Chapter III

3 2 0
                                    

Charlie's Darling Chapter III
;RistyaKarin
~°~

Mabilis na natapos kumain sila Charily habang kami naman ay naghintay pa muna ng ilang minuto bago naisipang umalis, nagpatunaw pa ng kinain at kaunting sermon mula sa mga magulang dahil sa pagtatalo namin ni Shanaia na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinikibo.

"Shan." Naka-halukipkip ang mga braso nito at paulit ulit akong iniirapan bago bumaba ng kotse.

"Shan, matanda na yon. Tapos may girlfriend na. Tsaka bata ka pa." Masuyong sabi ko sa kaniya habang paulit ulit na kinakalabit.

"Kuya, hindi nako bata! Dalaga nako! Kaya ko na ngang gumawa ng bata e!" Pinanlakihan ko siya ng mata habang siya naman ay ngumuso.

"Shanaia! Kinse ka pa lang!"

"Alam ko, hindi ko naman gusto 'yon e! Ikaw lang ang nagsabi! Nakakahiya kaya don sa tao at sa girlfriend nya!" Namumula na siya sa galit.

"Okay, hindi mo na gusto. Pero Shanaia anong sabi mong kaya mo ng gumawa ng bata ha?!" Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Joke lang, kuya." Ngumiti siya sa akin saka yumakap. Pinitik ko ang noo nito.

"Wag kang magbo-boyfriend agad ha! Pag nalaman kong nag-boyfriend ka bubugbugin ko 'yon!" Sabi ko saka siya kinutusan ng mahina.

"Eh, ba't ikaw?! Nung grade seven ka may girlfriend ka na agad ah!" Humalukipkip na naman itong muli.

"Eh, lalaki naman ako."

"Hmp!" Sabi niya pagkatapos ay inirapan na naman ako ng paulit ulit.

Dumiretso na ako sa aking kwarto saka hinanda ang tuxedo. Kailangan kasi doon ay naka-tux sa mga lalaki habang sa mga babae naman ay naka-gown. Parang laging may party. Pero nagbubukas lang ang Casino na 'yon tuwing linggo ng alas-sais ng gabi hanggang alas tres ng umaga. Hindi naman siguro sila malulugi don kase bukod sa maraming napunta ay mahal din ang entrance. Kung maglalaro ka naman ay may bayad din. Pero ang bar na nasa taas ng casino ay araw araw. Hindi na talaga lugi.

"Mommy, pupunta akong elite casino." Sabi ko pagkababa ko. Ngayon ko lang sinabi kung kailan bihis na ako upang payagan agad ako.

"May magagawa pa ba ako? Eh, bihis ka na." Sabi nito at inirapan ako. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Agad naman akong umalis dahil baka ma-bawi pa.

~°~

"Raise to ten."

"Raise to one hundred." Sabi ko saka naglagay ng nga chips sa gitna.

Royal flush ang hawak kong baraha kaya malakas ang loob kong tumaya ng malaki. Isa-isa na nilang pinakita ang kanilang baraha at gaya ng insasahan ko, panalo ako. Kinuha ko lahat ng chips na nasa gitna.

"Mikolai, bat di moko inantay sa labas? Sabi ko sabay tayong pumasok e!" Sabi ni Pierro saka ako binatukan.

"Wala ka kayang sinabi." Sabi ko saka bumawi.

"Meron, bobo. Nag-text ako sayo, tanga." Sabi niya saka ulit ako binatukan. Sasagot na sana ako ngunit biglang tumayo lahat ng naka-upo na nakapalibot sa table namin at humarap sa akin.

Charlie's DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon