Monthsary

551 15 0
                                    

Jackie's point of view:

*Kaparewho segment*
Ngayon naghihintay ako dito sa gilid dahil ay ibibigay ko yung dala ko kay Vice mamaya. Hinihintay ko lang tawagin ako ni Ate Anne. Maya maya ay.....

"Okay! Tawagin na natin ngayon si Ate Girl Jackie...Halika dito Ate Girl!" Sabi ni Ate Anne kaya pumunta na ako sa stage.

"Hi Jackie!"

"Hello Ate Anne"

"Anong dala mo para samin today?"

"Ang dala ko ay masarap na shake para sainyo.." Binigay ko ang juice nadala ko sakanya

"Anong shake to Ate Girl?" Tanong ni Ate Karylle

"Ang tawag sa shake na yan Ate K ay Mango Shake!"

"Masarap ba to Ate Girl?" Tanong naman ni Ate Anne

"Oo! Masarap yan"

"Talaga?" Tumango ako sakanila. Tinikman nila yung shake. "Mmm..Ansarap nga nitong shake nato...Very refreshing!" Sabi ni Ate Anne. "Itong isa naman...ano to?"

"Ito ay Juice para sa nakalimot"

"Huh..Para sa nakalimot" sabay na saad ni Ate K and Ate Anne.

"Hala? Sino yun nakalimot?" Tanong ni Kuya Jhong

"Yung bibigyan ko ng juice sa kabila"

"Bakit? Ano ba yung nakalimutan niya?"

"Hmm...Basta" Sagot ko na lamang

"Oh sige mukhang ayaw niya yata sabihin kung ano yung nakalimutan niya. Haha! Ibigay mo na dun sa nakalimot Ate Girl" Sabi at utos ni Ate Anne. Kaya pumunta nako sa kabilang dako.

Kung nagtataka kayo kung ano ang nakalimot niya ay yung Monthsary namin ngayon. Nakakatampo dahil nakalimutan niya kung anong araw ngayon. Hindi manlang siya nag-greet at hindi niya ako masyado pinapansin kaya nakakalungkot.

Pagkapunta ko sa kabila ay hinintay ko si Vice magsalita.

"Hello Jackie"

"Hi Vice" Medyo cold kong bati sakanya.

"Hala...ba't ang parang cold mo today ngayon sakin Jackie?" Hay nako.

"Wala..." sagot ko nalang sakanya

"Kanina...narinig ko yung juice na yan ay para sa nakalimot. Bakit?"

"Baka sakaling maalala niya kung anong meron ngayon sa araw na to..."

"Ano ba kasi yun Jaki?" Tanong ni Kuya Vhong na medyo natatawa.

"Secret po haha..bahala siya diyan"

"Bakit yan yung dinala mo sakin Jackie ko?" Sus.

"Para maalala mo yung nakalimutan mo"

Vice's point of view:

Hopia Stories of ViceJackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon