Chapter VIII

3 2 0
                                    

Wawers. I'm so proud of myself for reaching this chapter. Usually kase Chapter 1 to 5 lang yung nasusulat ko whahahaha!

I hope you've reached this chapter too :'>

Charlie's Darling Chapter VIII
;RistyaKarin

Nang makaalis sila Charily pumasok na agad kami sa resto at nag-take out nalang. Balak naming sa condo ko nalang kumain.

We're on our way to my condo, mabilis naman kaming nakarating dahil nga malapit lang ito sa Expresso. Pwede pa ngang lakarin e. Bago ako bumaba ng kotse, kinuha ko muna ang papel na naglalaman ng sulat kung saang floor ang condo ko. Nauna na silang naglakad papuntang elevator na parang alam nila kung saan sila pupunta. Ako ang huling pumasok sa elevator, nang humarap ako ay saktong sila Charily naman ang papasok. Agad naman niyang pinindot kung saang floor siya pupunta, hindi ko na nakita pa dahil natatakpan ito ng katawan niya. Pagkatapos niyang pumindot ay ako naman ang sumunod.

"Sinusundan mo ba ako, ha?" Kunot noong tanong ko dito.

"Men, 'kami' dapat. Kasama mo kaya kami." Sinamaan ko ng tingin si Leon.

"Feeling mo naman ikaw lang sinundan." Sabi ni Pierro.

Tiningnan ako ni Charily habang nakataas ang isa niyang kilay at nakahalukipkip ang mga braso pagkatapos ay pinasadahan ang aking katawan hanggang paa bago bumalik sa aking mukha.

Wow. Galing mag-head to toe!

"Feeling n'yo naman sinundan namin kayo." Sabi nung kasamang babae ni Charily saka humalakhak ng malakas, kung tama ang pagkakatanda ko Francialyn ang pangalan niya.

"Ano palang ginagawa niya dito?" Si Pierre na nakatingin kay Francialyn.

"Dito ang condo nito!" Hyper na hyper ito habang naka-akbay kay Charily ang isang braso at nakaturo sa mukha ni Charily.

Hindi na ako muling nagsalita pa. Hindi ko inaasahan na ang schoolar na si Charily ay nakatira sa isang ekslusibong condo. Nakakapagtaka. Anong klaseng trabaho ang meron siya at na-afford niya ang ganitong klaseng condo? Napakalaking palaisipan. Baka naman bigay din ng sponsor niya? Ang alam ko kapag scholar ay binibigyan ng allowance ng school. Minsan pa ay nagkakaroon ng sponsor ang isang schoolar kung magugustuhan siya ng isang bigtime. Baka naman may sugar daddy siya na nagbibigay ng mga luho niya kapalit ang katawan niya?

Agad akong napailing sa naisip kong iyon. Wala sa itsura ni Charily ang ganoong klase ng babae. Hindi ko namalayang bumukas na pala ang elevator at lumabas sila Charily. Napakunot ang aking noo,

"Dito din ang floor mo?" Takang tanong ko kay Charily. Ngunit sahalip na siya ang sumagot, si Francialyn ang nagsalita.

"Ay hindi! Dun pa kami sa susunod na floor. Tumigil lang kami dito para hagdan na ang gagamitin namin papunta don!" Tiningnan ko siya ng masama habang si Pierre naman ay tumatawa ng walang humpay.

Hindi ko na siya pinansin pa at naglakad upang hanapin ang condo ko. Nang nahanap ko na, agad ko namang kinuha ang susi sa aking bulsa. Napasulyap ako kila Charily na dumiretso sa paglalakad.

"Akin na nga, bro. Ang bagal mo!" Inagaw sa akin ni Pierro ang susi.

"May sinisilayan kasi, Men." Si Leon na sumunod kay Pierro pagpasok. Napatingin ako kay Pierre na ngiting-ngiti na nakatingin kay Francialyn kahit na nakatalikod ito sa amin. Tumigil sila, limang condo unit ang pagitan mula sa condo ko ngunit sa kabilang side.

"Yun yung babaeng naligaw tas pinautang nya ng pera nung bakasyon." Narinig kong sabi ni Pierro kay Leon.

Hindi na ako nag-abala pang tingnan sila Charily at pumasok narin habang batak si Pierre dahil mukhang wala siyang balak pumasok at gusto pang panoorin ang pag-sara ng pinto.

Charlie's DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon