Alyanna decided to went out into the building, alas dos na noon ng hapon at wala pa si Hunter malamang naglilibot din ito sa buong building na yun, inaaral na marahil nito ang pasikot sikot sa lugar na iyon.
Masyadong apurado, hindi man lang muna inenjoy ang napakagandang view, sabak agad. Sa isip isip niya habang naglalakad sa may hallway ng Demoirtel building.
Pagsakay sa elevator ay pinindot niya ang ground floor, gusto niyang magtungo sa tabing dagat at makalanghap ng sariwang hangin, sa luwang kasi ng establishenentong iyon ay malabong maikot niya ng isang buong araw, baka maligaw pa siya pag sinubukan niyang libutin iyon kaya sa labas na lang siya mamasyal.
Pagdating ni Alyanna sa labas ng gusali ay may namataan siyang mga nag uumpukan at mistulang may nagaganap na laro ng volleyball, she decided na maki usyoso.
Nagpapalakpakan pa ang mga naroong manonood, napadako ang tingin ni Alyanna sa tatlong babaeng nagbubulungan sa tapat niya,mga nakasuot ng uniporme sa casino ang mga ito, magaganda ang mga babaeng yun lalo na yung isa na may pagkainosente ang mukha. Naisip tuloy niya na siguro dahil sa kahirapan ng buhay kaya ito napasok doon.
Nang mabagot na siya sa panonood ay umalis na siya at naglakad lakad patungong dalampasigan, nagtanggal si Alyanna ng sandals and indulge her feet sa napakalambot at pinong pinong buhangin.
The air is fresh at ang sarap damhin niyon. May namataan siyang mga Villa sa di kalayuan malapit sa may light house. Nakakamangha talaga sa rangya ang lugar na ito. Sa isip isip niya.
Maya maya lang ay may namataan siyang isang grupo ng mga kalalakihan sa may yatch area, mukhang may kakaibang ginagawa ang mga ito roon kaya pasimple lang siyang nagmanman hanggang sa sumakay na ang mga ito sa naroong yate at umalis.
Hmp! Ang paranoid ko talaga. Bulong sa isip ni Alyanna at nagmamadaling bumalik sa silid na nakalaan sa kanila ni Hunter.
Baka nakabalik na ito roon, she thought.May ibinigay na access card si Tito Hugo sa kanya kaya madali na siyang makalabas pasok sa gusaling iyon. Pagpasok nya sa loob ng silid ay wala pa rin doon si Hunter kaya naman napagpasyahan niyang matulog na lamang muna since medyo napagod din siya sa byahe nila kanina.
Agad agad nakatulog si Alyanna sa napakalambot na kamang iyon.
******
Huling pinuntahan ni Hunter ang casino area, tiyak niyang naroon ang ilang mga taong involve sa pagpapatakbo ng mga illegal na gawain. He doesn't have enough proofs and evidences but for sure merong nangyayaring kakaiba sa lugar na ito. He thought.Nagmasid masid siya sa paligid ng casino Royale. At marami na doong mga parokyano na naglalaro.
May namataan si Hunter na isang lalaki, almost his height and built nakasuot ito ng pormal na kasuotan at may salamin sa mata.
Sa tingin niya ay nagmaman man din ito at hindi na iyon nakakapagtaka dahil may iba't ibang ahensya ng pribado at government agency ang nagpapadala ng tao para imbestigahan ang lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
Love and Lie (Rampage Island) Completed
RandomHe was living a perfect life with his parents in Ireland, he got everything in life, but there this one dream that he wanted to pursue, despite of the wealth his family have, Hunter is living an empty life. That's the reason why he decided to went...