It's still not the end

311 22 11
                                        

Jackie's point fo view:

"Kung hindi pa happy, ibig sabihin hindi pa ending."

"Hindi ko po alam ang sasabihin ko sainyo. Hindi ko po talaga alam na...na para akong nanginginig na hindi ko alam basta...alam ko lang na malungkot na malungkot ako ngayon."

"Mahalaga ito saakin. Buhay natin ito."

- Vice Ganda

Dahil sa mga narinig kong yun galing sakanya ay kusang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil. I'm shaking and sobbing right now. I don't know what do right now. Hindi ko na alam. I want to go there and comfort him. I really need to go there.

Nagbihis ako at pumunta na sa sasakyan. Kailangan kong puntahan si Vice. Alam kong ayaw niya akong lumabas pero I need to comfort him right now. Sinuot ko na ang face shield at face mask ko. After kong mag-park ay agad akong bumaba. Pansin ko ang daming tulala at umiiyak sa gilid ng kalsada.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang daming nawalan ng trabaho. Paano na ang pamilya nila? Ano nang mangyayari?

Puno ng awa at sakit ang nararamdaman ko, para sa mga tao ngayon. Agad kong hinanap si Vice. Nasaan ka ba? Nakita ko si Kuys Teddy na sa tabi ng gate ng building. Kasama niya sila Ion, ngunit wala si Vice.

"Kuys Teddy!" Pagtawag ko sakanya.

"Oh, Jackie?" Nagulat siya ng konti. Pansin ko ang mugto ng mga mata niya.

"Nasaan po si Vice? Ba't hindi niyo po siya kasama?"

"Nandoon siya sa tabi, sa loob. Dun sa may gate. Ang sabi niya gusto niya muna mapag-isa." Sumagot si Ion.

"Pero mukhang kailangan ka niya ngayon." Sabi naman ni Kuya Teddy.

"Sige po. Salamat."

Agad ko siyang pinuntahan. Pumasok ako sa gate. Lumakad ako sa loob at inikot ko ang paningin ko. Nakita ko na siya. Nakaupo lang siya nakatulala. He looked at the skies, while he held his hands. Labis akong nasasaktan para sakanya.

Agad ako lumapit.

"Vice!" Lumapit ako sakanya. Lumingon siya sakin

"Jackie?" Napatayo siya agad. Tumulo lahat ng luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya agad ko siyang niyakap. Niyakap niya rin ako at pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"J-Jackie." Narinig ko ang paghikbi niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. T-tuluyan ng nawala."

"A-alam ko. Ang sakit pero kailangan natin kayanin" Sabi ko habang humihikbi. "Balang raw, babangon ulit tayo. Babalik rin tayo"

Hinigpitan niya ang pagyakap niya saakin. Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak niya. Mas lalo akong nasaktan. Agad kong hinaplos ang kanyang likod upang kalmahin.

Mga ilang sandali ay kumalas na kami sa yakap namin ng isa't isa.

"Uwi na tayo?" Tanong ko sakanya dahil napansin kong nag-gagabi na at kailangan na niya mag-pahinga. Tumango naman siya sakin. "Dala ko naman ang kotse ko kaya't sakin ka nalang sumabay muna. Pauwi muna lang sa driver mo ang dala mong kotse." Tumango ulit siya. After nun ay tumawag siya sa driver niya.

"Manong. Ikaw muna ang bahala sa kotse na dala natin ngayon. Kasama ko si Jackie ngayon. Pakisabay nalang si Ion pauwi sa bahay, salamat." Sabi niya kay manong sa phone. "Tara na." Lumakad na kami.

Nagpaalam muna siya sa mga kasamahan niya bago umalis. Nakakaiyak tignan ang mga kasaman niya at yung iba. Sobrang lungkot ng mga itsura nila. Pagkarating namin ng kotse, ay agad na kami sumakay. Si Vice ang magda-drive pauwi. Sobrang tahimik ang biyaheng yun. Kung dati puro saya at tawanan. Ngayon, napalitan ng lungkot at malalim na pagiisip.

Ilang oras nakalipas, ay narating nanamin ang bahay. Bumaba naagad kami ng kotse. Wala saamin makapagsalita. Hindi kami makapag-usap, dala na rin siguro ng emosyon.

Pumasok na kami sa bahay, I turned on the lights. Sobrang tahimik ng bahay. Pati ang mga kasamahan namin dito ay hindi makapagsalita. Sobrang lungkot. Pumunta na kami sa taas upang makapag-palit ng damit. Mas-nauna ako nakapagpalit, kaya ako rin ang unang bumaba.

"Ma'am Jackie. Ready na po ang dinner." Sabi ni Manang, ang isa sa mga kasambahay ni Vice.

"Sige po Manang." Agad na ako pumunta sa dining room. Napansin ko na nandoon ang ilan sa mga Team Vice. Umupo na ako dun. Nung nakita nila ako, ay ngumiti naman sila ngunit may lungkot sa kanilang mga mata. Umupo na ako sa upuan. Hindi pa kami kumakain dahil hinihintay pa namin si Vice. Mga ilang minuto, ay dumating na rin siya. Nakayuko lang siya at matamlay gumalaw. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Kumain na tayo." Walang ka gana-gana na utos niya. Kumain na ang lahat. Wala manlang nagsalita.

Ilang minuto nakalipas, ay puro bulungan lang naririnig ko. Nagulat nalang ako nung biglang tumayo si Vice. Pati ang mga bakla ay napatingin at napatigil sa pag-uusap.

"I'm sorry. Sige, kain lang kayo." Umalis na siya. Napansin ko na hindi niya pa naubos ang kanyang pagkain, kahit kalahati manlang. Tinapos ko muna ang pagkain ko, bago ako sumunod sakanya. Pumunta na ako sa kwarto niya. Triny kong buksan ang pinto ngunit naka-lock. Kumatok ako.

"Vice. Please open the door." Pag-uutos ko sakanya. "Vice?" Mga ilang sandali, ay sa wakas na buksan na rin ang pinto. Pumasok na ako sa loob. Nakita ko nakaharang ang unan sakanyang mukha. "Vice...tanggalin mo ang unan sa mukha mo. It's okay." Nasanay na rin ako naganito siya minsan pag malungkot. Hinaharang niya ang unan para hindi makuta ang malungkot at mugto ng mga mata niya. "Please?"

Tinanggal niya naman ang unan. Kitang-kita pa rin ang lungkot. Pumunta siya sa higaan at umupo. Tumabi naman ako sakanya. Nakayuko lang siya. I just hugged him tight, to let him know that I'm always here kahit ano pa mangyari. Humikbi nanaman siya at nanginginig.

"Jackie. Hindi...h-hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong mangyayari. Paano na yung i-iba...Yung mga pamilya nila?" Tumulo rin ang luha ko.

"Hindi ko man alam ang manyayari....pero alam ko na may dahilan lahat ng ito. Let's believe in God. In some point, it will come back and everybody will be okay. Malalampasan natin to" Pagco-comfort ko sakanya.

"Thank you Jackie. Hindi mo ako pinapabayaan. I love you."

"Thank you rin, dahil nandiyan ka rin para sakin. I love you too." He kissed my forehead.

"I know we fell, but someday we will rise again. Let's just believe because...."





"It's still not the end." I said.

...

———————————————————————————
Author's note:

Hi guys. I know some of you are sad about what happened, kahit ako nalungkot. Naluluha ako habang nagsusulat ako. I feel pain and sadness. Nakakalungkot nga na second One Shot Story ko pa lang to, ganito ka sad. But, I know there's a reason for what's happening. Let's just believe in God. Kapit lang at laban lang. Sabi nga ni Vice "Kung hindi pa happy, ibig sabihin hindi pa ending."

Laban kapamilya! ❤️💚💙

Let's just pray and stay safe!

Hopia Stories of ViceJackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon