Chapter 6

1.9K 81 61
                                    

Welcome to the Paradise!Rampage Island

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Welcome to the Paradise!
Rampage Island

The plane already landed on the Rampage Island at namataan na ni Hunter na naroon sa may runway ang grupo ni tito Hugo na siyang sumalubong sa kanila.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng Isla and smiled blatantly, napakaganda ng lugar na iyon at hindi mo aakalaing may mga nangyayaring kabalbalan sa likod ng kagandang masisilayan sa Islang yun.

"Hunter iho, welcome to Rampage Island!" Nakangiting salubong ni tito Hugo sa kanila, actually hindi nito alam ang tunay niyang sadya sa pagpunta sa Islang iyon ang alam lang kasi nito ay naroon siya for a luxurious vacation with his girlfriend at yun nga ay si Alyanna.

He doesn't want things to become complicated, kaya wala muna siyang sinabihan except sa mommy at daddy niya na alam ang totoo.

"Tito Hugo, how are you!" Ganting bati niya at sinalubong ito ng yakap.

Bumaling naman ang tingin nito kay Alyanna na mistulang hirap sa paghihila ng mga dala nitong maleta.

Tatlong maleta kasi ang dala dala nito, at mistulang dinala na ata  ang lahat ng laman ng aparador nito sa dami.

Natawa pa si Tito Hugo sa itsura ni Alyanna habang hindi magkandaugaga.

"Tulungan nyo si Ms. Leighton!" Utos ni tito Hugo sa dalawang alalay nito.
At agad naman nila itong dinaluhan.

"Ayos ka lang ba iha?" Natatawa pa ring tanong nito kay Alyanna.

Lumipad ang tingin ni Alyanna sa baklang kausap ni Hunter, at tama nga siya, ito yung kayakapan nito noon sa Demoirtel, iyong nakuhanan niya ng larawan. Ano kayang ginagawa ng matandang bakla na ito dito sa Isla? Tanong sa isip ni Alyanna.

"O-opo, salamat po sir este mam." Alanganing ngiting saad niya dito.

Napataas naman ang kilay ni Hugo, mukhang matalas din ang dila ng isang toh, he thought,
at bigla niyang naalala si Empress ang mommy ni Hunter. Para din kasi itong taklesa katulad ng babaeng ito.

Well kung sa mukha ay hindi din padadaig ang babae dahil napakaganda din nito, she is cute dahil maliit itong babae, about 5'3 he guess but her face is very expressive at habang matagal mo itong titigan ay mas lalong gumaganda.

"Okay Let's go, nakahanda na ang magiging silid nyo sa Demoirtel building."
Tugon ni Hugo at iginiya na sila papunta sa tutuluyan nilang kwarto.

Namangha si Alyanna nang tumambad sa kanya ang magiging silid nila, isa itong VIP suite at grabe sa luwang niyon.

Namangha si Alyanna nang tumambad sa kanya ang magiging silid nila, isa itong VIP suite at grabe sa luwang niyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love and Lie (Rampage Island) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon