Charlie's Darling Chapter X
;RistyaKarin
★|★|★Halos lahat sila ay nakatingin sa akin kaya naman nagpatay malisya nalamang ako at nagsimulang kumain ng pigil ang ngiti.
"Wala sa menu ang seafood ah." Si Rasp.
"Ba't sa kanya seafood?" Si Niño.
"Nagrereklamo pa kayo e libre na nga yan. Ang mahal kaya niyan. Lahat 'yan ay bente-sinko pero itong seafood ang pinaka-mura. Tagbebente lang." Paliwanag ni Charily na itinuro pa ang pagkaing hawak ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil akin lamang ang naiiba o maiinis sapagkat akin ang pinakamura. Gusto ko siyang tingnan ng masama ngunit maisip kong libre ito at wala ako sa sarili kong teritoryo. Baka mamaya ay awayin ako nito kapag nagreklamo ako. War freak pa naman 'to.
"Mahal na 'yon? Twenty-five pesos lang naman." Si Blue.
"Kung pagsasama-samahin mo lahat ng kinain nyo ay mahal. Hundred!" Sagot ni Charily kay Blue na hindi na siya pinansin. Famous amp. Tahimik lamang kumakain ng muling magsalita si Charily
"Ano palang kailangan nyo?"
"Ano... Pwede bang makahingi ng maiinom?" Si Pierro na parang nahihiya pa. Natatawa ako sa aking naiisip sapagkat para siyang isang babaeng karakter sa isang anime na pinagdidikit ang dalawang hintuturo kapag nahihiya. Potek.
"Yun lang kelangan nyo? Wala bang tubig kila Yami ko—lai?" Sabi nito bago muling tumalikod.
"Yami?" Paguulit ko kung tama ang pandinig ko.
"Mikolai." Kunot ang kanyang noo na tumingin sa akin bago muling tumalikod at kumuha ng pitong baso ng tubig na may kasama pang isang cup noodles, marahil ay para sa kanya.
"Ba't sayo jjampong?" Pinapanood ko siya habang sumusubo. Mayroon pang tunog ang kanyang pagkain.
"Bakit? Gusto mo ba?" Sabi niya bago humigop ng sabaw.
"Pwede ba?"
"Sige. Palit tayo." Tiningnan ko muna ang laman ng cup noodles ko bago iabot sa kanya, mabuti nalamang at may kalahati pang laman.
Nagsimula akong kumain ng may kumalabit sa aking balikat.
"Oh?" Sabi ko kay Pierre.
"Papalit din, pre. Di pa ako nakakatikim ng ganyan e." Sabi nito na pilit inaabot sa akin ang kanyang cup noodles na kakaunti na ang laman.
"Makakabusog ba yang laman nang sayo? Kakaunti na yan e!" Sabi ko bago muling sumubo at humigop ng sabaw.
"Damot." Ngumuso pa ito na akala mo naman ay ikina-cute niya.
"Ano...Charily? Diba?" Si Pierro. Marahil ay sasabihin na kung anong pakay namin dito.
"Hmm. Ganda nalang." Tumango tango pa si Charily.
"Ganda daw pwe!" Umakto pa akong parang nasusuka ngunit tiningnan niya lang ako ng masama.
"Ipinapabalik pala ng aming reyna yung sasakyan." Sabi ni Pierro habang inaabot ang susi ngunit sinulyapan lang yon ni Charily at hindi tinanggap.
"Bakit? Gusto mo ba ng bago? Hindi naman bago yung kotse na nasira ko ah. Tsaka mas mahal yung pinalit ko dun sa pagong nyong sasakyan kahit second hand na 'yon. Muka pang bago ha." Tuloy tuloy na sabi ni Charily.
"Ayaw ni Mommy tanggapin, akala niya binili namin ni Pierre. Kaya pinagalitan kami." Kakamot kamot pa ng batok si Pierro na parang nahihiya. Tsk. Pacute din 'tong isang 'to e.
BINABASA MO ANG
Charlie's Darling
RandomSabi ko sa sarili ko, lalayuan ko na siya para hindi madamay sa mga away niya. Pero bakit nakikita ko nalang yung sarili kong laging kasama siya? ★|★|★ Copyright © 2020 RistyaKarin