Charlie's Darling Chapter I
;RistyaKarin
~°~"Alam mo ba, girl, nayayamot nako sa Charily na yan."
"Ano ka ba girl, hindi lang ikaw."
"Sino bang hindi, halos lahat nalang ng boys may gusto sa kanya."
"Napa-pansin ko nga pati boyfriend ko laging naka-tingin sa kanya e. Hmp!"
The talk of the town, Charily, again. Maliban saken, laging siya ang laman ng usapan dito sa campus.
"Buti nalang hindi siya nagugustuhan ni Mikolai."
"Ay nako, girl. Pag si Mikolai ang nagka-gusto sa kanya talagang kakalbuhin ko siya!"
My phone beep and vibrated. Dinukot ko sa bulsa ko ang aking cellphone.
Baby:
Baby, mamaya ha?Mikolai:
Sure, babyBaby:
Wag mo kakalimutan ha! Magtatampo ako sayo kapag kinalimutan mo!Mikolai:
Opo, I love youuu!Baby:
I love you too!Hindi na ako nag-reply pa at binalik na ang aking cellphone sa aking bulsa. Magkikita kami ng current girlfriend ko mamayang uwian sa locker room.
Hindi ko na pinansin pa ang mga babaeng nasa unahan ko at tumingin na lamang sa bintana habang naghihintay ng susunod na teacher.
"Si Charily may kaaway na naman sa labas!"
"Ano ka ba, boy. Hindi naman nauubusan ng kaaway yon."
Sikat siya hindi dahil maganda siya, kundi dahil madami siyang kaaway. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagkakaroon ng kaaway yon e, wala naman yong pakealam sa mundo. Hindi siya makikialam kung hindi talaga siya kasali.
Naalala ko pa nga nung nakaraang buwan, may binubully na estudyante yung mga walang magawa sa buhay na mga 'it' girls. Tapos nakita ko siyang dadaan e, nakaharang sa daan yung mga bully na 'yon. Lumakad siya sa gitna, akala ko ay makikisali siya, 'yon pala dadaan lang. Tsk. Wala ding kwenta.
Lumabas halos lahat ang aking mga kaklase habang ako ay patuloy na nakatingin sa bintana, pinagiisipan kung makikisali rin ba ako. 'Wag nalang. For sure may kukuha na naman ng video niya at iu-upload sa website ng school. Hanga na nga ako sa babaeng 'yon e. I heard scholar siya dito, nakakapagtaka lang na sa dami nang naka-away niya, hindi pa rin siya napapatalsik dito. Ang alam ko pa ay sobrang higpit ng school sa mga scholar.
BINABASA MO ANG
Charlie's Darling
RandomSabi ko sa sarili ko, lalayuan ko na siya para hindi madamay sa mga away niya. Pero bakit nakikita ko nalang yung sarili kong laging kasama siya? ★|★|★ Copyright © 2020 RistyaKarin