Mae Claire POV
Nagising ako kasi parang may nakadagan na mabigat sa dibdib ko. Pagmulat ng aking mga mata nakita ko itong bestfriend ko na nakayakap sakin tinitigan ko ang kanyang buong mukha,napaka ganda talaga ng babaeng to. Mahahabang pilik mata, matangos na ilong at labing hindi ko alam ilan na kayang lalaki-
"Bakit mo ko tinititigan? My gosh don't tell me na attract ka sa ganda ko no? Gusto mo ko halikan?" biglang mulat ng kaibigan ko may pa shock effect pa
Bigla ko syang pinalo sa noo
"Bubita ka, walang hiya ka talaga, nakaka inis ka!!!!!!" patuloy ko paring hampas sa kanya
"Hahahahaha. sorry na sis, aray!!! tama na. aray ko" hiyaw nito
Patuloy ko parin syang pinapalo kung hindi lang sana sumakit yung tyan ko hindi ko talaga sya titigilan sa kakahampas
"Ok, tama na enough!!" sigaw nya na nasaktan talaga sa ginawa ko
"Alam mo ba yung ginawa mo kagabie huh? Alam mong buntis ako at naglasing ka pa talaga sa bar na yun. Kung hindi ako tinatawagan ng bartender at ipinaalam sakin na lasing na lasing kang babae ka ano na kayang nangyari sayo huh? Sagutin mo ko Lailanie???" tuloy tuloy kong sabi sa kanya
"Fine, I'm sorry, Claire, I'm so sorry" hagulgol niyang iyak
Naguluhan ako sa inakto nya at bigla syang napaiyak at niyakap ako ng sobrang higpit hindi ko alam ang aking sasabihin kaya niyakap ko na lang din sya at hinintay na matapos sa kakaiyak
"Lailanie? may problema ka ba? sabihin mo naman sakin oh kaibigan mo ko" pag-aalo ko sa kanya
"Claire! nagmahal ako pero sa maling tao pa talaga!" sabay tulo ng kanyang luha
Pinunasan ko na lang ang kanyang mga luha na patuloy parin sa pag-uunahan na dumadaloy sa kanyang magandang mukha
"Hindi kita pipilitin na sabihin sakin yang problema mo o sino man yang lalaking minahal mo alam ko Lai na kakayanin mo lahat ng problema mo" sabi ko sa kanya
"Claire! Salamat ah kasi hindi mo ko pinilit na malaman yung problema ko" sabi nya
"Ano ka ba matanda ka na kaya alam mo na yung tama at mali. Nandito lng ako sa likod mo pwede mo kong sandalan kahit anong oras" makangiti kong sabi sa kanya
Tinanguan nya lang ako at tuloy-tuloy ang lakad palabas sa kwarto ko.. Alam kong sa kusina lang yun pupunta nya kasi narinig ko na naman ang tunog ng mga nahulog na takip ng mga kaldero. Naghahanap na naman yun ng makakain.
Tumayo nalamang ako sa aking higaan at lalabas na sana ako sa kwarto ng biglang sumakit ang aking tyan. Napakapit ako sa pintuan at napasigaw
"Aray kooooo!!!" sobrang lakas kung sigaw
Alam kong nabulabog ko si Lailanie sa ginagawa nya at narinig ko rin na parang may natumba na kung ewan papalapit sa kinalalagyan ko
"Anong nangyari?" natatarantang tanong nya
Nakita ko syang hawak hawak ang tuhod parang nadapa siguro sya kasi namumula ang kanyang tuhod.
"Ang sakit ng tyan ko!!!" napaiyak na ako sa sobrang sakit
Nang biglang tumunog ang aking cellphone ipinakuha ko kay Lailanie at ipinasagot sa kanya ang tumatawag..
"Hello... nandito sya at namimilipit na sa sakit ng kanyang tyan hindi ko nga alam ang gagawin ko" napasigaw na ito
"Kung pumunta ka na lang kaya dito at ng matulungan akong dalhin si Claire sa hospital kasi parang mangangak na ata ito eh" natatarantang sabi nya
"Tang-ina bilisan mo" galit nitong sigaw sa kausap
BINABASA MO ANG
You're Mine
RomansaNagsimula sa maling pangyayari. Pagnanasang sobrang labis ang nagdulot ng pagbabago sa kanyang pag-ibig. Masidhing galit na kailanman hindi mawawaglit, pagtataksil, kasinungalingan at maling panahon. Sila'y mag-iisang muli sa pagbabalik. "If you're...