CHAPTER ONE - Bangkok

56 4 2
                                    

Mahigit tatlumpung minuto rin ang biyahe nila mula airport hanggang Chinatown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mahigit tatlumpung minuto rin ang biyahe nila mula airport hanggang Chinatown. Unti-unting nawala ang pagkailang ni Apollo dahil na rin sa dami ng kwento ni Jan.

Nang makababa ng sasakyan, si Apollo na lang ang pumasok sa loob ng hostel at sa labas na lang naghintay si Jan. Mabilis na nag-check-in si Apollo at iniwan ang kanyang backpack at ang maleta ni Jan sa locker. Mabuti na lang at nagkasya ang mga iyon doon. Kinuha niya ang jacket na kanina ay suot sa eroplano bago ikandado ang locker.

Palabas na siya nang saglit na natigilan. Tanaw niya mula sa loob si Jan na tumitingin ng mga tattoo designs sa may bintana ng katabing shop.

"You've always wanted to get one, right?" ang sabi ni Apollo nang makalabas siya ng hostel.

"Meron na." ang sabi ni Jan.

Niluwagan niya ang suot na kurbata at tinanggal ang unang butones ng kanyang polo. Ibinaba niya ang kwelyo para ipakita kay Apollo ang tattoo sa ibaba ng collarbone. 432 ang mga numerong nakaburda sa kanyang balat.

"It's the number of my first commercial flight."

--

Naglakad na sila papunta sa isang night market sa Yaowarat Road kung saan nagpiyesta silang dalawa sa mga masasarap na pagkain ng Thailand. Kaliwa't kanan ang bilihan ng pagkain at ng kung anu-ano pa. Nakakagutom ang bango na kanilang naaamoy.

Saglit na nagpaalam si Apollo kay Jan para bumili sa kabilang tindahan.

Matapos ang ilang minuto ay muling tumabi si Apollo kay Jan at sinabayan ito sa pagtingin sa mga naka-display na pagkain sa isang maliit na stall.

"Hey..." ang pagtawag ni Apollo sa atensyon ni Jan na abala sa pag-iisip kung ano ang bibilhing pagkain.

Saglit lang na tumingin si Jan kay Apollo at hindi nito napansin ang bitbit niya.

"Nandito pa kaya 'yung bilihan ng coconut ice cream na may nuts?" ang tanong ni Jan kay Apollo habang nakatingin pa rin sa mga naka-display na pagkain.

"Ito?" ang sabi ni Apollo.

"Uy, favorite ko!" Nanlaki ang mga mata niya nang iabot sa kanya ni Apollo ang isang buko na may lamang coconut ice cream and crushed peanuts. Kinain ito ni Jan habang naglalakad sila sa kahabaan ng night market. Payakap niyang bitbit ito. Nasa pagitan ng kanyang braso at gilid ng tyan ang buko habang maya't maya ang pag-scoop niya ng ice cream mula sa loob.

Nakailang lipat sila sa mga maliliit na tindahan para tikman ang mga gusto nila hanggang sa sila'y mabusog.

--

"Hindi ko na mabilang kung ilan na 'yung eroplanong napalipad ko." ang sabi ni Jan bilang pagpapatuloy sa kwento niya kay Apollo.

Nilalantakan niya ang isang order ng mango sticky rice. Nang maubos niya ito ay tumayo na sila at naglibot.

Wait for Me in Chiang MaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon