Charlie's Darling Chapter VI
;RistyaKarin
~•~Halos magdadalawang linggo na ang nakakalipas mula ng mapatawag kami sa principal's office. At sa loob ng mga araw na 'yon ay hindi ko na nakita pa si Charily. Nakakapagtaka na ni isa sa mga teacher namin ay walang nagtanong tungkol sa kanya. Kagaya ngayon ay maghapon ding wala si Charily. Last subject na namin at hindi na ako umaasang papasok pa siya ngayong hapon. Parang abnormal naman 'yon kung papasok pa siya kung kelan last subject na at malapit ng mag-uwian.
Pumasok ang substitute teacher namin dahil nag-leave si Ma'am Suarez, yung asawa ni Sir Suarez, dahil buntis ito.
"Martinez?"
"Present!"
"Merilla?"
Walang sumagot.
"Where is Charlotte?" Tanong ulit nito. Sino 'yon?
"Ah, Ma'am hindi daw po makakapasok si Charily. Nakapagbigay naman daw po siya ng excuse letter, sa principal niya na daw po binigay." Sabi ni Owa, yung president namin. So, si Charily pala ang tinutukoy ni Ma'am na Charlotte?
"Alam nyo ba kung bakit hindi siya makakapasok?"
"Nag-text po siya sa akin, sabi niya ay aasikasuhin niya daw po yung trabaho niya." Sagot ulit ni Owa
Textmate na sila? Edi wow.
Natapos ang klase namin ng wala akong naiintindihan. Tanging ang nasa isip ko lang ay kung bakit kailangan pa nilang maging textmate kung nagbigay na pala si Charily ng excuse sa principal. Paraparaan din 'yong si Charily e.
I heard my phone beep. Agad ko itong kinuha sa aking bulsa.
Daddy:
Check your condo laterrrr. I already put the key inside your bag.Naka-kunot ang noo kong nagtype ng reply.
Mikolai:
Why po?Daddy:
Well, may mga gamit na don. Damit mo nalang ang kailangan mong dalhin don.Mikolai:
Ba't di nyo pa sinama?Daddy:
Aba! Pasalamat ka nga't tinulungan kita.Hindi na ako nagreply pa at naghanap ng susi sa bag ko. Inilabas ko ang lahat ng notebook ko, may nakita akong keychain, Si Zoro ng One piece. Agad ko naman itong kinuha, nakakabit dito ang susing nababalutan ng papel. Binalik ko na ang gamit ko sa bag saka lumabas.
Binuksan ko ang papel, nakasulat dito kung anong floor at room number ng condo ko.
Habang naglalakad palabas ng school naisipan kong tumawag sa group chat namin ng mga kaibigan ko. Kung sino nag sumagot 'yon nalang ang yayayain kong sumama sa akin sa condo. Tampuhin kasi 'yung mga yon. Kapag hindi na-aya sa lakad, hindi namamansin. Kailangan pang suyuin. At sobrang hirap manuyo, akala mo babae. Ilang araw na hindi mamamansin.
"Wazzup, men." Si Leon palang ang sumasagot.
"Sama ka?" Tanong ko sa kanya.
"San, men?"
"Sa pagtanda." Sabi ko saka humalakhak. Nasa may waiting shed na ako sa labas ng school namin.
"Gago amputa."
BINABASA MO ANG
Charlie's Darling
AcakSabi ko sa sarili ko, lalayuan ko na siya para hindi madamay sa mga away niya. Pero bakit nakikita ko nalang yung sarili kong laging kasama siya? ★|★|★ Copyright © 2020 RistyaKarin