Chapter IX

4 1 0
                                    

Charlie's Darling Chapter IX
;RistyaKarin

"Kuya, wake up! You're late na."

Itinulak ko si Shan ng marahan bago inalis sa aking mukha ang unan na idinidiin niya.

"Papatayin mo ba'ko?!" Inis na singhal ko sa kanya.

"Grabe ka naman saken, Kuya. Syempre hindi, ang hirap mo kayang gisingin. Niyugyog na kita't lahat-lahat, tulog ka parin!"

Ako pa talaga ang grabe? Eh, halos patayin nya na nga ako! Ba't ba ako napapalibutan ng ganitong klase ng mga tao? Kagabi, halos buhusan ako ng tubig nung kambal ngayon namam halos mamatay ako dahil tinakpan naman ng magaling kong kapatid ang mukha ko.

"What time is it?" Kinapa ko ang aking muka upang tanggalin ang muta, kung meron man.

"7:15."

Maaga pa. 7:30 pa naman ang klase.

"Umalis ka na nga. Agang-aga e."

15 minutes bago magsimula ang klase. Mabagal ako maligo. Malayo rin ang bahay namin sa school so... hindi na talaga ako aabot sa klase.  Kahit naman bilisan ko ang kilos ko, late parin ako  ba't ako magmamadali diba? Pag-late na late na! Wag na pilitin.

Umupo ako sa kubeta pagkatapos ay humalumbaba saka ipinikit ang aking mata. Limang minuto lang, promise.

Lumipas ang ilang saglit, akin nang iminulat ang aking mata pagkatapos ay tumayo mula sa pagkakaupo sa kubeta at nagtungo sa lababo upang maghilamos.

Lumabas ako at tiningnan ang oras sa aking cellphone.

WHAT THE F?! 8:07? Five minutes lang ako umupo sa kubeta tas 8:07 na agad?!

Late na naman ako e. Mamayang break nalang ako papasok. Hays.

Bumaba ako sa aming kusina, kakain muna ako bago maligo.

"Oh? Ngayon ka palang bumangon?" Si Mommy.

"Morning din, 'My. Wala daw po ata kaming first subject."

May 'ata' yon ha.

"Oh, siya. Kumain ka na."

Umupo ako sa pwesto ko pagkatapos ay sinumulan ng kumain. Pagkatapos ay muling umakyat at ginawa ang mga dapat kong gawin.

★|★|★

"Hi, Mikolai."

"Good Morning, handsome."

"Hi, fafa!"

Mapa-babae't bakla ay binabati ako ngunit ni isa sa kanila ay wala akong tinugon.

"Mikolai, Can I be your next girlfriend? I noticed kase na this past few weeks wala ka pang nagiging karelasyon. Baka tayo talaga para sa isa't-isa!" 

Napaisip ako sa sinabi ng kung sinong-mang babae na 'yon. I realized, it's not because of the bet. It's because I just don't feel like having a girlfriend. Nagiging wirdo na'ko.

Nasa second floor nako at napansin ko na may pinagkakaguluhan ang aking mga kaklase sa labas ng aming room.

"Seriously? Wanted: Home?  What the fuck?! Wala man lang ka-effort effort yang art mo! Art ba yan? Tsaka hindi ko alam na ganon ka pala kahirap para mawalan ng bahay. Kung alam ko lang edi sana binigyan pa kita ng isa."

Nakisilip ako't napansin kong may mga naka-display na mga artworks sa pader. Art class pala namin kanina. Ang galing naman ng teacher na 'yon. Kung kelan wala ako saka naman siya nag-klase!

Charlie's DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon