Free to vote & comment!
Jackie Gonzaga's point of view:
*ring~ring~ring~ring~*
"Hello?" Pag-sagot ko sa tawag.
["Jackie!"]
"Ano yun, Vice?"
["Sorry, Jackie...Hindi muna ako makakapunta diyan sa bahay mo."] Malungkot niyang sabi.
"Ha? Bakit naman?"
["May pupuntahan kasi ako. Tapos may shooting pa mamaya para sa Network ko."] Medyo nalungkot ako pero wala ako magagawa eh.
"Sige..Okay lang!"
["Talaga? Di ka magtatampo?"]
"Hindi noh! Ba't ako magtatampo?" Kunwaring hindi ako nagtatampo.
["Hindi eh, nagtatampo ka ih!"]
"Hindi ah!" Sabi ko. Medyo nakaramdam ako ng pangingilo. "Sige na, Vice. Kailangan mo na yata gawin yung mga gawain mo ngayon. Bye!"
["Jacki-"] Binaba ko na agad ang telepono at pumunta sa banyo.
Nagsuka ako bigla. After ko makaramdam ng pangingilo ay nasusuka ako.
"Ah, shet. Ang sakit parin ng ulo ko." Kumuha ako ng gamot dun sa cabinet ko. Hay...buti nalang may natira pang gamot.
Kumuha muna ako ng tubig at ininom ang gamot.
...
"Lagot tayo! Sumakit ang ulo~" Pakanta-kanta kong sabi habang papunta sa kwarto ko.
Pagkapunta ko ay agad akong nahiga at kinuha ang cellphone ko.
"Saridon, saridon, saridon~! Hmmm....para ako nag-crecrave." Napakagat ako sa labi. "Gusto ko ng....."
"Gourmet Tuyo with Garlic."
San kaya pwede makabili nun???
Nagpost sa IG Story ko at nagtanong kung saan nakakabili nun. Naghintay-hintay ako hanggang sa may sumagot. Tinignan ko to.
@praybeytbenjamin replied to your story
Ako nalang bibili! ❤️😘
Napangiti nalang ako kahit nagtatampo ako sakanya ay mahina parin ako sa ganyan. Nang-susuyo yata ang bakla. Hehehe, may gagawin ako..
@jackiegirlg
Geh.
I replied to him. Nyehehehe! Pakipot lang tayo slight. Tampo-tampo.
@praybeytbenjamin
Baby Girl naman ih! 🥺
Nagreply ako sakanya.
@jackiegirlg
Bilhan mo na ako, padala mo na!!!
@praybeytbenjamin
Opo madam!
Napatawa nalang ako. Langya talaga yang kabayo.
May nagrepost ng Story ko kaya tinignan ko to. May nakalagay na...
Naglilihi ka mameh? Cheret! @jackiegirlg
Wait a second....
Kung nakakaramdam ako ng pangigilo at pagsusuka tapos nagcre-crave pa ako.....
![](https://img.wattpad.com/cover/228823892-288-k254963.jpg)
BINABASA MO ANG
Hopia Stories of ViceJack
FanficThe HSVJ (One-Shot Collection) | On-going One shots about hopias, kilig moments, and more! Hopia love it.