Chapter V

2 2 0
                                    

Charlie's Darling Chapter V
;RistyaKarin
~•~

Sa lahat ng makakahuli sa amin ay ang principal pa. At ang sobrang nakakainis ay nadamay pa ako! Dapat ko na talagang iwasan si Charily, una ay napalabas kami sa klase, pangalawa, nadamay ako sa away niya at pangatlo, Ipapatawag ang magulang ko! Siguradong papagalitan ako ni Mommy ng sobra at ang mas malala pa ay baka bawiin pa ang condo ko! Dapat ay lilipat na ako ngayong weekend pero mukang hindi na matutuloy!

Ngayon ay pauwi na ako at kasalukuyang pinagiisipan kung paano ko sasabihin kila Mommy at Daddy na ipinapatawag sila ng principal. Dumaan muna ako sa bakery upang bumili ng paborito ni Shanaia na crinkles habang ang kay Mommy naman ay brownies. Pampalubag loob.

"Hi, Mommy. May pasalubong ako sa inyo." Binigyan ko si Mommy ng isang malawak na ngiti saka siya hinalikan sa noo.

"Hi, Shan." Bati ko kay Shanaia saka ko siya hinalikan sa noo. Naniningkit ang kanyang mga mata na parang nanga-akusa.

"May ginawa kang masama no?" Aniya. Kinuha ko sa bag ko ang pagkain na binili ko.

"May pasalubong pa naman sana ako sayo. Kaso wag nalang." Sabi ko sa kanya saka ko inabot kay Mommy ang supot na may lamang brownies at crinkles.

"Mommy, sayo nalang. Wag mo bigyan si Shan."

"Oh, siya. Umakyat ka na ay magbihis. Magluluto pa ako ng hapunan natin."

Umakyat ako sa aking kwarto pagkatapos ay nagbihis saka nagmuni-muni at nag-isip kung paano sasabihin sa kanila na nakipag-away ako. Hindi naman ito ang first time na napaaway ako pero ngayon lang ulit napatawag ang magulang ko sa haba ng panahon.

"Kuya, bumaba ka na daw. Kakain na." Napatingin ako kay Shanaia na nakahalukipkip at naniningkit parin ang matang nakatingin sa akin.

Hindi ko namalayan na lumipas na pala ang oras sa lalim ng aking pagiisip. Hindi ko na pinansin pa si Shan at bumaba na. Naabutan ko si Daddy na nakaupo habang si Mommy naman ay inaayos na ang pagkain sa lamesa. Umupo na ako sa aking pwesto ganon din si Shan at Mommy.

"Kanina sa school may babaeng naharass..." Panimula ko. Magandang magsimula muna sa dahilan ng pakikipag-away kesa sabihin ko agad na napaaway ako. Pihadong hindi ako makakapag-explain kung 'yon ang uunahin ko at baka hindi na matapos ang sermon hanggang bukas. Kaya mas mabuting explanation at pampalubag-loob muna.

"Oh, anong nangyari don sa nang-harass?" Tanong ni Daddy habang kumukuha ng ulam.

"Pinatawag yung magulang." Sabi ko.

"Aba, dapat don ay pinapatalsik na sa school nyo!" Sabi naman ni Mommy.

"Pinapatawag din po kayo sa school." Segway ko sa usapan.

"Aba't bakit?! Hindi kita tinuruang mang-harass, Yallen Mikolai!" Hinampas na ni Daddy ang lamesa.

"I can't believe you, Kuya." Nangaakusa at may disgusto ang mga mata ni Shanaia na nakatingin sa akin na may halong pailing-iling pa ng ulo.

"Hah! Kaya pala may pa-brownies at crinckles ka! Hindi mo ba naisip na may kapatid kang babae at babae din ang nanay mo!" Masama ang tingin sa akin ni Mommy.

"Chotto Matte! Hindi ako yung nang-harass, okay?!" Naghi-hysterical na sabi ko. Para naman silang nakahinga ng maluwag.

" Oh, e bat kami pinapatawag sa school?" Si Daddy na mahinahon na ngayon.

"Well, napa-away kasi ako, Dad."

"Aba't proud ka pa na napaaway–"

"Wait lang, Mommy! Hindi pa ako tapos." Nanahimik naman si Mommy kaya muli akong nagpatuloy, "As i've said, napaaway nga ako, kase diba may babaeng hinarass? Kasama ako sa tumulong sa kanya. I mean nadamay ako kase yung kasama ko talaga yung nakakita sa kanila tapos sumunod lang ako tapos nakita kong hahampasin ng kahoy si Charily, yung kasama ko, e nakatalikod siya kaya ang ginawa ko, sinipa ko yung lalaking hahampas sa kanya. Tapos saktong yung principal pa ang nakakita samin, pinapunta muna kami sa principal's office tas sabi papuntahin daw kayo." Mahabang paliwanag ko. Tinuloy tuloy ko na upang wala ng sumabat pa.

"I'm so proud of you, son. Manang-mana ka talaga sakin." Sabi ni Daddy at tinapik pa ang balikat ko bago muling pinagpatuloy ang pagkain.

"So, pwede pa rin ako lumipat sa condo?" Napatapik bg noo si Daddy habang si Mommy naman ay masama ang tingin sa akin at kay Daddy.

"Bakit pinaalala mo pa?" Sabi ni Daddy na masama na rin ang tingin sa akin.

"Not gonna happen." Umiiling na sabi ni Mommy.

"Mommy naman, promise ko sayo lagi akong dadalaw dito."

"You're leaving me, Kuya?" Nangingilid na ang luhang sabi ni Shanaia.

"Of course not! I'll always sleep here every Friday and Saturday. If you want, you can also sleep in my condo." Paliwanag ko upang hindi siya umiyak. Eversince ipanganak si Shan ay hindi na kami mapaghiwalay. Para kaming kambal na kung may pupuntahan ang isa ay dapat nandoon din ang isa. Minsan nga ay sumasama pa ako kapag may practice sila ng kung ano-anong sayaw sa labas o vice versa.

Natapos ang aming hapunan ng pumapayag silang lumipat ako sa condo ngunit dapat ay madalas akong dumalaw dito at kasama akong magsimba tuwing linggo.

~•~

Sabi ng principal ay dapat dumating ang magulang namin ng alas-tres ng hapon. Alas-dos palang ng hapon ngunit excuse kami sa klase.

Habang iniintay ko si Mommy sa may labas ng school ay naglaro muna ako ng offline games sa aking cellphone. Napagisip-isip kong bakit nga ba ako nagiintay ng ganito kaaga kung ang meeting naman sa principal's office ay alas-tres pa? Gusto ko sanang bumalik at magpalipas oras nalang sa cafeteria kaya lang ay tinatamad na akong lumakad at magpabalik-balik.

Napatigil ako sa paglalaro ng may lumapit sa aking matandang babae, hindi naman katandaan siguro ay mga nasa 30-40 years. Nakasuot ito ng maong na pantalon at isang kulay pastel blue na unbranded na damit. May dala pa itong payong na mahaba, hindi 'yung payong na automatic at naiifold, 'yung sinaunang payong.

"Hijo, kilala mo ba si Charily? Heto ang picture niya, tingnan mo." Muntik na akong matawa ng tingnan ko ang picture, isang 2×2 picture ni Charily. Wala ba silang ibang picture ng anak nila?

"O-opo." Napakagat ako sa aking labi upang pigilin ang aking pagtawa.

"Pwede mo ba akong samahan sa kanya? Hindi ko kase alam kung saan ang room niya."

"Sige po." Ako ang naunang maglakad ngunit binagalan ko lamang upang makasunod ang nanay ni Charily. Napadaan kami sa may covered court ng school kung saan ng nagpa-practice ang mga basketball players.

"Ma!" Napatigil kami sa paglalakad at napalingon sa tumawag. 'Yung boyfriend pala ni Charily. Nagmano ito sa nanay ni Charily bago nagpunas ng pawis sa leeg.

"Anong pong ginagawa nyo dito, Mama?"

"Aba e, hindi ba sinabi sa iyo ni Charily?"

"Bakit, ma? Anong nangyari?" Kunot-noong tanong nito.

"Ay, pinatawag na naman! Juskong bata 'yon. Ano bang nangyayari doon at napapadalas ang away non? Nung unang taon nyo naman dito ay hindi 'yon napapaaway." Hinawakan ng nanay ni Charily sa may pulsuhan si Exequiel. "Sumama ka na sa amin. Pawisan ka na, pwede naman atang mamaya ka na mag-practice."

"Magpapaalam lang ako kay Coach, Ma." Sabi ni Exequiel saka tumakbo pabalik sa court saka bumalik sa amin.

"Tara na, ma."

Tahimik kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa room. Hindi na namin kinailangan pang tawagin dahil agad namang tumayo si Charily at lumapit sa amin ng makita niyang nasa labas ang nanay niya.

"Nay." Sabi nito saka nag-mano.

"Charily, ano bang nangyari? Juskong bata ka."

"Nay, sasabihin din naman yon d'on mamaya e. Hindi ko nga po alam bat kailangan pa ng guardian e wala naman akong ginagawang masama. Pasalamat pa nga sila at tinulungan ko yung babae. Kung hindi edi sana ay sa susunod na buwan e buntis na 'yon!" Naka-nguso pang sabi ni Charily. Hindi ko al na may ganito pala siyang side.

Napakagat ako ng labi.  Kinuha ko ang cellphone ko at kunwaring nagtetext, saktong pagtingin niya sa akin ay saka ko naman pinindot ang shutter button. Ang cute.

Napansin kong masama ang tingin sa akin ni Charily kaya naman agad kong ibinulsa ang phone ko at nagpatay malisyang tumingin tingin sa paligid.

;RistyaKarin
~•~

Charlie's DarlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon