Charlie's Darling Chapter IV
;RistyaKarin
~•~Lunes na ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang laro na 'yon. Iniisip ko kung paano niyang nalaman ang nickname na 'yon. At paano na ang pustahan namin. Hindi naman ako yung klase ng lalaki na hindi tumutupad sa usapan. At nakakainis dahil hindi klaro ang mangyayari sa pustahan namin, kung hanggang kailan ba 'yon valid at kung anong dapat kong gawin.
Pumunta muna ako ng comfort room bago pumasok sa klase. Pagpasok ko ay nagkataong nandoon din si Exequiel, yung varsity captain. Hindi ko na siya pinansin pa at umihi na lang. Papalabas na sana ako ng comfort room para pumunta sa classroom ng biglang may humalik sa akin.
"Baby, i miss you." Sabi niya habang yakap ako.
"Miss, may klase pa ako." Sabi ko ng bahagya siyang tinutulak.
"Baby, please. Come back to me." Nangingilid na ang luha niya.
"Miss, pasensya na. Hindi kita kilala." Sabi ko saka siya tinalikuran saka sinimulang maglakad papasok sa room.
Dumating ako doon ng wala pa ang subject teacher kaya naman naupo nalamang ako sa aking upuan at nagmuni-muni. Kinuha ko mula sa ilalim ng desk ko ang aking libro upang magbasa basa at para hindi na ako makinig sa klase mamaya. Bubuklatin ko na sana ito ng mapanisin kong may nakasipit ditong sobreng kulay itim na agad ko namang kinuha at binuksan. Kulay itim na papel habang kulay puting gel pen naman ang ginamit na panulat dito.
I hate PDA. So please, don't kiss girls. Specially in public.
-Charlie.
Muli kong ibinalik ang papel sa sobre at nilagay ito sa aking bag. What does she mean when she said to bet our lives? I'm so confused. At sobrang pinagsisisihan ko na sumangayon ako sa pustahang 'yon. Parang slave pala ang mangyayari sa akin nito. Hays.
"Miss, anong kailangan mo?" Sabi ni Sir Suarez na hindi ko namalayang dumating na pala na nakatingin sa may pintuan kaya lahat kami ay napatingin din don.
"Sir, napalipat po ako dito." Si Charily pala.
"Ah. Ikaw pala yung lilipat. Pasok ka na. And please, introduce yourself." Ani Sir Suarez, teacher naman sa isa sa mga minor subject namin.
"Charily is my name." Sabi niya at medyo yumuko pagkatapos ay tumingin kay Sir. "Can i take my seat now?"
"Yes, sure. Ikaw na bahalang pumili kung saan mo gustong umupo." Parang ansarap suntukin ni Sir. Iisa lang naman ang bakanteng upuan, at sa tabi ko yon pagkatapos ay papipiliin niya pa. As if she have a choice.
"Hays." Natapik ko ang noo ko. Katabi ko na nga siya sa major subject hanggang sa mga minor subject ba naman kaklase ko pa siya. Ang bawat classroom kase ay halo halo ang mga course o strand and track, kaya kapag major subject na ay saka lang kami lumilipat ng room dahil ang mga minor subject naman namin ay magkakatulad lang. Ang gara nga, hindi kagaya ng ibang school na sa strand and track binabase ang bawat section.
"Get one whole sheet of pad paper."
Buti nalang at nakapagbasa ako kanina kung hindi ay zero sana ang makukuha ko. Napalingon ako kay Charily na nakatingin sa akin.
"Ano? Wala ka na namang papel?" Tanong ko sa kanya.
"Meron na." Sabi niya at pinakita pa sa akin ang nakabalot sa plastic na papel.
BINABASA MO ANG
Charlie's Darling
RandomSabi ko sa sarili ko, lalayuan ko na siya para hindi madamay sa mga away niya. Pero bakit nakikita ko nalang yung sarili kong laging kasama siya? ★|★|★ Copyright © 2020 RistyaKarin