Chapter VI

3 2 0
                                    

Charlie's Darling Chapter VI
;RistyaKarin

"Oh, siya. Tara na sa office at baka kanina pa naghihintay ang principal." Tumalikod na ang nanay ni Charily pati ang boyfriend nito. Susunod na sana si Charily ng mapansin nito na ako ay nanatiling nakatayo.

"Ikaw? Hindi ka ba sasabay? Kasali ka diba?" Tiningna ko siya ng masama habang tumigil sa paghakbang ang dalawa. Hindi naman ako makakasali kung hindi nya ako hinila palabas ng classroom!

"Hinihintay ko pa si Mommy."

"Ah. Okay. Bye." Kumaway pa ito sa akin bago tumalikod.

My phone beeped. It's my mom informing me that she is already there at the office. Sayang pala effort kong pumunta don kanina. Pero ayos din, nakita ko yung 2×2 picture ni Charily. By thinking of that, i want to burst out laughing.

"Oh, hijo? Akala ko ay hihintayin mo pa ang mommy mo?" Sabi ng nanay ni Charily ng mapansin nitong nakasunod ako sa kanila.

"Nag-text po sakin si Mommy, nauna na daw po siya sa principal's office."

"Sya, sumabay ka na sa amin at doon rin naman ang aming pupuntahan." Nginitian ko na lamang ang nanay ni Charily.

Pagkapasok naman sa office ay wala pa doona ang magulang ng dalawang lalaking nang-harass ngunit nandoon na ang babaeng kanilang hinarass.

"Miss," lumapit ang nanay nung babae kay Charily pagkatapos ay hinawakan ang kanyang kamay. "Salamat sayo, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para masuklian ang pagtulong mo sa anak ko."

"Hijo, salamat din sayo." Aking kamay naman ang kanyang hinawakan. "Kung may kailangan kayo o kung dumating man ang panahon na kailanganin nyo ng tulong, lumapit kayo sa akin at hindi ako magdadalawang isip na tulungan kayo." Sensirong sabi nito. Kinuha nito ang wallet mula sa bag saka kumuha ng dalawang calling card at inabot sa amin ni Charily. "Here is my calling card. Please, call me when you need anything."

"Misis, lahat naman po siguro ng makakakita ng kahayupang ginagawa sa anak niyo ay hindi magdadalawang isip na tulungan siya." Sabi ni Charily.

"Hindi mo rin masasabi, hija." Hindi na umimik pa si Charily.

Napalingon ang lahat ng bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang lalaki. Nakakamangha na mahinahong humarap sa kanila ang nanay nung babae. Ilang minuto lamang ay pumasok na ang principal.

"Good afternoon." Bati nito.

"Good afternoon, Sir."

"Sir, kailangan ba talagang ipatawag si Nanay? As far, as i remember, tinulungan lang namin yung babae. Hindi kami ang nang-harass." Sabi ni Charily.

"Yes, since kasangkot kayo sa gulo. At isa pa, nag-cutting classes ka. Same as you, Mr.–?" Lumingon sa akin ang principal.

"Cabrera." Sabi ko.

"Mr. Cabrera." Pagtutuloy niya.

"Busy na tao po si Nanay, so please make it quick po." Sabi ni Charily.

Pinagpatuloy na ang pagpupulong. Sa huli, napatalsik yung dalawang lalaki, habang kami naman ni Charily ay naparusahan lamang ng community service for one week.

~•~

"Hindi mo man lang inihatid ang nanay mo sa gate." Panimula ko.

Sabay kaming naglalakad ni Charily pabalik sa room. Hindi din naman masyadong matagal ang meeting. At hindi pa kami pwedeng umuwi hanggat hindi natatapos ang klase. 30 minutes lang ang tinaggal ng meeting at hanggang 5 pm ang klase namin ngayon dahil may major namin Tuesday at Thursday ng hapon.

Charlie's DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon