Selos si Hairmana

310 15 7
                                    

Vice Ganda's point of view:

Nandito ako sa Dressing Room ko. Kasi wala lang, bakit ba? Chozz! Hindi nandito ako-I mean kami pala, kasama si Jackie. Dahil may pasok kami. Tapos na kanina yung live namin, magte-taping kami for next week. Kaya tamabay muna kami ngayon dito.

"Uuuuy! Bays...Bati na tayo." Sabi ni Jackie.

"Hmp!"

"Cute cute mo! Wag na magselos. Si Madc lang kausap ko kahapon." Sabi niya pa kaso di ko pinansin. Sinuyo niya parin ako ng sinuyo.

(A: Ba't ka ba nagseselos Biseral?)

Eh kasi naman!

*Flashback*

"Sino yang kausap mo Jackie?" Pagtatanong ko kay Jackie. Meron kasi siyang ka-chat yata sa phone?

Istorbo yang kausap niya! Huhuhu!

"Basta." Tipid niyang sagot.

"Jackieeeeeeeeeeeeeeeeee!"

"Hano?" Napanguso nalamang ako.

"Sino ba kasi yang kausap mo?" Sabi ko habang naka cross-arms.

"Wala nga....Baket ba?"

"Eh kasi namaaan eeeh! Istorbo!" Pagrereklamo ko.

"Saan?" Nagtatakang tanong niya.

"Yung alam mo na! Labing labi———HARUY!" Binatohan niya ako. "Nananaket ka nanaman! Huhuhu!"

"Ikaw, talaga! Puro ka kalokohan. At tsaka nakahirit ka naman kahapo ah!"

"Kulang pa yuuun." Nag-pout pa ako. "Baka....may iba ka na. Hmp!" Humiga ako at tumalikod sakanya.

"Huy! Wala akong iba!" Sabi niya.

"Balakadiyan!" Pinikit ko na ang aking mga mata. Nakatulog na pala ako nun.

*End of flashback*

Sinuyo ng sinuyo parin ako ni Jackie.

"Uyy pansinin mo na ako.." Malungkot na sabi ni Jackie.

"Yaw ko sayo..."

"Ha?"

"Yaw ko sayo..." Pag dradrama ko pa.

"Ah, so ayaw mo na sakin? Oh edi bahala ka diyan!" Umalis siya sa tabi ko. Bigla ako tumayo.

"Huy, nagbibiro lang ako!"

"Tss!" Lumabas siya ng Dressing Room. Susundan ko sana siya kaso pinigilan ako ng mga bakla.

"Me! Magte-taping na." Sabi ni Bonita. Sumimangot naman ako.

"Yan kasi. Drama pa more!" Pang-aasar ni Buern. Binatukan ko siya.

...

Hindi ko na nakausap si Jackie dahil nga kailangan na pumunta sa studio para mag taping.

Kakatapos lang ng Theme Song kanina. Kaya nag chichikahan na kami ngayon. Kanina kasi pinaguusapan namin ang mga shows and chuchu tapos bigla napunta sa usapang Ice Cream.

"Alam niyo nakakamiss kasi sa New Normal. Diba dati diba? Aminin niyo pag masarap yung Ice Cream, papangasin mo (Dilaan o kainin yata yan. Basta, ewan ko! Hahaha.) Tapos i-aalok mo. Tapos pwede kang umano—ngayon...syempre no no sa New Normal. Di pwede, nakatakot. Unless, a-alcoholin mo muna yung Ice cream. Yun ika namatay mo, na lason ka naman bigla." Pagkwekwento ko. "Naabutan mo ba yun, Jackie?" Tanong ko sa mahal ko. (A: Ehem ehem!) Ano nanaman otor? (A: Ah eh mahal?) Uu, alam mo otor..? Panira ka talaga. Tsk! (A: Hahaha-hamster! Sorna.) Tse!

Hopia Stories of ViceJackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon