Prologue

4.6K 117 56
                                    

❤❤❤❤❤

"Damn!!! Bakit ngayon pa na-flat yan?" Inis na inis na usal ni Alyanna sa driver/videographer niya sa Malaya T.V station kung saan siya isang field reporter.

Kasalukuyan silang nasa field that time sa Baguio City, kung saan sila nakabase.

May nakuha kasi siyang scoop kani kani lang na may nangyaring kidnapping sa main city ng Baguio kaya agad agad na silang nagtungo kung saan nagaganap ang negotiations between the authorities and the kidnapper but one of the kidnapper request ay paalisin siya at bigyan ng sasakyan, meron itong hawak na dalawang bata as his hostage and its between life and death ang eksena.

They suppose to follow that kidnapper dahil papaalis na ito lulan ang mga biktima ng sa kamalas malasang malas ay na-flat ang gulong ng sasakyan nila.

"Shit!!! Kailangan nating sundan yung kidnapper, Nelson. Bakit naman kasi hindi mo chineck kanina yang gulong na yan." Naiirita pa niyang satsat dito, napakamot lang ito ng ulo at iiling iling alam kasi nito ang ugali niya lalo pag naiirita ay walang siyang tigil sa pagratrat dito.

Aghhh!.. Her mind shouted dahil sa sobrang inis.

Pero bigla siyang nabuhayan ng loob ng mamataan ang isang pulis na papasakay sa motorsiklo at full gear na ito, handang handa na sa pakikipaghabulan kay kamatayan este sa kidnapper.

Walang salitang kinuha ni Alyanna ang maliit na camera at isinukbit sa balikat gamit ang backpack.

Bahala na! Sigaw ng utak niya at nagmamadaling tumakbo sa direksyon ng lalaking pulis na ngayon ay nagmamaniobra na ng motor nito, naisip niyang kakailanganin niya ng helmet dahil malalagot siya sa ama amahan pag umangkas siya ng motor without any protective gear.

Nadaanan niya ang isang motor na nakaparada at may nakasukbit na helmet, walang sabi sabi niyang kinuha iyon at isinuot. Mamaya na lang siya hihingi ng dispensa sa may ari. Sa isip isip niya.

Samantala....

Hunter is being pissed off already, kanina pa nila pinapakiusapan ang hayop na kidnapper ng dalawang bata pero ayaw nitong makipagkasundo at ang dami pa nitong demands at ang huli nga ay ang sasakyan na ang hiniling nito.

Sinabihan sila ng kanilang commander na hayaan munang makaalis ang kidnapper bago nila sundan, subalit kanina pa siya nanggigil na barilin sa ulo ang hinayupak na kidnapper kung hindi lang niya kailangang sumunod sa protocol.

He was hot-tempered especially pagdating sa mga ganitong bagay at dahil impatient na siya kakahintay ng order he dicided na magsariling sikap na lang.

He get his helmet at tinungo ang kinapaparadahan ng kanyang Ducati motorcycle at sumakay doon para sundan ang kidnapper.

He's about to start the engine ng out of nowhere ay may isang babaeng humarang sa harapan ng motor niya, the woman is wearing a helmet at may nakasukbit na backpack sa likod nito.

Napakunot noo si Hunter at tinignan ng matiim ang babae.

"Hey!! Get out on my way!" He exclaimed dahil parang wala itong balak umalis doon.

"Teka sir, sasama ako." Saad niyang nagmamadali nang gumawi sa likurang bahagi ng motor nito at umangkas ng walang sabi sabi.

Gulat na napabaling ang tingin ni Hunter sa babaeng nakaangkas na sa likod niya.

"What the fuck--" usal niya pero wala na siyang choice kundi paandarin ang motorsiklo dahil namataan niyang malayo na ang narating ng kidnapper at kailangan niya iyong mahabol.

The policeman instantly start the engine at muntik na siyang mahulog kung di niya naagapang kumapit sa baywang nito.

Masyadong mabilis magpatakbo ang lalaki at nakakatakot, para tuloy nasa action movie ang pakiramdam ni Alyanna that time dahil sa paghahabol nila sa kidnapper.

She tightly embrace her hands sa palibot ng baywang nitong napaka masculine, dahil natatakot siyang mahulog.

Nang maya maya pa ay malapit na nilang maabutan ang sinasakyan ng kidnapper.

"Hey you lady, do you know how to drive a motorcycle?" Malakas na tanong nito sa kanya.

Napapitlag siya ng bigla itong nagsalita.

"Y-yes but not this kind of motorcycle." Sagot niya at bigla siyang kinabahan. Wag nitong sabihing siya ang magmamaneho s motor nito? Tanong ng isip niya.

"Okay, give me your hand. You have to hold the steering wheel. I need to get my gun!" Saad nitong umurong sa harapan para maipwesto niya ang mga kamay para hawakan ang manibela.

Halos dikit na dikit sila dahil mistula niya itong yakap habang siya ang nagmaniobra ng manibela ng motor, she saw him took his gun ang point it to the wheel of the kidnappers car.

Papaputukan nito ang gulong ng sasakyan ng kidnapper para tumigil iyon sa pag andar.

At sobrang namangha si Alyanna sa husay nitong umasinta.

Pagputok ng baril nito ay siya namang paghinto ng sasakyan sa gitna mismo ng kalsada.

Dali daling inihinto nito ang motor at nagmamadaling bumaba.

Habang siya naman ay inihanda agad ang dalang camera at kinunan ang eksena.

Itinutok ni Hunter ang baril sa may pintuan ng sasakyan.

"Buksan mo kung ayaw mong paputukan ko yang ulo mo?!!!" Matapang niyang turan sa kidnapper.

"Papatayin ko ang dalawang batang toh ibaba mo yang baril mo!!!" Sigaw naman ng kidnapper na halatang kinakabahan na sa tono ng boses nito.

"Baka barilin niya yung mga bata." Tugon naman niyang kinakabahan dahil baka paputukan ng kidnapper ang hostage nito.

"Shut up! I know what Im doing!." Mahinang singhal nito, nagulantang tuloy siya sa sinabi nito. Ang sungit ha! Sigaw ng isip niya, Habang nasa likod siya nito at nakatutok ang camera paharap sa sasakyan ng kidnapper.

Alyanna hold her breath ng mistulang pipihitin ng lalaking pulis ang gatilyo ng baril.

"Jackson!! Hold it!" Biglang may sumigaw sa kabilang gawi ng sasakyan.

Nakasunod na pala ang grupo ng ama amahan niya na isa ring alagad ng batas at ito ang commanding general ng SAF sa Baguio.

So,? tauhan pala nito ang mayabang na pulis na ito.? Tanong ng isip niya.

"Shit!!! He's here." Narinig niyang sambit nito patungkol sa amahin.

Maya maya pa ay napalibutan na ng iba pang pulis ang sasakyan habang pangahas namang binasag ng lalaking kaangkas nya sa motor kanina ang windshield ng sasakyan at doon na nito agad hinampas ng baril nito ang kidnapper.

Dun na sinamantala ng pulis na napakagwapo pala dahil natanggal na nito ang helmet at nasilayan na niya ang mukha nito at halos malaglag nga ang panga niya nang makita ang kagwapuhan nito, he's the real definition of a hunk at makalaglag panty ang pagiging matikas, sabi nga nila oozing with sex appeal, binuksan nito ang pinto ng backseat para pakawalan ang dalawang bata.

At pagkatapos ay hinarap ang kidnapper at nakipagpambuno dito.
Magaling itong makipaglaban at para itong professional martial arts master kung umasta.

Bumagsak ang kidnapper na halos ay basag ang mukha at lahat iyon ay nakuhanan ng camera niya.

Pagkatapos ng kumusyong iyon ay dinala na ng mga pulis ang suspect habang nakaposas.

Di nagtagal dumating ang camera man niya.

"Nelson bilis i set up mo na ang camera at sasalang na ako."

Tugon niya dito saka mabilis na inayos ang sarili para maghanda sa pag i-spiel ng kanyang report.

At habang nag dedeliver siya ng balita ay namataan niya mula sa sulok ng mata niya ang lalaking tinawag ng amahin niyang Jackson na umangkas sa motor nito at pinaharurot iyon paalis sa lugar na iyon.

Love and Lie (Rampage Island) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon