Ang Perya

196 16 0
                                    

Jackie's point of view:

Pumunta kami nila Madc and Melvie sa Bulacan. Meron kasi kaming event dito. Rumaket kami hehe. Gumala lang muna kami dito sa Bulacan. Kinabukasan pa kasi ang event kaya gala muna kami. Kung nagtataka kayo kung bakit maaga kaming pumunta dito, dahil may rehearsals pa kami. Tsaka, para di na rin malate!

"Huy! Sa'n naman tayo pupunta?" Tanong ni Melvie kay Madc.

"Meron daw malapit na perya dito! Punta tayo dun." Sagot ni Madc.

"Ah sige! Mukha ngang masaya dun." Agad naman kaming pumunta sa perya.

Mga ilang oras, ay narating narin namin ang destinasyon.

"Nasan nga pala ang bilihan ng Ticket?" Tanong ni Melvie. Medyo marami-rami ang tao dito. Kaya hindi namin makita. Patuloy parin kami sa paghahanap nung bigla ko nakita.

Ayun!

Malapit siya sa may entrance. Tinuro ko naman sa mga kasama ko ang bilihan. Pumunta kami doon.

"Ilang tickets po?" Tanong ni Kuya. Siya yung cashier.

"Ah, tatlo po." Sabi ko. Binigyan kami ng tatlong ticket. Binayaran na namin yun at pumunta na sa entrance. Napansin ko nga pala ang pangalan ng Perya.

Perya Wurtzbach. The happiest place in the world. The universe rather.

Napaka witty naman ang nag-isip nun.

Pumasok na kami. Pansin ko iilan-ilan alang ang mga tao. Siguro malapit na mag-close. Bahala na enjoy na namin to! Sumakay sakay kami sa iba't-ibang rides. Sobrang saya kahit papano.

"Guys, kain muna tayo. Gutom na ako!" Sabi ni Melvie.

"Ako rin! Tara bili tayo." Yaya ni Madc.

"Bilhan nyo nalang ako. May titignan lang ako." Sabi ko.

"Ah, sige. Meet tayo dito mamaya." Tumango ako kay Madc. Umalis naman na sila. Naiwan na ako ditong mag-isa.

Tumingin ako sa paligid ko. Nakita ko ang isang Ferris Wheel.

Gusto kong sumakay dun!

Para akong batang excited na pumunta dun. Pinakita ko ang ticket ko sa nag-hahandle. Ewan? Tawag dun. Hahaha, basta.

Sumakay na ako sa Ferris Wheel. Umandar naman na ito.

Hay! Ang gandaa!

Kitang-kita kasi ang buong perya. Napakaganda nito.

Tumingin pa ako sa paligid. Nakakita ako ng carousel. Naalala ko nanaman siya.

Hayst. I miss you!

Patuloy pa rin ang pag-ikot ng Ferris Wheel nang bigla itong tumigil.

"AHHHHHHHH!"

Nasa taas pa naman ako. Muntik na akong mahulog. Buti nalang at napakapit ko sa hawakan. Hindi kasi ito yung parang bagong mga Ferris Wheel. Hindi siya yung pabilog.

"Tulong!" Sigaw ko. Meron mga tao ang nakatingin sakin. Tumatawag rin sila ng tulong. Kinakabahan ako. Ilang sandali na lamang ay baka mabitawan ko na ang hawakan.

Halos mabitawan ko na ang hawakan.

Mamatay na ako!

Pinikit ko ang aking mga mata. Nabitawan ko na ang hawakan nung biglang...




May humawak sa kamay ko!




Tinignan ko ang itsura at laking gulat ko na ang taong kinakapitan ko ngayon ay si




Hopia Stories of ViceJackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon