JG on MAS-Testing

275 17 7
                                    

Binase ko to sa pagsali ni Ate Girl sa MAS-Testing. Yung ibang mga scenes dito ay hindi talaga nangyari mismo. Syempre kailangan ibahin konti hihihi!

Kung may suggestions kayo, comment niyo lang or message me!

Free to vote and comment.

Jackie Gonzaga's point of view:

"Halaaaaa! Ayaw ko maging tumpak-tracer sa MAS Testing!" Sabi ni Vice na parang bata. Nagtawanan lamang ang management, kahit ako natatawa eh. "Tawang tawa, Jackie? Happy ka diyan?" Humagalpak ako ng tawa.

"Ba't ba ayaw mo?" Tanong ko.

"Ehhh! Ako yung main host diba, so dapat hindi ako. Diba direk!?! Direk naman eh." Nakanguso niyang reklamo kay direk. Tawa parin sila ng tawa. Hangkyut-kyut kasi eh!

"Sige pagbibigyan ka namin...Pero next time, kasali ka na." Tumango naman na parang bata si Vice.

"So sino pa ang Tracer, direk?" Tanong ko.

"Ikaw..."

.
.
.
.
.

"Ah oka———HUH BAKET PO AKO?!?" Si Vice naman ang humagalpak ng tawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Eh ayaw ni Vice eh. Kaya ikaw nalang!" Sabi ni Direk. "Tsaka nga pala. Pag nagkamali ka ng sagot, may Funishment diba? So yung iba dun galing sa management. Dapat kasi kay Vice talaga yun eh..Wala eh! So yung iba kay Vice na mismo galing hehe."

"Grabe Vice ah, tuwang tuwa ka diyan?" Nag-peace sign siya sakin. "Pag ikaw naging Tumpak Tracer. Ako mismo ang iisip kung anong Funishment para sayo." Tumawa sila Direk. "Pwede po ba Direk?" Tumango naman si Direk. Nakanguso nanaman si Vice. Maghanda ka talaga!

...

Nasa segment na kami na MAS Testing. Syempre ako yung Tumpak Tracer ngayon gaya ng sabi ni Direk kanina.

"Araw-araw ay may itatalaga ang aking kagawaran ng kasiyahan o DOH, ng isang Tumpak Tracer. Para tumulong makakuha ng tumpak na datos sa MAS Testing." Pagbasa ni Vice sa spiel niya. "Para sa araw na to, ay ang katauhan na yang ang babaeng sumubok na lumapit sa aking puso. Nagtagumpay naman siya. Walang iba kundi si..Ate-ate Girl Jackie!"

"Jackie!" Pagtawag ni Kuya Vhong sakin. Kaya napatigil ako sumayaw.

"Hi Kuya Vhong...Hi Vice!" Pagbati ko kay Kuya Vhong at yung kabayo ko.

"Dance!" Utos ng Reyna. Cheret!

Sumayaw naman ako. Trip talaga ng baklang to pagudin ako. Joke! Kailangan talaga. HAHAHA!

"Parang walang kaba naman si Jackie." Kuya Vhong.

"Oo walang kaba...Tignan natin mamaya." Sabi ni Vice. Nagpakita pa siya ng nakakalokong ngiti. Naku! Mukhang may plano ang bakla na to.

"Walang kaba? Wala?" Tanong ni Kuya Vhong.

"Meron, jusko!" Sagot ko.

"Bakit?"

"Paano naman kasi. Dapat hindi talaga ako, eh kaso yung baklang yan..." Tumawa naman sila.

"Sino ba dapat ngayon?"

"Yung kabayo!" Pang-aasar ko.

"Ay, grabe maka-kabayo ka diyan!" Sabi ni Vice.

"Totoo naman eh. HAHAHA!"

Hopia Stories of ViceJackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon