.
Pagkalabas ng isang botique ay sumakay ako sa escalator para makapuntang 3rd floor.
Agad akong napangiti nang mapunta sa Timezone.
I really miss this arcade!
Agad akong pumunta sa isang machine para bumili ng tokens. Nang makakuha ay dumiretso ako sa mga video games.
Ito ang bonding naming magkakapatid, 'tapos 'yong tickets na mapapanalunan ay ipapalit namin sa chocolates o kahit anong pagkain.
Nang manalo ng dalawang beses sa nilalaro kong Tekken ay tumayo ako para maghanap ng bagong malalaro.
Nakita kong bakante ang Basketball kaya agad akong pumunta roon.
Kapag mga ganitong oras siguro ay wala pang masiyadong tao, at isa pa mahirap tiyempuhan na walang naglalaro dito sa basketball.
Naghulog ako ng dalawang token sa machine, at naghintay ng ilang segundo para makapaglaro.
Nasa gitna ako ng paglalaro nang maramdaman kong may naglalaro na rin sa tabi ko.
"You're good at playing basketball, huh?" aniya nang ma-game over kami pareho.
Tinignan ko siya, he's my schoolmate because he's wearing the uniform of our school.