Chapter XI

10 1 0
                                    

Charlie's Darling Chapter XI
;RistyaKarin
★|★|★

Naging tahimik ang ilang araw ko dahil walang tropa na laging nangugulo, walang Charlie na nagpapadala sa akin ng sulat at lalong walang Charily na laging pumapasok sa isip ko. Minsan lang pala, hindi lagi ha!

Ngunit heto, at may panibago na namang pang-gulo. Kani-kanina'y tinawag ako ni Mommy dahil may nagpadala daw ng sulat. Sino pa ba? Syempre si Charlie na makaluma. Pwede naman siyang tumawag o mag-chat ngunit hindi! Mas gusto nya ata talaga ang ganitong paraan. Padaan daan sa sulat, pasipit-sipit pa sa libro ngunit ngayon ay bago. Hindi na nakasipit sa kung saan kundi mismong delivery man ang nagdala sa mismong bahay namin. Ngunit ang kulay ng sobre at sulat ay ganoon padin, kulay itim at gold na lining ang nasa sobre ngunit kulay puting panulat naman ang kaniyang ginamit para sa mismong sulat na sinabing ang magiging unang task ko ay maging escort nya sa sa Elite Casino. Sugalera ata ang babaeng 'yon. Tsaka nasaan ba yung jowa no'n na babaero?!

Muli kong binasa ang sulat upang tinggan kung kailan at kung anong kulay ng suit ang aking susu pagkatapos ay muling ibinalik sa sobra at nilagay sa isang drawer na may lock, lahat ng sulat na galing sa Charlie na 'yon ay nakalagay doon. So far, tatatlo palang naman. Dinampot ko ang kulay itim kong phone na nakalagay sa ibabaw ng lamesa sa aking kwarto.

Sabado daw ng alas siete gagawin ang first task ko at dahil Thursday na ngayon hindi na ako makakapagpatahi pa ng damit kaya oorder na lang ako. Pumunta ako sa site ng Canali at umorder ng isang Canali Blue Wool Suit. Kulay asul na tie ang pinili ko dahil kulay asul daw ang kanyang isusuot. Dadating daw ito sa sabado ng umaga. Hindi na ako umorder pa ng sapatos dahil marami naman akong tambak dito.

Habang nagbabayad through online biglang nag-pop up ang GC namin na papalit-palit ang pangalan.

Blue sent a photo.


Picture ito ni Leon na nakasuot ng puting formal attire. Stolen shot ito at mukang kuha sa bahay nila Blue at Rasp.

Blueberry:
Tangina mo, @Leon! Kapatid ko pala yung liligawan mo gago!

Blueberry:
Tangina talaga. Tas sakin ka pa nanghingi ng advice, gago ka

Niño:
Kaya pala ang aga umuwi, manliligaw na pala ang ulaga hahahahahahahs

Rasp:
Kukwento ko sa inyo hahahahhaha

Mikolai pogi:

Gege

Quio:
Tagal naman.

Pierro:
Update nyo nalang kami kung ano na nangyayari jan.

Rasp:
Kingina, si Leon may dalang bulaklak pagpasok tas kay Mommy binigay. Ang galit ni Daddy e hahahahaha akala e si Mommy ang liligawan ni Leon

Rasp:
Wait wait may sesend akong vid hahahahaha buti nalang nakunan ko sakto nagvvlog ako e HAHAHAHAHA

Rasp sent a video.


Dali dali kong binuksan ang video dahil sa pagkaintriga.

"Eto nga pala yung ate ko na pinaka maganda sa lahat ng aming magkakapatid, alam nyo kung baket? Kase siya lang yung nagiisang babae hahahahahaha in short, panget siya!" Tumatawang sabi ni Rasp na nakatutok ang Camera kay Cherie. Ilang minuto pa silang nagkulitan ng may biglang magdoorbell, si Leon na siguro. Natigil sila ngunit ang pagrerecord ay hindi sa halip ay itinutok pa nito sa dumating na bisita.

Pinagbuksan nila Tita si Leon. Na may tapat palang ng pinto si Leon ay agad na itong nagsalita.

"Manliligaw po ako!" Parang pasigaw na sabi pa nito habang inaabot ang isang bouquet ng bulaklak sa nanay nila Blue. Marahil ay sa sobrang kaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Charlie's DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon