Network

249 13 2
                                    

Paalala: Lahat ng mga sinabi, ginawa, at landian dito ng ViceJack ay galing sa aking ideya lamang. Hindi ito konektado sa mga totoong pangyayari ngayon. Puro to landian, kahopia-an, harutan to the max, at iba pa! Kaya pasok mga suki. Charot!

Hindi ko rin ito ininirekumenda sa mga taong bitter. Joke! Read-read ka lang.

Good-vibes lamang toh. Try lang kita pasayahin o pakiligin!

Vice's point of view:

Mga ilang oras nalang ay malapit na kami mag-live sa aking Digital Network. Sobrang excited na ako. Hopefully, sana success na to. Aba day! Nag-Crash Landing on You ang network nung nakaraan. Sabay-sabay kasi ang mga Madlang People and Little Ponies ko. Yan tuloy hindi makapasok. Virgin pa yata ang mahiwagang website. Di kinaya kasi ang laki----, charr!

"Mwah!" May nag-kiss sa cheeks ko. Tinakpan ko ang isang pisngi ko kung saan niya kiniss.

"Ano ba Jackie, masisira ang feslak ko!" Reklamo ko sa asawa ko. Hindi pa pala kami kasal. Basta may Future Wife ko na yan kahit di pa kami engage. Hehehe!

"Huh, bakit?" Naka-pout niyang sabi.

Buti nalang cute to at syempre mahal ko. hihihi! Oh diba? Parang kabayo ako?

Congrats sa naka-gets ng sinabi ko.

"Baka masira ang foundation ko. Tsaka, diba social distancing tayo? Oh edi bawal."

"Social-social distancing ka pa diyan. Nung isang gabi, wala yan sa bokabularyo mo yan." Bigla ko tuloy naalala yun. Namula tuloy ako.

"Hala siya oh! Namumula siya, yiee. Tsaka ayaw mo yun goodluck kiss?" Sabi niya pa.

"Ikaw talaga...ang landi-landi mo." Pagbibiro ko at hinampas siya na pabiro.

"Sus, ayaw mo lang aminin na kinilig ka. HAHAHA!"

"Ihhhhh!" Kinikilig kong sabi. "Parang nakuha mo na ugali ko ah?"

"Ganun talaga! Eh, nasanay na ako sa ugali mo."

"Aba't parang kasalanan ko pa." Sabi ko. "Dahil ikaw ang nagpapakilig, feeling ko ako yung babae. Hihihi!"

"Sa mukha mo pa naman...Mas makapal pa ang eye-shadow mo kesa make-up ko." Pang-aasar niya.

"Hindi ko alam kung papuri yan o talagang nang-aasar ka."

"Pero maganda ka namang kabayo." Sinamaan ko siya ng tingin. "Unicorn nalang! Kaso gwapo ka parin sa paningin ko kahit naka-make up ka." Napangiti akong nakakaloko sa kanya.

"Ah talaga? Kaya ka pala nainlab sakin." Pang-aasar ko.

"Huwaw, assuming ka nanaman!"

"Bakit, hindi ba totoo?" Tanong ko.

"Huy, mahal pa rin kita kahit maging pangit ka."

"Ah talaga?" Tumango naman siya. "Hug mo nga ako!" Utos ko.

"Ayaw ko! Diba sabi mo social distancing, edi bawal."

"Ihhh dali na! Joke lang yun."

"Sige nga." Niyakap niya naman ako. "Di lang kita matiis."

"Aminin mo nalang kasi marupok ka."

"Ay grabe! Anong akala mo, di ka marupok?"

"Wala naman akong sinabi...Pero, hindi mo talaga kaya ang pagiging charming ko sayo." Naka-smirk kong sabi.

Hopia Stories of ViceJackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon